Chapter Thirty-six

2.8K 95 19
                                    

Nilagok ko ang kape na parang sa halip na magpaluwag ng daluyan ng hangin ko mas nag pasikip lang sa pag hinga ko. Hinaplos ko ang balahibo ni Loo, sakin sya sumiksik ngayon, siguro ramdam nya rin ang tension sa hangin.

Naka krus ang braso ni Jane habang nanliliit ang mga mata kay Natasha. Si Natasha naman naka taas ang isang kilay habang naka yakap ang kaliwang kamay sa beywang ko.

"So anong plano? Iiwan mo ko?" Hindi ako naka sagot sa nakakatakot na boses ni Jane.

"Taba ano bang big deal? Girlfriend ko naman sya, normal lang na mag move in sya sa condo ko" Turan ni Natasha habang di pina pansin yung init ng mata ng bestfriend ko na kung posible bumutas na sa bungo nya.

"Madali sayong mag salita. Asawa ko yang tina tangay mo. May anak kaming dalawa" Gusto kong masamid sa sinabi ni Jane ng makita ko ang malungkot na tingin ni Loo.

Nag hi-hello nanaman si guilt sa puso ko.

"Sus sa sexy mo ngayon madali lang sayong palitan ang heart ko. Okay? Saka diba may boyfriend ka?" Lumunok ako at naka labing tumingin kay Jane, itinaas nya ang index finger para pigilan ako sa mga gusto kong sabihin.

"Unang una wag kang sumali usapan namin to." Matigas na utos nya, nagbaba ako ng mata.  "Pangalawa kahit na kailan walang makaka palit sa bestfriend ko. Madaling mag hanap ng boyfriend pero nag iisa lang sya sa buhay ko." Nag init ang mata ko sa narinig, plano ko ng lumipat sa tabi nya ng madiing hawakan ni Natasha ang balakang ko.

"Haist alam mo bakit ba napaka drama nyo? Kakanood nyo ng TV yan. Diko naman sya kinukuha sayo at saka since highschool magkasama na kayo. Hindi ba kayo nagsasawa sa isa't isa?" Sabay kaming umiling ni Jane.

"Alam mo Natasha dati pa dina kita gusto. Siguro ramdam kolang na meron kang bagay na kukunin sakin. Mahal ka ng bestfriend ko gaano man kasakit para sakin yon wala akong magagawa pero ito lang ang tatandaan mo" Nag dilim ang mukha ni Jane at ramdam ko rin ang sandaling paninigas ni Natasha.

"Subukan mong saktan sya, kapag umuwi nanaman sya rito na umiiyak. Mahahanap mo ang katapat mo. Tandaan mo yan" Kaagad na tumango ang girlfriend ko.

"Tsss natatandaan mo rin ba kung sino ang nang iwan? Taba bestfriend mo ang may kasalanan non" Nilingon ko sya saka pinanliitan ng mata.

"Till now ba galit kapa rin?" Ngumisi sya at hinalikan ang labi ko.

"Hindi no, baka lang nakakalimutan ni Taba."Bumaling sya kay Jane. "Saka bakit ko naman sya sasaktan? Ako lang ang masasaktan kapag ginawa ko yon" Yumakap ako sa katawan nya ng marinig ko iyon.

"Doon kayo sa kwarto wala akong balak na masaksihan yan" Kaagad na tumayo si Natasha sa narinig hinatak nya rin ako.

Huminto naman ako at hinayaan na syang pumasok sa loob ng kwarto ko. Umupo ako sa tabi ni Jane saka sya niyakap ng mahigpit. Kundi dahil sa kanya malamang na una palang sumuko nako.

"Salamat best." Naiiyak na wika ko, napansin kong nag tutubig nadin ang mata nya.

"Masaya na akong masaya ka. Alam mo yan, ganoon kita ka mahal." Hinalikan ko ang pisngi nya.

"Mahal din kita,okay lang ba talaga sayo na umalis ako?" Ayokong iwan sila dito ni Loo kaya lang hindi ko naman alam ang gagawin kay Natasha.

"Maghahanap nalang ako ng ibang unit. Yung mas malapit sa work at sayo syempre. Kaya namin to best, alam namin ni Loo na wala ka talagang pakialam samin" Nanlaki ang mata ko, isipin palang na nagagalit sya sakin diko na matanggap.

"Jane alam mo-" Natatawa nyang dinutdot ang nguso ko.

"Joke lang. Gusto kolang makita ang magiging reaksyon mo" Malakas syang tumawa sa naging itsura ko.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now