Chapter Thirteen

2.9K 105 5
                                    

TW: Attempted rape

---



Sa pang ilang beses mula ngayong araw nag vibrate ang cellphone ko na inignora ko tuwing makikita ang pangalan ni Natasha. Bumuntong hininga ako at naisip na ipatay nalang ang cellphone.

Tiyak na mapapagalitan lang ako ni tiyang kapag nakita nya ko na gumagamit ng cellphone sa gitna ng trabaho. Nag madali akong kumilos dahil lahat ng iihawin ng señorita ilalabas kopa.

Plano ng pamilya nila ngayon na mag family bonding, lahat ng mga bata naka swimsuit dahil tag init uso na yata ngayon ang swimming. Dati di pina pansin ng lahat itong pool pero ngayon ito ang bida.

Nag pasalamat at ngumiti si señorita pag patong ko ng barbeque mesang nasa harapan nya. Sinabi ni tiyang na bilisan ko raw kumilos para ako na rin ang magpa ringas ng ihawan pero dahil sa anghel dito sa lupa ang señorita wala syang salitang sinimulang ayusin ang mga uling.

"Trixie gusto mo maki ligo din? Minsan lang ito" Yaya ni señorita na ikina iling ko.

"Madami pa po akong gagawin doon señorita" Naka ngiting tanggi ko.

"Ayaw mo? Wag ka ng mahiya. Maganda rin na makapag enjoy ka paminsan minsan" Inabot ko sa kanya ang pamaypay.

"Señorita ngayon po namin lalabhan lahat ng kurtina sa mansion. Nag te take advantage narin si tiyang na mainit ngayon"Paliwanag ko sa kanya.

"Haist naman Trixie puro ka trabaho eh" Gusto ko sanang isagot na trabaho naman talaga ang ipinarito ko.

"Habang nag lalaba mag re-review din po ako" Hinaplos nya ang ulo ko at tumango.

"Sige na, ako ng bahala dito. Para matapos kana agad" Kinuha ko lang yung ibang mga gamit na dapat ipasok saka ako tumungo sa labahan.

Nalula ako panandalian sa bundok ng kurtina na dapat labhan. Take note at mga kurtina palang ito, mabuti nalang naisip ni tiyang na hatiin sa ilang araw ang paglalaba namin. Di nya na gustong isabay ang mga kumot at bed sheets ngayon.

Nagpasalamat parin ako na diko kailangang kusutin ang lahat ng ito, isasalang kolang sa mga washing machine at ilalabas matapos ang ilang minuto. Kaya may pagkakataon parin ako para magbasa.

Ako ang naka toka dito dahil nag papalit na sila ng kurtina sa buong mansion at mas pinili ko nalang na mapag isa kaysa marinig yung mga tsismiss ng mga babaeng kasamahaan ko, lalo na't naka swimsuit sila señorita. Lahat sila maya't mayang tumitili kapag natatanaw iyon.

Kalahating oras habang abala sa pagbabasa ng mga notes ko, Natapos narin ang unang naka salang, hindi ko alam kung paano ako makaka survive ng mag isa dito at ako lang ang mag hahango sa mga ito.

Sa pang ilang beses grateful ako na pag tapos labhan medyo tuyo na ito. Kaya konting sampay nalang bago itupi. Ibinaba ko ang notebook at nag salang ng panibagong mga kurtina.

Sa gilid ng mata nakikita ko yung kaligayan nila Aleng habang nakikipag habulan kay Astrid na ilang beses ko palang nakikilala. Akala ko noong mag pakasal ang señorita aalis na sila sa mansion. Pero mukhang matagal pa mangyayari iyon.

Napag alaman ko sa ibang mga kasambahay na dito na permanenteng titira sila señorita Iris na nagdala sakin ng labis labis na kaligayahan. Madadalas kasi ang pag silay ko sa kanya.

Nag simulang dumilim sa kinalalagyan ko ng lumipas ng ganoon kabilis ang mga oras, gusto kong himatayin ng makita lahat ng mga nilaban ko at yung isipin pang natapos ko lahat ito.

Maluha luha pa ako habang ipinapasok ang mga laundry basket, sa bagay na iyon tinulungan narin ako ng iba. Noong magkaroon ako ng pagkakataong tumayo ng tuwid lahat yata ng buto ko nag tunugan at ang gusto ko nalang ngayon ay ang mahiga.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now