Chapter Fourteen

3K 117 5
                                    

TW:Mention of attempted suicide

---

"Diba sinabi ko nga na kahit na anong away nila nagkaka bati rin sila? Ilang beses narin silang nag break at sa huli nagkaka balikan ulit sila. Nagalit si mama kay Natasha noon at sinabing tigilan na si kuya. Kaya nag break sila at akala ko last na iyon" Huminto sya sa pagsasalita para siguro ma tension ako.

Nasa kalahati na kami ng paglalakad at mahigit kalahati na ang nakakain nya sa footlong na binili namin. Habang ako walang ganang kumain sa dread na uuwi nanaman ako.

"Okay anong nangyari?" Tanong ko maya maya ng mas humaba ang pause nya.

"Nag laslas si kuya. Natagpuan lang sya ni mama sa kwarto nya matapos nung ilang araw na di nya pag labas. Akala ko nga natuluyan na eh. Sobrang natakot kaming lahat kahit si papa umuwi ng wala sa oras ng malaman iyon" Nasa abroad ang papa nya at busy gumawa ng maraming pera.

"Shit" Ang syang nasabi ko, natakot ako na malamang rocky ang sanity ni Seb.

"Si mama pa ang naki usap kay Natasha na balikan si kuya dahil si kuya mismo ang nag sabi na mas gusto nya nalang mamatay kung iiwan sya ni Natasha" Nahinto kami sa paglalakad, katahimikan lang ang narinig ko.

"Eh paano ngayon yan na hindi pumupunta si Natasha sa bahay nyo?"  Sinipa ni Jane yung maliliit na bato sa daan.

"Ayon nag aalala na si mama kapag nagkukulong si kuya. Tinanggal nya na nga yung doorknob sa pintuan kahapon eh." Sa narinig doon ko nalaman kung gaano ka seryoso ito.

Nag isip ako ng sasabihin pero walang kahit na ano ang pumasok sa utak ko, idagdag pang kinakain ako ngayon ng guilt sa mga stress na dinadala nito sa kanila. Bumuntong hininga ako at hinintay nalang sya na mag salita.

"Tinawagan na ni mama si Natasha pero sinabi ni Natasha na busy sya ngayon sa trabaho. Narinig kopa ngang sinabi nyang di sya babysitter ni kuya. Mukhang nagagalit din sya kahit never ko naman sya narinig na nawalan ng galang kay mama" Hinilot ko ang noo.

"Baka kasi busy lang naman sya ngayon. Hindi rin naman natin alam kung anong pressure ang nararanasan nya sa trabaho" Pag liko namin sa kalye nila natanaw kona ang dilaw na gate nila.

"Ayaw mo bang pumasok muna?" Balak ko ng umiling ng marinig namin ang sigawan sa loob. Ilang metro nalang ang layo namin sa bahay.

"Fuck you Seb! Kill yourself I don't care!" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Natasha. Ngayon kolang din napansin ang kotse nya na naka parada di kalayuan sa bahay nila Jane.

"Sino yung panibagong nilalandi mo?! Umamin ka sakin, fuck! Hinahayaan na kita, dika parin masaya?!" Sagot naman ni Seb.

Natigil yung aktong pag bukas ni Jane sa gate, parehas kaming napa atras. Alam kong iisa lang ang nasa isip naming dalawa, ang hayaan sila doon.

Lumakad kami sa waiting shed malapit sa bahay nila, habang inuubos na ni Jane yung kabibili naming naming soft drinks. Habang ako inabala ko ang sarili sa pag guguhit sa pader gamit ang chalk na napulot ko sa lapag.

"So ano sa tingin mo ang mangyayari?" Tanong ko.

"Ewan, di naman sila nagkaka sakitan. Mag sisigawan lang sila. Pero mukhang mas seryoso ito kumpara sa mga dati nilang pagtatalo" Halata naman iyon kahit na di nya sabihin.

"Anong oras ba uwi ng mama mo?" Malulam parin sa mga oras na ito. Baka mamaya biglang bumuhos ang ulan at nandito kami ni Jane.

"Maya maya pa. Sana magka ayos na sila" Hindi ko makuhang idalangin din iyon.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now