Special Chapter

4.6K 130 11
                                    


Natasha



"I love them pero minsan nagtatanong parin ako kung bakit tayo nag anak" Tumawa sya sa tinuran ko.

"Heart naman baka marinig ka ni Tris" Inalis nya ang mata sakin at tumanaw sa mga anak naming nag tatakbuhan sa damuhan.

"Look at them, parang kailan lang nakikisabay pa akong umiyak kapag nag chorus na sila sa pag palahaw" Tumawa nanaman sya at wala ng mas magandang musika.

"Yeah na aalala ko na sabay pa kayong mag lupasay noon" Iniyakap ko ang kamay sa balakang nya.

"Paanong hindi? Sa halip na sinosolo ko ang atensyon mo inaagawan nila ako" Pag harap nya, tumambol ng malakas ang puso ko.

Biglang bumalik yung pagkakataong una kong naka tagpo ang mga mata nyang kasing kinang ng mga bituin sa kalangitan. The first sentence my mind came up was 'Natasha you're fucked' which is true. Simula ng makilala sya napagtanto kong sya na ang hinahanap ko.

That time hindi rin ako aware na may hinahanap pala ako until sa matagpuan ko sya. Parang may nag click sa loob ko at naging buo ang akala ko'y broken na pagkatao ko.

"Here we go again" Mahinang balik nya.

"Ikaw lang naman yung walang paki na di ako madalas kasama. Ako kapag di kita kadikit ng ganito parang literal na nilalagari yung braso ko sa sakit" I said in exaggeration.

"Parang ang morbid naman noon. Saka sige nga sabihin mo sakin kung kaya mong imagine-nin ang buhay natin ngayon na wala sila" Pag pikit kadiliman ang sumalubong sakin, which is the obvious outcome, pumikit ako eh.

But then I felt empty just thinking about it. Parang yung naramdaman ko nung mawala sakin si ate. Huminga ako ng malalim na kaagad nag pa-init sa mga mata ko. Ayokong isipin ang hinaharap ko na wala ang mga anak kong makukulit.

"I can't, they both makes me whole" Full of emotion na balik ko.

"Ganoon din ako, just thinking about it. Parang panaginip lang ito, diba?" Isa pa iyon sa sina sang ayunan ko.

"Being married to you feels like the dream" Napa ngisi ako ng makitang magkaroon ng tinge of red ang cheeks nya. "Uy kinilig ang misis ko" Hinampas nya ang braso ko ng mag pout ako nabalutan kaagad ng guilt ang mukha nya.

"You're incorrigible pero love na love parin kita" Humahagikgik kong hinalikan ang leeg nya. Ngayon nanigas naman ang katawan nya.

"Heart wag dito,saka baka makita ka ng mga anak mo" Umungol ako sa frustration.

"Bakit nga ulit tayo nag anak? Diko na matandaan ang rason" Tinulak nya ako ng konti palayo sa katawan nya.

"Para ka paring bata" Inamoy ko nalang muna ang balat nya.

Ito lang sapat na para mawala yung frustrations or discomfort dahil safe haven ko ang babaeng ito. Wala ng mas mahalaga pa sa kanya, halos diko na nga matandaan yung buhay ko noong di sya nakikilala kasi sya nalang ang natatandaan ko.

"Si Jane dalawin natin malapit na ang kabuwanan non" Hindi ako sumagot, nanatili ako sa ginagawa. "Sure na matutuwa si tita Pam na mabibigyan narin sila ni Jane ng baby" Dagdag nya. Wala parin akong sinabi. "Tulog kana ba?" Ina antok ko syang tinitigan ng hawakan nya ang mukha ko.

"Kaya naman ni Taba yon, ayokong makita si Footlong" Tukoy ko doon sa pusang more than once ng ipinakita sakin kung gaano sya ka feral.

"Lagi mo kasing ini-inis si Loo eh kaya ka kina kalmot" Aba't kasalanan kopa pala.

"Kung di ako naka iwas bulag nako ngayon. Dina sana kita nakikita, alam mo ba kung anong gagawin sakin non?" Di naka ligtas sakin ang pag ikot ng mga mata nya.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now