Chapter Seven

3.3K 127 4
                                    

Pumi pintig sa sakit ang ulo ko dahil ilang gabi na akong di nakaka tulog ng maayos tuwing papasok sa utak ko yung pangyayari sa kotse ni Natasha. Ilang araw na ang lumipas at diko parin nakakalimutan ang lahat kahit pa anong pilit ang gawin ko.

Binuksan ko ang hoses at pinagmasdan ang mga halaman ni madame na maligo sa tubig. Ito na ang naging therapy ko, dito lang kasi gumagaan ang lahat ng dala ko. Dahil wala akong mapag sabihan.

Hindi na kasama sa choices si Jane, baka mapatay ako ng kaibigan ko kapag nalaman nya ang lahat ng ginawa ko. Bestfriend nya akong naturingan pero nag padala ako sa pang aakit ni Natasha, to think na pangalawang pagkikita palang naming dalawa iyon.

Ngayon palang sumusumpa na akong di kona sya pwedeng makita ulit. Ano nalang ang pwedeng mangyari sa pangatlong pagkikita namin? Nag init ang pisngi ko ng may mga imaheng pumasok sa utak ko sa mga possible scenarios.

Umiling ako at humikab, sa napakaraming maganda at gwapo na nakikilala bakit ako ba ang napili nyang paglaruan? Kung ikukumpara sa mga kasamahan nyang model wala na akong sinabi.

"Ate Twixie hi!" Nagulat ako sa pag litaw ni Azelea sa likuran ko.

"Hello señorita Aleng" Humagikgik sya sa narinig.

"Ate alam mo ba kung kailan ang uwi ni tita ko?" Nanatili sya sa tabi ko.

"Hindi ko alam eh pero baka malapit narin yon."Nag pout sya, Alam kong close na close sila ni señorita kaya dina bago ito na hanapin ni Azelea si señorita Rose.

"San ba sya dinala ni tita Iwis (Iris)? Hindi na ba sya uuwi dito? Sabi ni mommy ko titiwa na sya sa ibang bahay" Ipinatay kona muna ang hose at hinarap sya.

"Alam dahil sa kinasal sila kaya sandali silang nag celebrate pero sigurado akong di sya aalis dito sa bahay ng di nagsasabi sayo" Pag papaliwanag ko, ayokong makitang malungkot sya.

"Totoo ba ate? Kasi sabi pa ni mommy gagawa na sila ng baby at baka dina ako mapansin ni tita. Kakalimutan nya na ako kasi magkakaroon na sya ng sawili nyang baby" Namula ang ilong nya.

"Aleng iba ka parin kahit na mangyari iyon. Sure ako na nag-iisa kalang para sa tita mo. Katulad nalang ng nag iisa sya para sayo" Hinaplos ko ang likuran nya.

"Syempwe nag iisa lang sya pawa sakin. Mahal na mahal ko si tita" Naluha na sya na nagpa ngiwi sakin.

"Ganito nalang kapag dumating na sya kausapin mo sya ng masinsinan bago ka umiyak,okay? Tanungin mo sya kung anong mangyayari ngayon." Mas gusto nyang nagtatanong at sa palagay ko mas magandang sila ni señorita ang mag usap.

"Siguwo mas maganda nga na ako nalang ang mag tanong. Di naman mag la-lie si tita sakin eh" Tumango ako ng makita kong paparating na si ma'am Precious.

"Aleng ina abala mo nanaman si ate Trixie mo? Sabi na sayong magbasa kalang sa loob" Ngumiti lang naman ako.

"Nag uusap lang kami mommy"Sagot nito.

"Pag pasensyahan mo na sya Trixie" Umiling ako.

"Okay lang po ma'am saka nakaka tuwang kausap si Aleng" Tumawa ito.

"Sigurado akong hinahanap nya rin sayo si Rose" yumuko ito at binuhat si Azelea.

"Miss na miss nya na po kasi si señorita" Balik ko.

"Nakakatawa nga na mas hinahanap nya pa si Rose kumpara sa daddy nya." Natawa rin ako.

"Wala naman pong makakasisi kay Aleng. Sanay sya na tuwing galing sa school si señorita ang sasalubong sa kanya" Naka tulog si Azelea habang buhat buhat ng mommy nito.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now