Chapter Four

3.8K 156 23
                                    

Sandali akong nagtago sa ibang mga tao para hilahin ang pwetan ng pants na suot ko. Nag dilang anghel si Jane nung sabihin nyang baka di kumasya sakin ang napiling uniform ng mama nya.

Kanina pa ako di mapa kali sa sobrang sikip sa pwet ng suot ko ngayon, feeling ko tuloy lahat ng mata sinu sundan ako at naka tingin doon. Hindi kona alam ang gagawin ko.

Kasisimula palang ng fashion show at baka pitong oras pa kami dito, paano ako tatagal kung una palang dina ko komportable sa suot ko? Huminga ako ng malalim matapos sandaling maiayos ang pants ko.

Bumalik ako sa pag se-serve sa mga taong madadaanan ko. Ako ang in charge mag bigay ng mga wine na di naman pala ganoon kahirap. Malaki ang pasasalamat kong mabait ang mga taong nakaka salamuha ko.

Ilang oras pa may mga modelo na sa mahabang mesa kung nasaan ang mga pagkain at diko maiwasang pagmasdan sila. Napaka-papayat at napaka-kinis ng mga balat nila. Di rin ako maka paniwala na kumakain pa pala sila.

"Uy! Gusto mo break muna tayo? Pwede daw sabi ni mama" Bulong ni Jane. Nilalangisan na ang kaibigan ko ng makita ko ulit sya.

"Anong nangyari sayo?"Dinukot ko ang panyo sa bulsa at pinunasan ang noo nya.

"Pabalik balik ako kanina pa. Nandyan si Natasha at kanina nya pa ako pinag tri trip-an" Tumaas ang kilay ko sa narinig.

"Yung jowa ng kuya mo?" Nag kasundo kami na mag pahinga muna, naupo kami sa madilim na parte ng lugar habang kumakain.

"Oo crush yata ako eh" Natawa ako sa narinig.

"Baka nga, diba kayo close?" Matindi ang naging pag iling nya.

"Masama ugali nung babaeng yon, kung anong ikinaganda syang ikina pangit ng ugali nya" Kitang kita ko yung inis ni Jane, may parte ko ang na-intriga sa nadadalas na i kwento nya.

"Diko pa yata sya nakikita" Komento ko.

"Mamaya lang nandyan na yon. Narinig kong sasabay sya sating umuwi kaya makikilala mo narin ang numero unong kontrabida sa buhay ko" Uminom ako ng tubig at napatanaw sa mga modelo sa stage.

"Sabi mo maganda? Mga sexy lang ang nakikita ko eh" Insistent kasi sya na napakaganda ng Natasha na iyon.

"Malalaman mo ang sinasabi ko mamaya" Balik niya habang namumuhalan.

Ilang minuto lang bumalik na kami sa pag se-serve hanggang sa mag paramdam ang pantog ko. Sandali akong nag paalam sa mama ni Jane na mag c-cr dahil sa sikip ng pantalon ko baka ma-ihi na ako nito sa salawal ko. 

Patakbo kong hinanap ang banyo hindi ko pa man din kabisado ang lugar na ito. Naka hinga ako ng maluwag ng matagpuan ko rin sa wakas ang hinahanap ko, kaagad na akong umihi at pati pwet ko naka hinga pansamantala sa napaka sikip na suot ko.

Pag labas narinig ko yung natatarantang boses ng isang lalaki, sumilip ako nakita kong may hawak syang spray bottle, kanina pako nakaka kita noon dahil lahat ng modelo naglalangis bago tumapak sa entablado.

"Ay salamat naman, tara sumama ka sakin" Kinabahan ako ng hatakin nya ang kamay ko.

"Naku bakit po?" hindi ito nag salita.

Sa higpit ng kapit nya sa braso ko diko magawang maka palag, dinala nya ako sa kwartong punong puno ng mga modelong hubad, kundi hubad panty at bra lang ang suot.

Nag init ang pisngi ko sa nakikita, binitawan nya ang kamay ko at binigay sakin ang spray bottle, natuod ako sa pwesto. Wala akong ideya sa mga nangyayari ngayon.

"Nat come naka hanap nako ng mag a assist sayo habang inaayos ko yung top ni Colleen" Tawag nito sa mataas na kurtina, sa palagay ko doon nag huhubad at nag papalit ang mga modelo.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now