Chapter Eleven

3K 119 5
                                    

"Trixie?" Ulit niya, natauhan naman ako at nilibot ang mata para hanapin ang señorita.

"Hi, sige bye na" Aalis na ako sa harapan nya ng pigilan nya ako.

"What are you doing here? Nag hahanap kaba ng regalo ko?" Tinaasan ko sya ng isang kilay.

"Wag kang conceited, hindi ka nga pumasok sa utak ko eh" Ngumuso sya na ikinatawa ko. Sa kanya lang cute iyon.

"Eh umaano ka rito? Wag mong sabihin may ka date ka?" Ngayon naman nanliit ang mga mata nito.

"Natasha wala kang paki sa kung anong ginagawa ko ngayon" Alam kong medyo harsh, diko rin na prenuhan ang dila ko.

"So dahil sa may ka date ka ngayon, ganyan mo ko itrato. Aba mahusay." Nag slow clap pa sya na ikina tingin samin ng iba.

"May sayad ka talaga, dyan kana nga" Sa pangalawang pagkakataon pinigilan nya ako sa aktong pag alis ko.

"Sige nasan yung ka date mo aber? Siguraduhin mo lang na mas maganda sakin yung ipinalit mo" Napa hilamos ako sa gigil at urge na iuntog sya sa pinaka malapit na pader.

"Bitawan mo nga ako Natasha, para kang tanga" Nag iinit ang pakiramdam ko ng malamang may ibang tao ng nagagawi samin ang tingin.

"Trixie?" Lumitaw si señorita na may pag aalala sa mata habang naka tingin sa kamay ni Natasha na naka kapit sakin.

Pinilit kong kumawala sa kanya saka ako lumapit sa señorita ko. Kinuha ko rin mula sa kanya ang mga dala nya, ayokong nahihirapan sya kahit pa di naman mabigat itong mga hawak nya.

"So who's this?" Nag tagis ang bagang ko ng subukan nyang lumapit kay señorita Iris.

"Sino ba ito Trixie?" Mahinang tanong ng señorita sakin.

"Kaibigan kolang po" Nawala ang pag aalala sa mata nito saka tumayo ng tuwid.

Nagka sukatan ang taas nilang dalawa at kahit na model si Natasha di nagpa huli si señorita sa height. Halos mag kasing taas lang sila panalo lang ng konti si Natasha, pero para sakin mas maganda parin ang señorita ko.

Lalo pa't walang panama ang hazel na mata ni Natasha sa makikintab at soulful na mata ni Señorita. Sa built ng katawan mas pipiliin ko parin si señorita dahil may curves sya habang itong si Natasha masyadong mapayat para sa gusto ko.

"Señorita hayaan na natin yan" Hinawakan ko ang kamay ni señorita at mas pinili nalang umalis.

Napa buntong hininga ako ng kumapit nanaman ang kamay nya sakin para pigilan akong lumayo. Pinanlisikan ko na sya ng mata sa gigil ko, hindi ko matanggap na ume extra sya sa araw namin ni señorita.

"Sino ba kasi sya Trixie?" May insecurity akong nabasa sa boses nya. bigla akong nanibago sa sariling katawan, ginusto kong i-comfort sya dahil bago sa pandinig ko iyon.

"Wag kang mag alala, kaibigan ako ni Trixie. Iris nalang" May ngiti sa labi ni señorita ng iabot ang kamay kay Natasha na tinanggap naman ng huli kahit na nag dadalawang isip.

"I'm Natasha, her girlfriend" Lumipat sakin ang tingin ni señorita na may pagka aliw.

"Nagbibiro lang sya señorita wala pa sa isip ko ang mga ganoon" Madiin kong kinurot ang braso ni Natasha na maluha luha ng tignan ako.

"Ikinahihiya moba ko? Bakit? Dahil sa babae ako ganoon ba? Hanggang ngayon ayaw mo parin aminin sa iba yung relasyon natin." Napa sabunot ako ng mag eskandalo pa sya.

"Natasha utang na loob nasa gitna ako ng trabaho" Napa hugis O ang bibig nya.

"Paano ko malalaman eh dimo naman sinabi" Lumapit nanaman sya at niyakap ang beywang ko.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now