Chapter Thirty-nine

2.6K 102 10
                                    

Sumasakit ang ulo ko sa napaka agang balitang pumutok sa buong bansa. Trending sa lahat ng media platform ang tagpo noong PA pa ako ni Natasha at nagkaroon sila ng mainit na sagutan ni Ivory.

May kumuha pala ng video at buong population ng bansa nagtatanong kung anong possible reason kung bakit kami nasa ganoong tagpo. Iba't ibang tsismiss na ang nag si circulate habang diko na alam kung paano ipagtatanggol ang sarili pati na mga taong involved sa usapin.

Dalawa ang side ng usap at wala dito ang tama. Unang hinala nila na baka raw mula nung guesting ni Natasha sa "Morning with Us" show nagkaroon si Ivory at si Natasha ng affair. Nasa sixty percentage ng fans iyon ang pinaniniwalaan.

Dahil di naman daw imposible, lahat daw ng lalaki ma aakit kay Natasha sa madalas na suot nito. Maraming nagagalit sa kanya ngayon, lalo pa't mula ng pumutok ang balitang ito naisip ng side nila Ivory na sabihing hiwalay na kami.

Mas lalo silang naging convince na nambabae si Ivory at halos lahat ng babae sa bansa naaawa sakin. Hinihintay nila ang sasabihin ko. May ilan ding nagsabi na susuportahan nila ako,ano man ang maging susunod na hakbang ko.

Yung forty percent naman ng mga fans o walang magawa kundi ang makisali sa usap. Naniniwala na dahil nag out as bisexual si Natasha. Ako ang inakit nya at dahil sa tunay na maganda ang girlfriend ko kahit daw straight ma be bend.

Nahihilo na ako tuwing maiisip ito at tuwing bubuksan ang cellphone notification ng mga galit na fans ang nababasa ko. Meron pang iba sa kanila ang nalaman ang number ko,kaya may mga nag me message din sakin.

Kinamot ko ang tenga habang pinag de debatehan kung mas magandang sa condo ako ni Natasha tumuloy o maki tulog na muna kay Jane na nandoon parin naman sa apartment namin.

Ayokong makuhanan ng mga reporters, maraming ganoon sa labas ng building na tinitirhan ni Natasha. Si Natasha ang pine pressure nila ngayong mag labas ng statement para mas mag init ang lahat.

"Kamusta?" Tanong ni Ursula na kasabay ko pababa.

"Saan? Don't tell me updated karin sa latest tsika ngayon" Tumatawa nyang dinukot ang cellphone.

"Yeah nabasa mo naba to?" In bold letters "MODEL NA SI NATASHA MORETTII ENGAGED NA?! KAYA BA BIGLAAN ANG HIWALAYAN NI PAPA IVO AT NG GF NYA?" may kuha pa sa site na iyon ng daliri ni Natasha suot ang singsing na binigay ko.

"Ka stress, alam mo ba kung hanggang kailan ito? Mapapanot nako kaka sumbrero" Tukoy ko sa araw araw na disguise ko.

"Ewan lang pero dahil sikat na sikat si Natasha sure na makiki sakay ang network noon. Biglang naging sikat nanaman sila Ivory, so gets ko kung bakit nag release sya ng statement" Buti pa sya gets nya, ako nalilito kung bakit gusto ni Ivory na pag usapan pa kami.

"Baka kailangan nya na ang security" Nag aalalang turan ko.

"Oo dapat na mag hire kana para maging safe sya. Lalo na sa mga galit na fans" Nagka urge ako na humanap ng security ni Natasha sa segundong ito rin mismo.

Personal assistant nga halos baligtarin ko ang mundo para maka hanap. Ngayon kailangan naman ay security? Isa ito sa diko gusto pagdating sa kasikatan nya ngayon. Kumalam ang sikmura ko sa gutom na ngayon kolang na alala.

Hindi pa pala ako nag la-lunch sa mga problemang gumugulo sakin. Nag usap pa kami ni Ursula hanggang sa mag hiwalay kami sa lobby ng building. Nag shades at cap na ulit ako, pag labas nakita ko ang ilang reporters at mabuti nalang may naka sabay akong matatangkad na employee. Di nila ko napansin.

Nag drive ako habang ang iniisip parin ay kung saan hahanap ng security ni Natasha. Naliwanagan lang ako ng ma alala ang dad nya, bakit ba ngayon lang pumasok si tito sa utak ko?

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now