Chapter Thirty-two

2.2K 92 3
                                    

Mukha na akong basang sisiw ng maka balik sa studio. Sa layo at sa dami ng mga naka pila sa coffee shop inabot ng mahigit thirty minutes ang pagbili ko. Sinalubong ako ni Jewel na nag aalala sa kinahinatnan ko.

Diko sya masisi,dahil nakakatawa ang itsura ko ngayon.

"Ate okay kalang?" Nagawa ko pang ngumiti kahit na kumikirot na naman ang braso ko.

"Don't worry, here tag iisa kayo" Lahat sila natuwa sa binili ko rin para sa kanilang kape.

Dinala ko sa grupo nila Brianna ang kape na nag hagalpakan sa itsura ko, tuwang tuwa sila sa misery ng ibang tao. Napa iling ako sa pagiging bully nila, nanatili ba sa pagiging highschool ang utak nila?

"Mukhang isinabay mo na ang pag ligo ate" Komento ng photographer na nasa computer ang atensyon.

"What took you so long?" Dahil bipolar, galit naman ngayon si Brianna.

"Ah eh akala nyo po ba nakakalipad ako? Ma'am medyo malayo po yung coffee shop na pinili nyo" Sarcastic na balik ko saka dinukot ang panyo at nag punas ng mukha.

"Walang galang yang alalay ni Natasha" Komento ng photographer na napaka tsismoso yata.

"Baka walang pinag aralan" Komento naman ng isang model.

"Baka nga, tsk tsk tsk. Kapag ganyan una palang dapat tinuturuan na" Si photographer ulit.

"So pag galang po ba yung pang ma maltrato ngayon sa mga assistant or taong tumutulong sa inyo? I mean napapansin nyo ba ang ulan sa labas?" Lahat sila may pagka gulat na tumingin sakin.

"Aba lakas ng loob mo ah. Wala kang karapatang sumagot dyan" Tumayo ang photographer at masamang tumingin sakin, si Chris ngayon ang na aalala ko sa kanya. Yep till now na aalala ko pa ang gunggong na yon.

"Ikaw yata ang dapat tanggalan ng trabaho dyan. Wala ka ng modo,wala ka pang respeto sa babae" Namula ang mukha nito habang tumalim din ang tingin ng iba sakin. Nakakatawa lang na si Brianna ang mukhang natakot sa pwedeng maging outcome nito.

"Ah ganon ba? Napaka yabang mo ah, gusto mong maturuan ng leksyon mo?" Naka ngisi ngayong turan ng lalaki, tumayo narin si Brianna at hinawakan ang braso ng lalaki.

"Wyatt she's not worth it" Pigil ni Brianna, nag libot ako ng tingin at lahat ng atensyon na samin. May pag aalala sa mata ng mga instant friends ko habang tahimik ang ibang crew.

Si Natasha naman ng hanapin ko wala ulit, baka dahil sya ang centerfold sa magazine na ito sya ang maya't mayang papalit palit ng outfit.

"Di turuan mo, masyado kang mayabang porke't mahirap lang ako? Porke't di ako katulad nyo?" Kaka gigil, akala nya ba matatakot ako sa kanya?

Hindi na ako katulad ng dati na papayag magpa api. But when I think about it, sa nanay lang naman ni Natasha ako walang binatbat noon.

"Pwede bang manahimik kana dyan?" Galit na sabi ni Brianna.

"Lumapit ka dito para matagpuan mo ang hinahanap mo" Banta ng lalaki, halos naka bibingi ang katahimikang dumaan ng di ako sumagot.

"Akala mo ba natatakot ako sayo? Patawa ka" Lumapit ako, tinulak naman ako ni Brianna. Medyo halos mawalan ako ng balanse sa di inaasahang pwersa.

"Tumigil kana nga Trixie." Nag ikot ako ng mata sa pag awat ni Brianna the Bruha.

"So duwag ka pala?" Mas namula ang mukha ng photographer may inis nyang dinampot ang iced coffee nya at ibinato sakin dahil di nya maibubuhos at malayo ako sa kanya.

Nagkaroon ng malakas na pag singhap dalawa kasi kaming nabasa ni Brianna, nanlagkit ang dibdib at tiyan ko ng ganoon kabilis. Pinuntahan ko ang mga gamit ni Natasha at humanap ng pwedeng pamunas.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now