Chapter Thirty-four

2.5K 108 1
                                    

⚠️⚠️⚠️ Mature Content ⚠️⚠️⚠️

---

Natulog ako sa sofa ng condo nya at pina uwi ko na sila Shaun para maka pag pahinga narin. Dahil sa problema namin ni Natasha napakarami ng taong na pe perwisyo na di naman dapat.

Kailangang maka usap ko na sya once and for all, kung ayaw nya na talaga at kung wala na syang makitang possibilities para samin kahit na ayoko tatanggapin ko na. Baka kasi mas maging masaya sya kung talaga ngang titigilan kona sya.

Pero bago yon gagawa ako ng paraan para makakita parin sya ng sense. Kahit na mahirap maging sweet na isang kamay lang ang gamit, nag luto ako ng hang over soup dahil tiyak na masakit sa ulo ang kalasingan nya kahapon.

Alas nueve na ako ng matapos, na iinis nanaman ako sa hinder na dinudulot ng naka balot kong kamay. Paano ko mabubuhat ang lahat ng ito sa kwarto nya kung isang kamay lang ang magagamit ko?

I guess nandito ang utak ko for a reason?

Ang naisip kong idea ay ipatong sa tray ang bawat isang plato at mag ala professional waiter. Yung halos sampung mga plato ang kayang bitbitin all at once? Yeah baka nandoon ang special talent ko.

Ngayon kolang na discover na kapag tuluyan na akong tinanggalan ng trabaho nila señorita sa ilang araw na di ko pag pasok meron akong future sa pag we waitress.

Speaking of señorita, napalaki ng pag papasalamat ko kay señorita Rose na nung sabihan kong baka di parin ako maka pasok. Ang naging sagot nya lang ay "Take all the time you need. Go get your girl"

Parang napaka dali pero sa salita lang, dahil yung girl na tinutukoy nya mukhang monster ngayon. Nagising sya sa pang tatlo at pinaka huling balik ko. Kape nalang ang laman ng tray  na nasa palad ko.

"What happened to your hand?"Kunot noong tanong nya habang nagkakamot ng ulo.

"Pa alala mo sakin next time na pwede ka palang mabalian ng buto kapag sinubukan mong manuntok ng pader" Natatawang tugon ko.

"What the fuck?! Anong ginawa mo?" Hinatak nya ako paupo sa tabi nya, sinuri nya pa ang naka bendang kamay ko.

"Yeah kahapon sa laki ng urge na suntukin yung lalaki mo. Well ginawa ko yung urge pero di sya ang tinamaan ko" Pinanlisikan nya ako ng tingin.

"Malaki ba talaga ang kagustuhan mong masaktan? First you fall down from a cliff now you're punching bricks?! What the hell Trixie?" Hindi ko pinansin ang ka OA-yan nya.

"Okay lang ako, saka dini discover ko pa yung secret powers na tinutukoy mo non. Hmm naka cross out na don ang flying at super strength" Natatawang balik ko, napa ngiwi lang ako ng pitikin nya ang tenga ko.

"Umayos ka nga, hindi ito ang oras para mag biro ka" Namula ang mata nya at aktong iiyak na. Bumagsak ang braso ko.

"Sorry na, kumain kana muna alam kong masakit ang ulo mo. Kaya ko naman" Hinaplos ko ang bed head nya.

"Trixie I still don't want to see you getting hurt" Hinawakan ko ang baba nya para kunin ang atensyon nya kaysa sa bed sheets na naging interesting sa kanya.

"Wag ka ng mag alala heart ko. Kumain kana" Sumara ang mga mata nya ng ilapit ko ang labi. Pero diko hinayaang mag dakit ang labi namin. "Ma alala ko ayaw mo palang kini kiss kita,diba?" Nag pout sya ng di maramdaman yung ine expect na halik.

"What the hell? Ngayon mo pa naisip yon? Every morning mo naman ginagawa" Pinigilan nya ang pag tayo ko.

"Kaya nga nag babagong buhay nako. Wala nakong ipipilit sayo. Sige na kumain kana" May galit ang bawat subo nya, mukhang bigla syang naging bad mood dahil wala ang good morning kiss nya.

Devilishly Gorgeous (wlw)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang