Chapter Thirty

2.4K 86 2
                                    

"A-Aray naman Jane, pwede dahan dahan lang?" Naka ngiwing reklamo ko habang isinu suot nya sakin ang blouse ko.

"Sorry best, di ako masanay sanay na may cast ka" Balik nya, habang isa isa ng ibinu butones ang damit ko.

"Yeah sabi nga ni señorita hanggang may cast bawal daw akong pumasok sa opisina" Ikot matang sumbong ko.

"Anong gagawin mo don pag pumasok ka? Makaka sagabal ka lang" Mas lalong di ako natuwa sa narinig.

"Kaysa naman tumambay ako ng isang buwan. Isang buwan Jane, God! Anong gagawin ko sa bahay non?" Frustrated sa turan ko.

"Aba malay ko, di simulan mo ng maging friends sa mga tenants na kapitbahay natin. O kaya eh mag isip kana ng ways para makipag break kay Ivory" Lumipat sya sa likuran ko, sinimulan nyang suklayin ang hanggang kilikili kong buhok.

"Sinabi kona nga na mag cool off muna kami pero ayaw pumayag" Sandaling huminto ang suklay sa buhok ko.

"Cool off? Best may gumagamit paba ngayon non?" Nalukot ang ilong ko.

"At least gets nya parin ang ibig kong ipakahulugan."Pumwesto sa harapan ko si Jane na may pagtataka sa mata.

"Ipakahulugan? Best okay kana ba talaga? Bakit ganyan na ang pagsasalita mo?" Gamit ang maayos kong kamay pinitik ko ang ilong nya.

"Baliw, malamang. At Jane normal ang MRI ko so wag kang ano dyan" nagtaas sya ng dalawang kamay habang hawak pa sa isa ang brush ng buhok.

"Payn ,Payn wala na akong sinabi" Bumaba sya ng kama, nag start na syang mag ayos ng mga gamit naming dinala rito.

"Salamat Best ha. Alam mo diko alam na okay lang sayo na paliguan ako"Natatawang komento ko, saka ko na alala yung tagpong pina paliguan nya ako habang naka blind fold sya.

"Sus, anong big deal? Alam kong gagawin mo rin iyon for me. Kaya nga if ever man na di mag work yung kay Dion, Best ikaw na yung nasa utak kong pakasalan" Nakaramdam ako ng tuwa ng malaman yon.

"Okay back up plan mo ko at ikaw naman ang back up plan ko. Deal, kapag diko naiayos yung kay Natasha ikaw nalang din ang pakakasalan ko." Na convince nya na ako sa idea na ito.

Na freeze ang pag bukas ng bibig ni Jane ng may kumatok sa pintuan. Sabay kaming sumigaw na 'pasok' ng pumasok si Seb. May ngiti sa mukha nya saka ako sandaling pinagmasdan.

"Parang wala naman palang nangyari" Komento nito maya maya.

"Wala? Invisible ba sa mata mo yung cast? At gauze sa ulo nya?"Mataray na balik ni Jane dito, na ikinatawa naman ni Seb.

"Not what I mean Jane. Ready naba kayo? Ready naman na daw i discharge" Tumango ako.

"Salamat sa pag sundo samin Seb" Ngumiti ulit sya.

"No prob, dadaanan ko rin naman si Lara" Tukoy nya sa ilang taon na nyang girlfriend na nurse dito mismo sa hospital.

"Sasabay sya satin?" Tanong ko.

"Oo dahil sa tapos narin ang shift nya" Bumaba ako sa kama at isinuot yung flip flops ko.

Nag lakad kaming tatlo sa hallway ng hospital habang animated na nag kwe kwento si Seb sa napuntahan nilang restaurant ni Lara last night lang. Hindi na ako magtataka kung within this week yayain din ako ni Jane sa resto na sinabi nito.

May saya ding umusbong sa puso ko para kay Seb na diko na yata nakitang di naka ngiti. Ibang iba ang personality at attitude nya ngayong si Lara na ang girlfriend nya.

Sobrang healthy nya pa physically and mentally, si Lara din kasi ang tumulong para tuluyan nyang makalimutan si Natasha pati na ang sakit. Akala ko nga di na sya makaka get over pero nagkamali ako.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now