Chapter Twelve

3.1K 120 2
                                    

⚠️⚠️⚠️ Mature Content ⚠️⚠️⚠️

----

"Oh sya, basta't dika aabutin ng madaling araw. Nasabi sakin ni señorita Iris na mainam na payagan din kita sa lakad nyo ng mga kaibigan mo" Kulang ang salitang gulat ng marinig ko ang sagot ni tiyang.

Pag uwi namin ngayon sa mansion nag paalam ako sa kanya at di ako umasa na papayagan nya. Hinanda ko na ang tenga sa mga sunod sunod na sermon na pwedeng ilabas ng bibig nya. Tanggap ko narin nga yung rejection.

Kaya ng pumayag sya ngayon di parin ako maka paniwala na ganoon lang kadali. Diko na sya kailangang pilitin. Simpleng "tiyang aalis sana ako, birthday ng kaibigan ko ngayon" ang kailangan kong sabihin.

May excitement sa bawat kilos ko ng mag handa ako ng damit. Si Roxanne masaya ngayon dahil hawak nya na yung nasabing cellphone ni señorita Jade, hindi ko rin sya maka usap ng matino dahil abala sya doon.

Naligo ako ng mabilis at pag labas ng banyo naka salubong kopa si Tiago. Nag tagis ang bagang ko na tuwing maliligo ako nandito sya sa labas ng banyo. May hinala narin ako sa ginagawa nya, hinihintay kolang na mahuli ko rin sya.

Tinanggal kona muna ang ibang isipin sa utak ko at nag bihis. polo shirt at masikip na pantalon lang ang isinuot ko dahil ito lang naman ang pinaka maganda sa lahat ng damit ko. Bigay pa ito sakin ni señorita at alam kong mamahalin ito.

Wala pang kalahating oras, yari nakong mag handa. Medyo madilim na sa labas dahil sa gabi talaga ang party ni Natasha. Nag paalam ako kay tiyang na naka tutok sa TV pati na kay Roxanne bago ako lumabas ng kwarto.

Nag lakad ako sa kanto ng kalye namin, dahil nag text si Jane na susunduin nya ko. Isa sa kagandahan na dito kami nalipat malapit ang lugar na ito sa bahay nila Jane kaya kapag uuwi kami ngayon sabay pa kami.

"Trixie!" Naka labas ang ulo ng kaibigan ko sa kotseng mina maneho ni Seb.

Pumasok ako sa loob ng huminto sila sa harapan ko, niyakap ko sya at naamoy ko kung gaano nanaman sya kabango. Sandali kong tinanguan si Seb na mukhang bored sa mga nangyayari.

"Hindi ko alam ang isusuot" Bulong ko kay Jane na ngumangata ng dried mangoes sa tabi ko.

"Simple lang naman daw at maganda kana. Wag mong problemahin yon wala rin naman tayong kilala don eh" Sagot nya, diko lang masabi na nag aalala din ako sa sasabihin ni Natasha.

"Bakit mukhang bad mood si Seb?"Lumapit pa ako sa kanya para maka pag kwentuhan naman kami.

"Ilang araw na yan, dina kasi pumupunta si Natasha sa bahay. Akala ko nga break na sila eh" Pinagalitan ko ang sarili ng makaramdam ng tuwa sa maaaring break up nila Seb.

"Baka naman busy lang. Alam mo na inaayos ang party" Umiling ako ng subukan nya akong alukin, ngayong wala narin naman laman ang plastic.

"Iyon nga ang madalas na sabihin ni Natasha, dilang yata ma gets ni kuya. Ang mga lalaki nga naman, dipa nila makuha kapag napipilitan nalang ang babae sa kanila" Mas humina ang boses nya ng sabihin iyon.

"Paano mo naman nasabi?" Na i intrigang tanong ko.

"Kasi kapag nag i-split sila, nangyayari ito na nanlalamig si Natasha tapos nga malalaman namin na meron pala syang kabit. Edi si kuya iiyak at mag iinom, pero after ng ilang buwan kapag sinawaan narin si Natasha magkaka balikan ulit sila" Sumakit ang tiyan ko sa narinig.

So normal na bang mangyari ito sa haba ng relasyon nila? Ngayon ako naman yung panibagong flavor of the month ni Natasha na kapag sinawaan na sya, sa huli babalik din sya kay Seb.

Devilishly Gorgeous (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon