Chapter Thirty-five

2.9K 112 3
                                    

Sumabay ang beat ng bass sa tibok ng puso ko. Matapos ang lahat ng appointments nya ngayon ito ang naisip nyang gawin ang uminom at siguro mag sayaw. Napaka dilim sa loob ng bar at mas lalong diko nagustuhan dahil kung anu anong parte na ng kung sino ang tumatama sa katawan ko.

Pinanood kolang sya malapit sa mesa ko, binabantayan ko na baka um-over nanaman sya. Mahirap na baka di sya magising may maaga kaming appointment bukas.

Nag ikot ako ng mata ng maging overly touchy ang panibagong babaeng kasayaw nya. Lahat na yata gusto nitong hawakan at si Natasha sa halip na tutulan nakita ko lang kung paano sya tumawa ng malakas.

Halata naman na till now nagagalit parin sya sa pag halik sakin ni Ivory na nakita nya. Kundi kolang alam na kahit ilang beses nyang sabihing ayaw nya na sakin ibang iba ang sinisigaw ng mga galaw nya.

Naglaro ako ng games sa cellphone ko habang hinihintay si Natasha na matapos sa tantrums nya. Kino consider ko nalang ito na isa sa mga tantrums nya. Dahil napapalibutan ako ng mga taong isip bata.

Sandaling bumalik ang mata ko sa kanya at pumintig ang litid sa mata ko ng makitang hinahalikan nya na ngayon ang babae.

"Hey! You're here too" Nabigla ako ng may sumulpot na babae sa harapan kong mukhang lasing na lasing.

"Sino sila?"Nagtatakang tanong ko.

"Di mona ko nakikilala? Ako yung babae sa elevator"Iniyakap nya ang dalawang kamay sa braso ko.

"Ohh oo nga. Hi! Mukhang marami na tayong nainom" Komento ko, susuray suray na sya.

"Yeah kanina pa ako pinipilit ng mga lalaking iyon na uminom" Sa kalayuan may itinuro syang grupo ng mga lalaki, kahit na madilim nakita ko sila. Hindi ko alam kung bakit pamilyar sila sakin.

"At ininom mo naman? Baka mamaya may kung ano na silang inilagay sa inumin mo" May pag aalalang komento ko, there's been a lot of cases I heard about this.

"Mapilit sila masyado at wala akong kasama dito. Untill makita kita" Hinaplos nya pa ang pisngi ko.

"Maupo kana muna dyan at magpa hulas ka" Balik ko, ginawa nya naman ang sinabi ko.

Ikinuha ko rin muna sya ng tubig para tuluyan ng mahugasan yung kung anong ininom nya. Baka rin dehydrated sya kaya sya nalasing ng sobra. Nanatili ako doon habang naka dukmo na sya sa mataas na mesa.

Tinignan ko ulit si Natasha na wala ng kasayaw, Naka tagpo ko ang mata nya at masama nanaman ang tingin, napa buntong hininga ako. Mukhang bad idea pa ang pag tulong ko dito kay Sofia. Napaka selosa pa naman ng mahal ko.

"Alam mo bang crush kita?" Bulong maya maya ni Sofia at diko sya maririnig kung di naka dikit ang mukha nya sa tenga ko.

"Crush moko? Joke ba yon?" Na aaliw na tanong ko, umiling sya ng umiling.

"Hindi ko rin alam pero may kakaiba sayo. Parang napakaraming bagay ang nakatago sa likod ng mga mata mo. I love your eyes" Naka ngiting sagot nya.

"Lasing kalang" Umiling nanaman sya.

"No I'm not, gusto mo bang try kong lumakad ng tuwid?" Hamon nya, ako ngayon ang biglang napa iling ng tumayo sya.

"Wag na, baka mamaya ma out of balance kapa" Natatawa ko syang sinapo, yumapos ang dalawang kamay nya sa katawan ko.

Nalaglag ang ngiti sa mukha ko ng maka salubong ang nanlilisik na mata ni Natasha sa likuran ng babae, tumayo ang balahibo sa batok ko sa labis na takot.

"Gusto ko ng umuwi" May inis na turan nya.

"Okay tara na, isabay na natin sya. Baka mapano sya rito mag isa lang sya" Kahit kina kabahan diko pwedeng pabayaan si Sofia, sa halip naman na tumutol nag ikot ng magagandang mata ang pinakamamahal ko.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now