Chapter Twenty-eight

2.1K 91 8
                                    

"Can we talk?" Tanong ko sa naka talikod na pigura nya.

"Oh God Trixie! Umaano kaba dito? Nalipasan ka ba ng gutom? Kanina ko pa sinasabing di kita kakausapin" Nag krus ako ng braso at naupo sa couch ng kwartong ipinahiram na muna nila sa kanya. Para daw makapag freshen-up sya sa susunod nya pang appearance.

"Bakit ba? Mag uusap lang naman tayo" Kinalikot ko ang flower vase sa lamesa at pinag laruan yung pekeng mga bulaklak sa loob nito.

"Ano namang pag uusapan natin aber? Wala na akong balak na pag usapan pa ang nakaraan. Past is past" Sa salamin inayos nya pa ang buhok at nag apply ulit ng mapulang lipstick.

"Bakit bigla ka nalang nawala? Bakit bigla nalang dika na nag paramdam? Nag alala ako" Inikot nya ang magagandang mata nya.

"So? As if jowa kita. Miss ipapa-alala kolang na ikaw ang nakipag break" Humugot ako ng hininga. Akala ko ba past is past?

"Alam ko pero mahalaga ka parin sakin. Masama bang maayos kang mag paalam?" Tuluyan na syang humarap sakin.

"Fine, sorry. Okay na ba? Bumalik kana doon sa boyfriend mo at mag papalit nako" Nag krus ako ng braso sa halip na tumayo.

"Di mag palit ka nakita ko naman na lahat yan" Wala lang na balik ko.

"Oh my God! You still have the hots for me. Move on move on din pag may time" Uminit ang tenga ko, dahil walang pang limang minuto nabuking na kaagad ako.

"Spell Asa? Nahihilo lang ako at malamig dito, tahimik pa" Dahilan ko kahit pa kanina pa ako pwedeng umuwi. Gusto kolang talaga syang makasama pa.

"Oh magpa check up kana, baka mamaya may baby ng nabuo dyan" Tinignan ko sya at sya lang din ang mismong na-inis sa sinabi nya. Namula ang mukha nya pati na yung maputing dibdib nya. Nakaramdam ako ng sakit sa loob ko sa dalawang magka ibang rason.

First sa hapdi na till now di nya pa napapatawad ang kagagahan ko, second sa pag re rebelde ng hormones ko na nandito na sya sa mismong harapan ko in the flesh. And I can't do anything about it.

"Don't worry gumagamit kami ng protection. Mahirap ng mabuntis dipa kami kasal" Nag tagis ang bagang nya sa sinabi ko.

Napa ngiti ako kanina di ako sigurado kung meron parin syang pakialam sakin. Or kung meron parin akong epekto sa kanya. Ngayon naka siguro na ako na meron pa nga. Kaya ko pa kasing painitin ang ulo nya.

"Oh umaano kapa dito? Umalis kana nga sa harapan ko" Hindi ko rin alam kung bakit diko pa sya magawang iwanan, itong kitang kita namang ayaw nya akong maka usap.

"You know dapat akong magpasalamat sayo kasi sabi ni Ivo ako palang ang nahalikan nya ng ganoon. Natuto talaga ako sa nga lessons natin" Nag dilim ang mukha nya, napa ngiwi ako sa takot.

"Okay, so anong point? Wala na akong pakialam sayo Trixie, halikan mo man ang buong population ng bansa." Bumuntong hininga ako.

"I'm sorry, napaka immature non." Tumayo ako, may ingat ang bawat tapak ko. Na parang isang mabangis na hayop ang nais kong lapitan.

"It's okay. Just leave me alone" Ibinaba nya ang tingin sa cellphone nya ng tumunog ito. Nanatili sya sa kina uupuan habang humahagikgik pang binasa ang message na kadarating.

May selos na nag bloom sa puso ko dahil nandoon yung 'oh so familiar' na pag kirot ng tiyan ko. Si Natasha lang din ang may kakayahang gumising nito. Mabilis na ang susunod na naging tapak ko.

Hinawakan ko ang mukha nya at may pag singhap pang lumabas sa labi nya bago mag tagpo ang labi naming dalawa. Dahil siguro sa shock kaya sya tumugon at yumakap pa sa balakang ko.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now