Chapter Forty-two

3.1K 94 6
                                    

Alas nueve na at wala parin sya. Natapos na't lahat ang make up at pag hahanda sakin. Tumingala ako ng mag init nanaman ang mga mata ko. Nai kuyom ko ang kamay dahil unti unti ng nagiging galit ang inis ko.

"Calm down dadating sya" Nagulat pa ako ng makita sa tabi ko si tita Dom.

"Alam nyo ba kung bakit wala sya? Nagbago napo ba ang isip nya? Dapat ba pina cancel ko na ang kasal?" Nanghihinang balik ko.

"Trixie remember this, she loves you irrevocably. Don't ever doubt that. She'll come, just wait" Suminghot singhot ako.

"Pero bakit di sya nag paalam? Nag aalala nako kung nasaan na sya? Ano bang iniisip nya?" Tanong ko at wala akong hinihintay na kasagutan.

"Just have faith in her, alam mong baliw na baliw sayo yon." Pinunasan ko ang pisngi. Saka tumango.

"May tiwala po ako sa kanya" Hinaplos nya ang likuran ko at ngumiti.

Naiwan akong mag isa,maayos na ang lahat pupunta nalang kami sa simbahan pero paano mangyayari yon kung wala parin si Natasha. Natatakot ako na baka mamaya may kung ano ng nangyari sa kanya.

"Trixie come on" Bungad ng bestfriend ko.

"Ayokong pumunta sa simbahan kung wala parin sya" Nanghihinang turan ko.

"Nandyan na sya! Inaayusan na" Nanlaki ang mga mata ko.

"Nasaan? Gusto ko syang makita" Umiling si Jane.

"Hindi pwede masyado na tayong delay. Tara na mag ready ka ng lumabas" May effort ang naging pag tayo ko sa laki ng gown na kailangan kong suutin.

Pag labas diko magawang ngumiti sa mga photographer at videographer na kinuha ng mom ni Natasha. May pag aalala parin sa puso ko at hindi ako matatahimik hanggang sa di sya nakaka harap.

Inalalayan ako ni Jane papasok sa kotse na syang maghahatid sakin sa simbahan. Magka hiwalay kami ni Natasha sa pag punta dahil iyon din ang gusto ng mom nya pero parang di na romantic para sakin ngayon yon.

"Anak ngumiti ka naman. Kasal mo ito pero para kang pinag sakluban ng langit at lupa" Komento ni papa na kasama ko sa loob ng sasakyan.

"Nakaka stress pala ang ikasal pa" Malaki syang ngumiti at naisip kong napaka gwapo nya ngayon lalo pa sa polong suot nya.

"Iyon ba ang iisipin mo? Isang beses kalang ikakasal sa taong pinakamamahal mo. Hahayaan mo bang lamunin ng stress ang araw na ito?" Medyo naliwanagan ako sa narinig.

"Tama kayo pa, salamat at nandito kayo" Niyakap nya ako kaya't nag init nanaman ang mga mata ko.

"Napakasaya ko at ako parin ang mag hahatid sayo sa altar. Kahit pa napakaraming nangyari sa pamilya natin masaya akong naging maayos kayong lahat" Nakita koring nag tubig ang mga mata nya.

"Bawal umiyak pa, kapag nag simula ka siguradong susunod nako" Nagkatawanan kami at sabay na tumingala para pigilan ang mga luha.

___

Dahil sa late si Natasha pagdating sa simbahan ako ang unang hinatid sa altar na iba sa ni-rehearse namin. Huminga lang ako at di nagpadala sa tension sa hanging damang dama ko.

Ngumiti si papa bago ako iwanan inabutan nya ako ng panyo na sa palagay ko'y malaking tulong. Isa isang pumasok ang mga abay, malaki akong napa ngiti ng makita si Selene na nag sa-saboy ng bulaklak, malakas pang nagkatawanan ng huminto sya sa ginagawa at hintayin si Sage na nasa likuran nya.

Ang anim na taong si Sage naman ang ring bearer namin, habang nag ala photographer sina señorita Rose at señorita Savana sa pag kuha sa mga anak nila. Ngayon magka hawak kamay pang lumakad sina Sage at Selene.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now