Chapter Eight

3.1K 126 28
                                    

TW: Implied Violence

---

Pagbaba naabutan pa naming nag lalandian sila Seb at Natasha, nag baba ako ng tingin ng kumirot nanaman ang tiyan ko. Nadadalas kong maramdaman ngayon ito lalo na kapag na aalala si Natasha.

"Hey tulo laway kapa Taba oh" Turo ni Natasha sa pisngi ni Jane na kaagad pinunasan ng kaibigan ko kahit pa wala naman. "Hello Trixie" Hindi ko sya pinansin sa takot na makita nila kung anong nasa utak ko.

Naupo kaming apat sa mesa katabi ko si Jane habang parang tutang naka sunod si Seb saan man pumunta si Natasha. Kapag tumayo si Natasha tatayo rin ito, maya't maya pang naka yakap sa balakang ng babae ang kamay nito.

Nayamot ako sa nasasaksihan, kasabay noon ang mas pag tindi ng sakit sa tiyan ko hindi nalang ito kirot parang may mga kamay ng humahalukay sa loob ko. At hindi ko alam kung anong gagawin para mawala iyon.

"Here special yan" Itinutok ko ang tingin sa slice ng cake na nasa harapan ko.

"Mukhang masarap" Bulong ni Jane.

"Mukhang mahal eh" Balik ko sa kanya.

Pareho naming inignora ang presensya nila Seb na puro harutan ang ginawa. Kay Jane di naging mahirap iyon, tingin ko sanay na syang gawin iyon. Naka tulong pa yung masarap na cake para mawalan ng laman ang utak niya.

"Next friday na ang party ko, Taba wag mong kalimutang isama si Trixie" Paninira ni Natasha sa katahimikan namin.

"Kapag di sya busy, alam kong maraming ginagawa itong bestfriend ko. Wala syang time sa mga party party" Sagot ni Jane.

"Ano bang pinag kaka abalahan mo Trixie?" Tanong parin niya, kahit pa obvious namang ayaw ko syang pansinin.

"Baby sa kwarto nalang tayo" Ungot ni Seb, na para talagang tanga.

"Marami akong trabaho" Maigsing balik ko.

"Like what? Seb manahimik ka nga muna dyan" Sumubo ako ng cake para magkaroon ako ng oras na makapag isip ng isasagot.

"Marami eh, saka walang mag babantay sa mga kapatid ko" Sa sandaling pag tingin ko sa kanila nasa loob na ng suot na sando ni Natasha ang kamay ni Seb.

Nag tagis ang panga ko sa nakita, halos mag dilim ang paningin ko habang diko parin alam kung bakit ako nagkaka ganito. Gusto ko ngayong baligtarin ang mesa at hatakin kay Seb si Natasha.

"Seb pumasok ka nga muna sa kwarto. Wala na bang ibang nasa isip mo? Ano bako dito?" May inis na sabi nya, inalis ni Seb ang kamay sa sando ni Natasha.

"Baby na miss lang kita" Nakita ko ang pag guhit ng galit sa mukha nya.

"Miss? Dimo ba nakikita na nasa harap tayo ng kapatid mo? For one second keep it in your pants. God!" Nagkaroon din ng inis sa mukha ni Seb.

"Ano bang big deal? Dati wala ka namang pakialam, kahit nga sa harap pa ni mama" Tumayo si Natasha at mas lalong namula sa inis ang mukha nya.

"Dati yon, bahala ka nga dyan" Nag walk out ito dali dali namang naka sunod yung tutang naturingan.

"Bahala sila sa buhay nila" Bulong ni Jane na kumuha ulit ng slice. Di sya affected sa mga nangyari.

"Uuwi naba si Natasha?" Mas makaka hinga ako kung oo.

"Mag aaway lang sila ng mga ten minutes tapos magkaka sundo na ulit at papasok sa kwarto. Ganoon naman palagi eh." Bumalik yung kirot sa tiyan ko.

"Kuya mo naman kasi parang di makapag hintay. Tama naman si Natasha sa mismong harapan mo pa" May pait sa naging pagsasalita ko.

"Ngayon lang sya nahiya, ilang beses ko na kaya silang na abutan sa ginagawa nila." Nawalan na ako ng gana gaano man kasarap ang cake. Di naman na sayang iyon dahil matapos ang pangalawang slice inubos din ni Jane ang tira ko.

Devilishly Gorgeous (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon