Chapter Nineteen

2.5K 102 4
                                    

Naiwan akong naka titig sa kawalan, hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa pwestong ito o kung bakit pamamanhid lang ang nararamdaman ko ngayon. Nang may marinig akong boses sa malapit.

"Heart? What the fuck happened?" Sa gitna ng kawalan lumitaw ang napaka among mukha ni Natasha.

Puno ng pag aalala ang mga mata nya habang naka luhod at naka tingin sakin. Hinaplos ko ang mukha nya, sa sandaling iyon nagkaroon nanaman ako ng urge na humagulgol.

"Tell me what happened?" Hindi nya ako pinilit tumayo sa halip binuhat nya ako ng walang effort.

Ipinasok nya ako sa passenger seat ng kotse nya, pag tabi sakin hinawakan nya ang mukha ko. Napakarami nyang tanong pero walang pumasok sa isip kong salita para masagot sya.

Nag maneho sya habang naka tulala ako sa kadilimang nasa utak ko parin. Wala akong ideya kung umaano ako sa mga sandaling ito habang merong bumubulong sakin meron akong bagay na di tinapos.

Anong bang dapat na ginagawa ko ngayon? Meron ba akong pupuntahan? Saan ako pupunta kung may kung anong humigop ng lakas ko?

Naramdaman ko nanaman ang pag angat sa ere at nakita ko ang nag aalalang mga mata nya habang buhat buhat ako. Hinaplos ko ang pisngi nya , ninais kong alisin ang pangambang meron sa mga mata nya. Pero diko alam kung paano.

Ilang minuto lang ng ipatong nya ako sa isang napaka lambot na kama, nag libot ako ng tingin at sinuri ang paligid. Hindi pamilyar sakin ang lugar dahil siguro unang beses ko dito. Nawala sandali si Natasha sa harapan ko.

Bumalik sya na may bitbit ng medicine kit. Lumuhod sya sa harapan ko saka binuhusan ang paa ko ng agua oxinada. Nakagat ko ang ibabang labi sa pag guhit ng hapdi.

Sa hapding iyon, nag simulang bumalik ang lahat ng pakiramdam pati na ang takot sa mga nangyari. Kasama pa ang pakiramdam na kanina pa bumu bulong sakin. Malaking parte ko ang nagtatanong kung bakit diko pa tuluyang pinatay si Tiago.

Nagkaroon na ako ng pagkakataon na pinalagpas kolang, tiyak na kung pinanood ko kung paano mawala ang liwanag sa mga mata nya may saya akong mararamdaman ngayon.

Nagising ako sa malamin na pag iisip ng marinig ang mahinang pag hikbi ni Natasha sa harapan ko. Nababasa na ngayon ang pisngi at baba nya sa mga luhang nagmumula sa mga mata nya.

"Bakit ka umiiyak?" May pag aalalang tanong ko.

Hindi sya sumagot, ipinag patuloy nya ang ginagawa hanggang sa ma bendahan ang dalawang paa ko. At umiiyak sya hanggang sa itabi sa mesa ang medicine kit. Hinawakan ko ang baba nya para mahuli ang mga mata nya.

"Natasha bakit ka umiiyak?" Mas lumakas ang pag iyak nya ng matitigan ako.

"Who did this to you?" Hinaplos nya ang gilid ng labi ko at noon ko lang naramdaman ang hapdi doon.

"Si Tiago" Natigil ang pag iyak nya.

"Sino yon? Anong ginawa nya sayo" Hindi ko alam kung tama bang sabihin sa kanya.

"Iyong matagal nya ng gustong gawin" Natawa ako sa mga naisip. "Hindi ko nga alam kung paano may nabuhay samin eh" Nakita ko ang pagtatagis ng bagang nya.

"Hindi nakakatawa ito, anong nangyari?" Hinaplos ko ang mahabang buhok nya.

"Hmm sinubukan nyang mag take advantage. Hindi ko rin alam kung paano ako naka laban. Totoo nga siguro yung mga guardian angel or baka adrenaline rush" Nabura ang ngiti sa labi ko at nagising sa kung gaano ka seryoso ito ng mag dilim ang mukha nya.

Ngayon ko lang nakitang lumitaw yung labis na pagkamuhi sa mga mata nya at kahit pa natakot ako sa mga nangyari biglang tumaas ang balahibo ko sa expression meron sya.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now