Chapter Two

5.1K 146 6
                                    

"Letseng buhay to!" Narinig kong bulyaw ni papa malayo pa ako sa bahay.

Kinabahan ako ng malamang mukhang naka inom nanaman sya. Tuwing naka inom sya ayokong syang nakikita dahil puro mura at reklamo lang ang naririnig ko sa kanya.

Nagsisimula din doon ang sigawan nila ni mama at pagtatalong hanggang dumilim ay gagawin nila. May pagkakataon pang nagkaka sakitan na sila na ayokong makita ngayon.

Kung papipiliin mas gusto ko nalang na nasa school o nasa mansion kaysa sa bahay namin. Dahil sumasama ang pakiramdam ko kapag naririnig ko sila, at parang may maitim na usok ang pumapaloob sa hangin kapag kasama ko sila.

Pero wala akong magagawa, kahit na takbuhan ko sila ,saan naman ako pupunta? Sila ang pamilya ko kahit pa pag bali-baligtarin ang mundo diko sila matatakasan.

May ingat ang naging paglakad ko papasok sa bahay, para maiwasang magising ang naka tulog na tatay ko sa bangkuan nya dito sa labas at tabi ng pintuan. Gaya ng ina asahan may yakap yakap syang bote ng alak.

Sa loob ng bahay namin nagusot ang ilong ko sa labis na kalat ng buong bahay na parang dinaanan ng buhawi sa gulo. Nag tatakbuhan ang dalawang kapatid kong wala pang mga salawal.

"Roxanne? Bakit mo naman hinayaang maging ganito ang bahay?" Tawag ko sa kapatid. Kahit na kinse palang si Roxanne sa kanya lang ako umaasa pagdating dito sa bahay.

Si mama kasi malamang na nasa kwarto nanaman at naka inom din. Miserable ang dalawang magulang ko at aaminin kong sa oras na ito puno ng galit ang puso ko para sa kanila.

Bakit pa sila gumawa ng pamilya kung ganito din pala ang mangyayari sa mga anak nila? Lahat ng responsibilidad kahit na disi-osto palang ako naghihintay na sakin. Wala akong matandaan na naging masaya ako dito sa bahay.

"Ate? Buti naman at umuwi kana. Nag away kanina sila mama" May takot sa mata ni Roxanne habang isa isa ng dina dampot ang kalat.

"May bago ba?" Balik ko, hinuli ko si Tony ang anim na taong bunso namin. "Tony big boy kana, bakit wala kang shorts?" Tumawa ito.

"Nathan ikaw naman nasan ang shorts mo?" Tanong ko sa kapatid na walong taon.

"Ate galing akong banyo tapos yung shorts ko tinago ni Tony!" Nag kamot ako ng ulo at kaagad na pumasok sa kwarto.

Kalat ang matapang na amoy ng alcohol sa kwarto at tama nga ako sa hinalang lasing din ngayon si mama. Sa halip na pansinin, lumuhod ako sa drawer para ikuha ng mga shorts ang kapatid ko.

Bumalik ako sa salas at mahinang pinalo ang pwet ni Tony ng matapos syang suutan ng shorts. Matapos na malagyan ng salawal ang mga kapatid ko nag simula akong mag linis ng kabahayan.

Habang naging abala na sa pagluluto si Roxanne. Nag init ang ulo ko pero pinigil ko ang sarili na mawalan ng pasensya sa mga nakababatang kapatid kong napaka kulos. Isa sa ipinangako ko sa sarili na di ako tutulad sa mga magulang ko.

"Tony, Nathan manood nalang muna kayo. Pumirmi kayo sa isang pwesto, pakiusap lang" Isinaksak ko ang TV.

"Ate kanina pa walang tao yan. Di naman magawa ni ate Roxie" Kumunot noo ako sa narinig.

Bata pa ako ito na ang TV na kinalakihan ko hanggang sa magkaroon ito ng sira, noong una biglang namamatay lang ngayon bigla naring nawawala ang tao nito. Parang high tech na radio nalang ang meron kami.

Wala kaming budget sa pagpapagawa nito kaya napilitan akong gumawa ng paraan upang kahit paano maiayos. Natuklasan kolang ang paraan para magawa ito nung one time inis na inis nako, patong patong pa yung sama ng loob na meron ako.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now