Chapter Twenty-two

2.4K 97 3
                                    

Warning: Mature Content and mention of self harm

---

Nag init ang pisngi ko sa mga kasamahan ko sa mansion ng biglang lumitaw from somewhere si señorita Rose na merong cake. Sabay sabay silang kumanta ng happy birthday.

Malaki ang ngiti ko habang nagpapa salamat sa bawat isa sa kanila. Kaya pala parang may handaang pinag hahandaan sila tiyang iyon pala ay para sa birthday ko ngayon na kundi dahil sa girlfriend ko nakalimutan ko na.

Maya't mayang pina aalala ni Natasha na birthday ko sa mga idea nyang bonding namin ng araw na ito. Nagising din ako kaninang madaling araw dahil pag patak ng twelve tumawag sya at ang boses nyang kumakanta ng 'happy birthday' ang nabungaran ko.

"Uy Trix nabalitaan kong si Nat payat pala ang jowa mo" Bungad ni señorita Jade habang namumuhalan sa paborito nyang shanghai ni tiyang.

"Señorita diba hinatid nyo pa ako one time sa kanila?" Kumunot noo ito.

"Kaya pala nasabi ko sa sarili na nanggaling nako dati doon, akala ko deja vu lang" Pinanood kong mag kasiyahan ang mga kasama ko sa trabaho kasama sa kanila si Roxanne na naging close narin sa iba rito.

"Sinabi ni señorita Rose?" Tanong ko, maya maya.

"Ang sabi nya mukhang kailangan ko raw mag practice ulit. Ewan ko nga dyan eh" Medyo nagtaka ako sa sagot nya.

"Practice ng?" Nag kibit balikat sya.

"Bondage kaya wag kang mag taka pag nakita mo si Liam na iika ika" Nag init ang pisngi ko. Diko gustong isipin iyon.

"Naku naman si señorita. Wala namang gagawin si Natasha" Balik ko.

"Alam mo Trix lahat kami dito nag aalala sayo at syempre ayaw naming isang gabi nalang tumawag kang ngumangawa dahil sa nagloko yung jowa mong model" Tuwid ko syang tinitigan.

"Di sya magloloko señorita. Takot din naman sakin yon" Tumaas ang kilay nya.

"Sa liit mong yan? Wow ha, umiikot naba si Nat sa mga palad mo?" Nag ikot ako ng mata.

"Hindi iyon, nag uusap kami palagi. Kaya señorita maipagmamalaki ko na kilala ko na sya at alam kong hindi nya magagawa sakin yon" Kumuha ulit ito ng shanghai sa mesa bago nag salita.

"Sa tingin mo ba sya na?" Sandali akong napa isip saka tumango.

"Masaya ako na natagpuan ko narin sya" May totoong ngiti ang lumitaw sa labi nya.

"Okay, I believe you. Palaging kong naririnig kay Rosita na dapat wag kang saktan ni Nat pero Trixie wag mo rin sana syang saktan. Napakarami ng pinagdaan ng payat na yon" Natahimik ako.

Alam ko naman ang bagay na iyon dahil ilang beses ko naring nakitang umiyak si Natasha lalo na kapag na aalala ang kapatid.

"Hindi ko sya sasaktan señorita" Pangako ko, sa lahat ng ginawa kong pangako ito lang ang pinaka mahalaga para sakin.

___

Sa bahay nag daos din ng selebrasyon si tiyang at dumalo halos lahat ng kapitbahay namin kahit pa yung iba sa kanila diko kilala. May videoke sa labas ng bahay at inuman.

Ilang beses ko ng natanong kung alam ba ng mga taong dumalo ngayon kung anong bagay ang isine selebra namin. Parang ang ipinunta lang nila dito ay alak at pagkain.

"Best happy birthday! Sarap nitong spaghetti mo" Bulong ni Jane habang namumuhalan.

"Si tiyang ang nagluto nyan. Gusto mong pauwian kita?" Tumango sya.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now