Chapter Seventeen

2.9K 105 3
                                    

⚠️⚠️⚠️ Explicit Content ⚠️⚠️⚠️

---

Pinatuyo ko ang buhok sa hair dryer habang hinihintay na bumalik si Natasha. Ilang minuto narin syang nawala matapos naming maligo mula ng sabihing iaayos nya na yung studio nya.

Wala sa sariling napa ngiti nanaman ako tuwing ma aalala ang mga nangyari, yung almusal slash lunch namin, kung gaano sya ka sweet sa bawat kilos nya. Pati sa pananalita nya nandoon yung pagbaba ng tono nya kapag sakin na nakikipag usap.

Sa pagiging expert nya sa mga bagay na ito kahit na takasan o pigilan kopa, matagal nakong iniwan ng control ko kaya ngayon pabulusok na akong nahuhulog sa kanya. Kasi sino bang hindi, sa parang reynang trato nya sakin.

Na alala ko sila señorita Rose at señorita Iris sa kanya, ganitong ganito yung madalas naming kainggitan ng mga kasamahan ko sa trabaho. Kung paano ituring ng señorita ang asawa nya na parang mamahaling crystal.

At yung mailagay sa ganoong pedestal? Malamang matunaw ng tuluyan lahat ng brain cells ko, pangarap kolang dati ito, sa totoo lang higit pa nga ito sa mga pinangarap ko. Paano ako naging ganito ka swerte?

Nag masid masid ako sa loob ng kwarto, hindi ko talaga mai-alis ang mata ko sa cute na litrato nya noong bata pa sya. Nahihiya ako pero siguro matatanong ko naman kung pwedeng akin nalang yung picture kung saan naka full baseball outfit sya.

Nasa background ng litrato ang baseball field habang malaki ang ngiti nya, naka itim na sumbrero pa sya na parang sanggano lang sa kanto, naging super cute lang nya dahil maliit pa sya doon.

"Bata palang mukhang alam mo ng lahat ng bagay na gustuhin mo makukuha mo" Pagka usap ko sa litrato.

May pilyang kinang sa mga mata ng batang Natasha sa litrato na katulad lang din sa kasalukuyan. Kaya lang lumilitaw ang kapilyahang iyon kapag meron nanaman syang naisip na kalokohan. Na mukhang madalas mangyari ngayon.

Matapos matuyo ng buhok ko inisip ko kung mas tamang mag suot na ng damit. Sinabihan nya ako na wag ko ng pagka abalahang mag damit dahil huhubarin ko rin daw iyon. Diko alam kung ang ibig nyang sabihin ay mag swi swimming nanaman ba kami.

Kaya lang bakit naligo na kami? Nag desisyon akong hintayin nalang sya habang naka bathrobe parin. Tinignan ko ang messages sakin at nakita ko yung mga text ni señorita Jade na puro smirk o wink emoji, walang salita iyon lang.

Nag vibrate ang cellphone ko ilang minuto ko pang pag check sa mga messages ko, tumambol ang puso ko ng makita ang mukha ni Jane na tumatawag.

"Hello Trixie?" Nanginig ang kamay ko pag dikit ng cellphone sa tenga ko.

"Hello Jane? Napatawag ka?" Narinig kong medyo maingay sa kinalalagyan nya.

"Oo naisip kita nung makita itong top na naka display dito sa store na madalas nating puntahan" Nasa galaan pala sya.

"At paano ka naman napunta dyan?" Tumayo ako sa pagkaka upo at dumungaw sa malaking bintana ng kwarto ni Natasha, sinubukan ko syang hanapin sa malawak na hardin.

"A-ano kasi" Nanliit ang mata ko sa boses nya.

"Sinong kasama mo ngayon Jane? Wag mong sabihing si Iñigo?" Simula ng mag sorry ang totoy na iyon naging feeling close na sa bestfriend ko.

"Niyaya nya ko na mag meryenda sa Decadent, alam mo naman na ang tagal ko ng gustong pumunta doon,diba?" Hinilot ko ang sentido.

"Jane sigurado kabang di ka nya pinag tri-tripan? Sasamain sakin ang totoy na yan kapag napano ka" Inis na balik ko.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now