Chapter Thirty-one

2.2K 88 9
                                    

"Fighting mommy!" Habol ni Jane, buhat nya si Loo na may suot pang sumbrero na 'you can do it' ang naka imprenta.

"Thanks Loo and Best. Pero parang ina antok pako" Nag hikab ako, nasanay na ang katawan ko sa ilang araw na till nine am tulog ako kaya medyo bad mood ako kanina ng kalampagin ni Jane ang pintuan ko.

"You can do it, nakikita mo ba ang beanie ni Loo? Isinuot ko sa kanya ngayon ito for a reason" Humikab ulit ako, naka pikit ako pag tayo.

"Aray! Busit naman ang cast na ito! Dipa ba pwedeng hubarin?" Bumunggo ako sa pader ng kusina malapit sa banyo.

"Diko alam pero baka oo? Wag mong pipilitin ang sarili mo best baka magka sakit ka. Three weeks palang ang naging pahinga mo" Sa narinig hinubad ko na ang cast at ibinato.

"Salamat at naka hinga rin ang braso ko" Masakit parin ang kanang braso ko at hindi parin nag hihilom yung malaking pasa malapit sa wrist pero kaya ko naman.

"Best sinasabi ko sayo, magkaka sinat ka kapag pinilit mo yang katawan mo" Habol ni Jane.

"Worry not misis kaya ko ang sarili ko. Saka mahirap ba maging PA? Kaysa sa mga pinagdaanan ko sa mansion noon? Malamang na chicken feed lang ito" Mahanging balik ko na ikina inis nya lalo.

"Sinasabi ko sayo, isang taon na kitang di palalabasin ng bahay kapag napano ka nanaman" Nag happy dance lang naman ako sa harapan nya.

Matapos magising ng diwa ko naligo na ako, jeans at simpleng itim na t-shirt lang ang outpit ko. Kung alalay lang din naman ako, hindi ko kinalimutang isuot ang kwintas namin ni Natasha pati na ang promise ring ko.

Nag lipstick ako ,yung mismong brand na ine endorse ng pinakamamahal ko. Nag pabango ako para kahit simple mabaliw sa amoy ko si Natasha, kinuha ko rin ang shades pati na ang cap sa taas ng cabinet. Ito ang pinaka komportableng get-up para sakin.

Humalik ako sa pisngi ni Jane bago lumabas ng bahay saka ko tinungo ang kotse, mabuti nalang at okay lang kay Jane na dalin ko ito kahit na may pasok sya. Napaka rami ko ng utang sa bestfriend ko kaya dapat pag butihin kona ito para makapag simula na ako sa pag bawi sa kanya.

Wala pa man sunod sunod na ang messages na dumating sa cellphone ko, yung address ng damit daw na susuutin ni Natasha, pati na kung saan ako kailangang bumili ng breakfast at kape nya.

Nahilo ako sa mga demands ni Shaun, wala syang patawad at pag dadalawang isip na mag utos ng mag utos kahit pa di ako sanay. Since then ramdam ko ng may sama ng loob sakin ang lalaking yon.

Dinaanan ko ang mga damit ni Natasha at pumila ako sa napaka habang pila sa restaurant na gusto nya. Isang oras din ang ginawa kong pag ikot sa iba't ibang shop para ma kumpleto ang lahat ng nasa listahan.

Kumabog ang puso ko ng makita ang address ng condominium nya. Sa wakas malalaman ko narin kung saan sya nakatira. Isipin palang na makikita kona ulit sya pina pawisan na ako sa kaba at tuwa.

Bitbit ang damit, breakfast at kape kong tinungo ang elevator. Nginitian kopa ang babae doon na naka sabay ko na ngumiti rin naman sakin.

"Bago ka dito?" Mukhang ang bait bait nya.

"Ah dipo, part time ko to" Tumango tango sya.

"Umh di naman sa panghihimasok, pero anong part time mo?" Inilipat ko muna ang mga bitbit sa kaliwang kamay ko, medyo kumikirot na ang braso ko.

"Assistant po ni Natasha Morettii" Nanlaki sandali ang mata nya.

"Yung model? Dito pala sya sa building nakatira?" Mukhang fan din sya ni Natasha.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now