Chapter Five

3.6K 136 19
                                    

"Mabuti talaga tayo ang partner. Ayoko ng makisama pa sa iba" Komento ni Jane.

Nag decide kami na kami nalang ang partner sa project na in-assign ni Sir Fern, kahit ako mas gusto kong si Jane nalang ang pakisamahan dahil kilala naman na namin ang ugali ng isa't isa di tulad kung may isasama pa kaming iba.

"Sa inyo nalang nating gawin? Di pwede sa bahay namin" Binitbit namin ang mga aklat na dala.

"Sa library nalang kaya tayo? Ayoko sa bahay kapag hapon eh" Kumunot noo ako at nilingon sya.

"Anong problema?" Tumanaw sya sa malayo.

"Sila kuya kasi ginagawang sex den ang bahay kapag wala si mama" Ngumiwi ako sa narinig.

"Kahit na nandoon ka? Kadiri naman yata sila" Balik ko.

"Sinabi mo pa, kaya nga kapag nandoon ako hindi pwedeng wala akong headphones"  Pumasok sa utak ko ang itsura ni Natasha, nag init ang katawan ko ng ma alala sya.

Pumasok din sa utak ko ang imahe nya habang nag papawis at hinahalikan si Seb, ngayon ulo naman ang nag init sa naisip kasabay noon ang pag sakit nanaman ng tiyan ko, hindi kona alam ang dahilan nitong nararamdaman ko.

"Try natin sa library tapos pumunta tayo sa bahay nyo kapag alam na nating nandoon na ang mama mo" Bright idea ko.

"Pwede kaya lang nakaka takot naman doon. Palaging naka bantay si Ms Minchin" Natawa ako.

"Basta wag lang tayong mag iingay" Lahat naman ng estudyante dito takot sa librarian namin sa sobrang katarayan.

Nag kwentuhan kami habang tumatawid sa malawak na soccer field, kaya siguro di rin namin maiiwasang mapa daan dito kina Chris na sa pag lipas ng mga linggo, nadadalas ang pang iinis samin ni Jane.

May malakas na sumipol noong malampasan namin ang grupo ng mga unggoy na to. Hindi namin sila pinansin, sa palagay ko nasanay narin naman si Jane na iwasan din sila. Siguro tuluyan na syang nagising sa totoong ugali ni Chris.

"Hey girls san kayo pupunta?" Umikot ang mata ko.

"Wala ba kayong magawa? Kasi kami merong gagawin eh" Nagka tawanan ang iba pang lalaki sa likuran namin.

"Bro gusto yatang maka tikim nito eh" Tumayo si Chris at hinawakan ang pulsuhan ko.

"Pustahan tayo mga brod patay na patay din sakin to" Namula na sa galit ang kaibigan ko habang wala ring magawa.

"Di pag bigyan mona. Baka pa hard to get lang yan para makuha ang atensyon mo" Komento pa ng isa.

"Iyon ba ang gusto mo Trixie? Sigurado akong bibigay karin, kundi ngayon baka mamaya lang" pinilit ko syang itulak palayo pero sa higpit ng pagkaka hawak nya sakin di iyon naka tulong.

"Bitiwan mo ko" May kasama ng pagbabanta ang boses ko na tinawanan nya lang.

"Anong gagawin mo? Oh nalaman ko nga pala na pera lang ang katapat mo. Babayaran nalang kita pagkatapos" Ikinuyom ko ang mga kamay at sinuntok ng malakas ang panga nya.

Humiyaw sya sa sakit at sa wakas lumuwag ang hawak nya sa mga kamay ko. Natahimik ang mga kaibigan nya sa nakita ng lapitan ko si Chris, may dugo na kaagad sa ilong nya kahit pa ilang segundo lang iyon.

"Nakaka suka ka! Ganoon naba kababa ang pagkatao mo? Na handa kang mag bayad para sa babae? Bakit dina ba gumagana yang pagiging bobo mo sa mga babae ngayon?" Nag dilim ang mukha niya at bago pa may maka pigil hinawakan nya na ang kwelyo ng uniform ko.

Nanikip ang pag hinga ko bago ko naisip na tuhurin yung pagitan ng hita nya. Sa pangalawang beses humiyaw nanaman sya at napa luhod sa harapan ko, sinamaan ko ng tingin ang lalaking may hawak kay Jane.

Devilishly Gorgeous (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon