Chapter Ten

3K 119 7
                                    

Pag dilat ng mga mata nabigla ako ng makitang nakatayo sa harapan ko si Tiago habang nakatitig saming dalawa ni Roxanne. Ngayon kolang din napansin bumaba ang kumot namin.

Umupo ako, halata na hindi nya ina asahang magigising ako, kaagad syang lumabas ng kwarto ng walang sinasabi. Bago makaramdam ng takot,galit ang lumitaw sa puso ko.

Napaka nipis ng damit na suot namin ng kapatid ko sa pag tulog na dapat ng mag bago ngayon, kahit na mainit mukhang kailangan na naming mag jacket. Pag angat ng mata ko sa wall clock sa salas nakita kong alas tres palang ng madaling araw.

Sinong matinong tao ang gising sa oras na ito? Ngayon lang nag set in yung takot sa mga pwedeng mangyari kapag iniwan ko si Roxanne na mag isa lalo na kung kailangan ako ng maaga sa mansion.

Tumayo ako sandali,sa salas nakita kong naninigarilyo si Tiago habang naka titig sa kawalan. Tahimik kong isinarado at kinandado ang pintuan, di bali ng kalampagin nalang nila ang pintuan at magising ang lahat. Mas pipiliin kona yon.

Hindi na ako naka tulog sa kalaliman ng gabi, nandoon parin yung takot sa puso ko, nilamig ako dahil sa nararamdaman ko ngayon. Lalo pa tuwing babalik yung itsura ni Tiago na naka tayo sa paanan namin.

Pumikit ako gusto kong mabaling sa ibang bagay ang utak ko para mawala na yung lakas ng tibok ng puso ko, ayaw ko ng maramdaman yung takot. Madiin akong pumikit ng lumitaw ang mukha ni Natasha.

May kapayapaan na bumalot sa puso ko at tuwing ma aalala yung ngisi nya ibang kaba ang nararamdaman ko. Yung magandang uri ng kaba, hinaplos ko ang ibabang labi dahil ngayon nasa utak ko na sya. Para bang nandito narin sya sa tabi ko.

Ayoko mang aminin, mas pipiliin kong makasama sya ngayon. Mas gusto kong kulitin nya ako at kahit pa girlfriend sya ni Seb wala na akong pakialam. Kung meron lang akong cellphone gusto kong maka usap sa sandaling ito.

Isa pa iyon sa napansin ko na kahit na madalas akong ma inis sa kanya, dumadaloy ang topic sa pagitan namin ng ganoon lang. Walang kailangang mag isip o mag pilit na mag open.

Komportable akong kausap sya at wala akong hiya na mag kwento sa kanya ng mga nasa loob ko. Sa kanya kolang din nasabi yung dating crush ko kay Jane na akala ko ay isasama ko na sa hukay ng mag isa.

Kahit na meron kaming mga pagkaka iba panatag akong kasama sya. Ngayon kolang pwedeng i consider na baka naka hanap din ako ng tao na pwedeng maging safe haven ko.

May ngiti sa labi kong ma idlip habang nasa utak ko ang mukha ni Natasha, nawala na rin yung takot at kaba ko na dinala ni Tiago at malaki ang pasasalamat ko sa babaeng may ngising nagpapa bilis ng tibok ng puso ko.

"Ate... Ate... Ate! Tayo na umaga na oh" Sa pangalawang beses na magising ako maliwanag na sa labas.

"Anong oras na ba?" Nag hihikab na tanong ko.

"Seven na, naka ligo narin ako. Kanina pa kita ginigising dyan" Ngayon kolang napansin yung tumutulong buhok nya.

"Tatayo na, mag bihis kana" Napa isip ako, mabuti nalang at wala namang gagawin ngayon sa mansion.

"Simula naba ng trabaho ko te?" Natulala ako habang nag iisip. "Kahit ba ano okay lang na suutin ko?"

"Oo tutulong kalang naman na mag handa ng mga pamalit ni sir Liam" Balik ko habang nanga ngalkal narin ng masusuot.

"Pwede ba mag patulog kayo?!" Galit na sigaw ni Meredith. "Ang aga aga pa ang ingay nyo" Nagka tinginan kami ni Roxanne.

Saka kami lumabas sa kwarto at dahan dahang isinarado ang pintuan. Sa salas natutulog naman sa sahig si Tiago. Iyon yata ang inangkin nyang pwesto dahil sa ayaw nyang magkasama sila ni King sa kwarto.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now