Chapter Twenty-five

2.2K 92 20
                                    

Five stages of grief

First stage


Denial- Denial is a normal reaction to rationalize overwhelming emotions. It is a defense mechanism that buffers the immediate shock of loss.

Nagka ingay ang mga estudyante ng tumunog ang bell, wala akong ganang lumabas ng classroom. Pero nag pasalamat akong pwede na akong umuwi. Mas gusto kong matulog dahil sumasakit na ang ulo ko.

Tumapat ako sa salamin ng banyo na pinasukan ko para umiyak nanaman, ito lang ang alam kong gawin , dahil ito lang din ang pwede. Natalo ako ng nanay ni Natasha at kahit noong bata pa pag iyak lang ang nagagawa ko kapag may nang away sakin.

Nag tagpo ang mata namin ni Jane sa salamin ng lumabas sya sa isa sa mga cubicle. Walang nag salita samin at sure ako na binura nya na ako sa buhay nya kaya di ako magtataka kung ang iniisip nya ngayon ay multo nalang ako ng kahapon.

Nag hugas sya ng kamay habang nanatili akong nakatitig sa kanya. Hanggang ngayon wala parin akong kaibigan dito pero iba sya, nakikita ko madalas yung napakaraming taong naka buntot sa kanya. Di naman kasi mahirap mahalin ang bestfriend ko at super charming nya kaya diko sila masisi.

Mahina ang mga pag hikbi ko at sa tiles nalang ng lababo naka tingin. Habang sya palabas na ng banyo. Narinig ko yung pagkuha nya ng tissue at nagulat ako ng walang salita syang lumapit sakin at punasan ang mga luha ko.

Niyakap nya ako na mas lalong nag palakas ng mga iyak ko. Mahigpit kong ibinalik ang affection nya. Minuto ang lumipas na nadoon kami sa posisyon na iyon ng humiwalay sya at walang salitang iniwan ako.

Pinunasan ko ang mga luha at nag desisyong tuluyang umuwi na. Nag lakad ako palabas ng campus ng matanaw ko ang kotse nya. Nilunok ko ang lahat ng emosyong umusbong sa puso ko ng makita sya matapos ang ilang araw na pakiki pag break ko.

Subukan ko mang iwasan alam kong di ako makakawala sa kanya kaya hinarap ko na sya para tipid sa stress. Tumayo sya ng tuwid ng makita ako, wala sa mga mata nya ang kinasanayan ko ng kapilyahan sa halip labis na lungkot lang ang nakita ko.

"We need to talk, we can still fix this. Ano man ang nagawa ko patawarin mo ko" Bungad nya, meron pa syang kinuha mula sa kotse nyang bouquet ng bulaklak.

"Natasha tama na, pagod ako at wala akong lakas para dito" Mas lalong lumungkot ang mga mata nya.

"Mahal mo ko, mahal kita. Ano bang gusto mong gawin Trixie? Gusto mo ba akong subukan? Para saan?" Umiling ako.

"Sinabi ko na sayo na napapagod na ako" Lumapit sya at pinilit ibigay sakin ang bulaklak. Ibinato ko ito sa hood ng sasakyan nya.

"Diba dapat pag usapan nating mabuti ito? At lahat naman mahahanapan natin ng solution kung magkasama tayo" Madiin akong pumikit.

"Hindi na ako makikipag balikan sayo. Tanggapin mo yon" Sya naman ang susunod na umiling, niyakap nya ang katawan ko kahit may mga taong nakaka saksi.

"No! Hindi ko tatanggapin ito. Malalagpasan rin natin to, pag subok lang satin to heart." May pwersa kong itinulak ang katawan nya.

"Nakaka pagod kang mahalin Natasha. Wala naman akong iniisip dati pero ngayon?- ayoko na! Sabihin mo sa nanay mo na panalo na sya" Nag tagis ang bagang ko at kaagad nag iwas ng tingin ng mag simula sya sa pag iyak.

"Bakit mo ginagawa ito? Bakit ba kasi iniisip mo si mom, titigil din naman sya basta dapat lang tayong maging malakas" Mabilis kong pinunasan yung isang luhang kumawala sa mata ko.

"Ayoko na, okay? Ipa-intindi mo sa sarili mo yon" Nag lakad ako palayo ng hawakan nya ang kamay ko.

"Hindi ako papayag, hindi tayo mag bre break. I will do everything para maging ayos din ang lahat" Hindi magiging ayos ang lahat, ang gusto kong isigaw sa kanya.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now