Chapter Thirty-seven

2.7K 112 13
                                    

"Happy birthday Jane" Bati ni Ivory pag pasok sa maliit na apartment namin at ang lahat ng mata ng mga babaeng kapitbahay namin na glue na sa kanya.

"Thanks Papa Ivo" Malanding turan ng kaibigan ko out of nowhere lumitaw si Dion at iniyakap ang kanang kamay sa balakang ng bestfriend ko.

"Salamat sa pagpunta brod" Nag ikot ako ng mata dahil di madalas na kasama si Jane kapag lumilitaw itong si Dion daig pa ang aso sa buto.

"Babe wag kang OA. Lahat nalang gusto mong awayin ah" Napa nguso si Dion sa pananaway ni Jane.

"Sorry" Para mag compensate hinalikan lang ng mabilis ng bestfriend ko ang pisngi ng boyfriend nya.

"Ivory tara kumain ka muna. Masarap yung cake at tumulong ako sa pag be bake non" Niyaya ko si Ivory na may pagmamalaki sa cake na ipakita sa kanya.

"I'm really proud of you" Balik nya habang meron paring emosyon sa mga mata.

"Yeah come on" Pinaupo ko sya dito sa loob ng kusina dahil ayoko muna syang ma exposed sa mga kababaihan. Baka lang ma overwhelmed sya.

"This is good Trixie" Puri nya sa cake na una ko talagang pinatikim, sa pag be bake lang ako may input.

"Salamat proud na proud nga ako eh" Kumain sya ng tahimik, ako naman napapa lingon sa salas habang naghihintay. Wala parin si Natasha naipaalam nya na saking gagabihin sya nakakapagtaka lang na masyado ng late.

"How are you? Kayo?" Hangga't maaari di ko ipinakita kay Ivory kung gaano ako kasaya. Batid kong sariwa parin yung sugat na iniwan ko sa pakikipag hiwalay sa kanya.

"May mga time na mahirap lalo pa sa mga oras na na aalala namin ang nangyari but I think because of love we can overcome everything. Super cheesy man marinig" Maliit ang ngiting ibinigay nya.

"Makikilala ko ba sya ngayon? Dadating ba sya?" Napa isip ako kung maganda bang idea na magtagpo silang dalawa.

"Pupunta sya sana lang wag kang mabibigla" Balik ko.

"Bakit? Anong pwede kong ikabigla?" Bago ako maka sagot sa salas napansin ko ang pagdating nila Seb at Lara.

"Wala naman,kilala mo na sya" Humalik si Jane sa kuya nya pati na kay Lara at di naka ligtas sakin yung makinang na singsing sa daliri ng huli na sinuri ni Jane.

Kahit na napa ingay ng mga bisita narinig ko ang labis na kaligayahan sa boses ni Lara sa pag kwe kwento sa bestfriend ko,patungkol sa naging proposal ni Seb.

"Who is she?" Nagkaroon ako ng pagkakataong ma delay ng pumasok sila Lara sa kusina.

"Congratulations Seb and sayo rin Lara" Mabilis akong tumayo at niyakap sila.

"Salamat Trixie, dipa rin ako maka paniwala" Natatawang turan ng babae habang pinagmamasdan ko ang makinang na singsing sa daliri nya.

"Maniwala ka dahil ito na ang patunay" Naka ngiting tugon ko tukoy sa singsing.

"Kayo ba ni Ivory wala pang planong magpakasal?" Napa ngiwi ako at asiwang napa lingon kay Ivory na nasa tabi ko lang. Mabuti nalang din at to the rescue si Sebastian.

"Baby come on may itatanong pa ako kay Dion" Malaki ang ngiting ibinigay ko sa kanila lalo na sa pang di distract ni Seb kay Lara.

"Trixie mamaya nalang" Pinanood ko silang lumakad palabas ng kusina saka ako bumalik sa pagkaka upo.

"Sorry about that, dipa siguro nasasabi ni Seb sa kanya" Bagsak ang braso ni Ivory ng tumingin sakin.

"Diko parin naman sinasabi sa iba. Ayoko ng atensyon nila. Lalo na ng parents ko ilang beses kana ring hinanap ni mom" Medyo na guilty ako, sa ilang beses na pagsama sakin ni Ivory sa bahay ng magulang nya diko sina sadyang maging close sa nanay nya.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now