Chapter Twenty-nine

2.1K 90 11
                                    

Isinaksak ni Ivory ang bike naming dalawa sa likuran ng kotse nya saka sya umikot at ipinag bukas pa ako ng pintuan kahit na meron akong sariling kamay para gawin yon.

Binuksan ko ang radio habang ina abala ako ng mga isipin, yung mga desisyong gagawin ko ngayon. Mahigit isang linggo na at di parin nagpaparamdam si Natasha at wala din akong idea kung paano sya susuyuin kung diko alam ang address nya.

Pinag isipan kong mabuti ang lahat at tama si Jane di deserve ni Ivory na gawin ko sa kanya ito, kahit pa iyon naman ang ginagawa nya sakin. I guess be the bigger person ang tawag nila doon.

"Baby may niyaya pala akong sumama satin ngayon. Noong na kwento ko nagkaroon sila ng interest kaya sasama daw sila" Nag kibit ako ng balikat habang ini stalk ang mga social medias ni Natasha.

"Okay lang, wag lang sana sila Therese nanaman, mamamatay ako ng maaga sa mga babaeng iyon" Tukoy ko sa mga kaibigan nyang nuknukan ng arte muntik pang mag tuloy tuloy sa bangin.

"Ah no, na trauma na sila at ayaw ng umulit. Na aalala mo ba si Natasha? Sya yung niyaya ko, kasi nasabi nya na gusto nyang ma try" Nanlaki ang tenga ko, hindi ko na muna pinansin ang nabasa ko sa cellphone at binigay sa kanya ang lahat ng atensyon ko.

"Kailan mo sya niyaya? Nung guesting?" Hindi nya ako matignan ng mag salita sya. Mukhang may plano si Ivory na isama si Natasha sa mga ka friends with benefits nya.

"Kinuha ko yung cell number nya, alam mo na para makilala sya" Ilang beses akong tumango.

"Mmm para saan? Type mong ligawan?" Namula ang dalawang tenga nya sa idea na binigay ko.

"Don't be absurd, bawal na ba akong magkaroon ng kaibigan?" Walang humor ang pag tawa ko.

"And don't you take me for a fucking fool Ivory. Gusto mo syang idagdag sa mahabang listahan ng no strings attached mo?" Kung saan saang parte ng ulo nya ang nangati.

"What are you talking about? Baby you're being paranoid and out of line"

"Ihinto mo ang kotse" Mahinang utos ko. Di ako nag dalawang salita ng itigil nya ang kotse sa mabuhanging kapatagan.

"Babe you're my only one" Hinarap ko sya.

"Ivory hindi ako tanga kaya ibahin mo ko kung gumana ito sa mga nauna mong girlfriend. First and foremost alam kong kaliwa't kanan ang mga babae mo, pangalawa wala kang maitatago sakin. Kaya wag na tayong mag lokohan" Napa hilamos sya.

"Kung ibibigay mo sakin ang gusto ko sa tingin mo ba mag hahanap ako ng iba? Para kong may nakaka hawang sakit sa trato mo sakin Trixie at alam mo ba kung gaano kasakit sa pagkalalaki ko yon?" Tinamad ako ng marinig nanaman ito.

"Iyon nga ang reason kaya ko hinayaan yung mga katarantaduhan mo. May narinig ka ba sakin? Wala diba?" Tumanaw sya sa sasakyang dumaan sa harapan namin.

"Oh eh ano itong naririnig ko ngayon? Bakit nag re reklamo ka? Why all of a sudden you're acting like a jealous girlfriend?" Akala nya pala nag seselos ako kay Natasha.

"I'm not,ayoko lang na mag sinungaling ka. Masyado na tayong matanda para sa mga ganoong bagay" Balik ko.

"Okay then, since sabi mo naman walang problema. Fine I wanna fuck her, there. Masaya kana?" Nag init ang ulo ko sa narinig gusto ko syang sagasaan gamit ang sasakyan nya pero pinilit kong kumalma.

"Oooh alam nya ba? Ang tanong type ka ba nya?" Mahanging turan ko nabigla lang ako ng tumawa sya.

"Bakit sya sasama ngayon sa tingin mo? We'll do it in there while you're near. She suggested that" Parang may dumukot ng puso ko at pumunit nito. Sumama ang pakiramdam ko ng wala sa oras.

Devilishly Gorgeous (wlw)Onde histórias criam vida. Descubra agora