Chapter Sixteen

3K 104 7
                                    

Nanlalamig ang mga kamay ko habang naka tayo sa labas ng malaking bahay nila Natasha. Nag desisyon akong pumunta rito ng di nagsasabi sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

Alas nueve palang ng umaga at base sa nalaman ko sa kanya sigurado akong nasa kalagitnaan pa sya ng malalim na panaginip. Hindi sya batugan talagang madalas gabi ngayon ang photo shoot nila.

Pinindot ko ulit ang doorbell dahil mukhang walang naka rinig noong dalawang sunod na ginawa ko. Saka ko natanaw ang isang babaeng naka uniform na papalapit sa malaking tarangkahan, nag handa ako ng malaking ngiti kahit pa mukhang nakaka takot ito. 

"Anong kailangan nila?" Mataray na bungad nito.

"Pwede po kay Natasha? Nandyan po ba sya?" Magalang na tanong ko habang nilalabanan ko ang kaba.

"Sino sila? Natutulog pa ang señorita at di nya gustong gini-gising sya ng ganitong oras" Kinagat ko ang ibabang labi.

"Trixie po, alam nya pong pupunta ako ngayon" Nag krus ito ng braso.

"Bumalik kana lang. Hindi matutuwa ang señorita kapag may biglang nang gising sa kanya" Bumagsak ang braso ko.

"Sige po, subukan ko nalang na tawagan yung cellphone nya" Tumaas sa anit ang tattoo-ng kilay nito.

"Oh sige na nga. Mukhang kilala ka naman nya talaga" Nalukot ang ilong ko sa tinuran nya. Akala nya ba budol budol ako?

Napilitan na ang ginang na buksan ang gate at hayaan na akong maka pasok kahit pa halata parin sa mata nito ang pagdududa. Hindi ko nalang sya pinansin at sumunod na sa kanya.

Ngayon maayos kong napag masdan ang kapaligiran, napag tanto ko na modernize ito kumpara sa mansion ng mga Legazpi na parang bahay ng mga kastilla noong mga kapanahunan.

Speaking of mga amo ko- Bumalik sa utak ko ang pag papa alam ko sa kanila kahapon at sa totoo lang di papayag si tiyang kung walang tulong nila señorita Rose. Napagalitan kasi ako nung miyerkules kahit pa akala ko ay di nya mahahalata.

Sinabi nya na sumo sobra na ako at masyado na akong nababarkada lalo pa't di na ako umuuwi ng maaga kahit pa di naman ako pumasok sa mansion. Galaiting galaiti ito at kung hindi narinig nila señorita Rose malamang na ginigisa parin ako hanggang sa ngayon.

Napa buntong hininga ako na mukhang mapapasama ako nito kay tiyang dahil sobrang kunsintidor nila señorita. Noong malaman kasi ni señorita Jade na may lakad ako nag prisinta syang mag bantay kay Roxanne.

Sinama nya si Roxanne sa spa dahil spa day ng pamilya nila, na guilty rin naman ako kaya lang noong malaman ni Roxanne na pupunta sya ng spa iyon nalang ang nag register sa utak nya.

Ngayon may ngisi akong hinatid ni señorita Jade kanina sa labas ng gate nila Natasha habang huma halakhak at pa kindat kindat pa. Akala ko nga eh may kung ano ng nangyari sa mata nya.

"Maiwan ka muna dito" Utos ng matandang babae saka ako tinitigang mabuti. Ngumiti lang naman ako ng malaki bilang balik.

Naupo ako at pinag aralan ang lugar, sa sobrang sariwa ng alaala ng pag punta ko rito parang bigla pang lilitaw yung mga bisita nya noon na mga higanteng magagara ang mga suot.

Sa kaliwang pasilyo kung saan ako tumungo para hanapin ang banyo, kaagad ding nag play yung nangyari pagka kita ko kay Natasha. Para akong nanood at nakita yung mga pigura namin habang hatak hatak ni Natasha ang mga kamay ko.

Umangat ang mata ko sa mataas na hagdan habang sinusundan ang mga pigura sa mga alaala ko ng makita ko si Natasha na pu-pungas pungas napa ngiwi ako sa mas pag salimuot ng expression ng matandang babae.

Devilishly Gorgeous (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon