Chapter Eighteen

2.7K 90 2
                                    

TW: Attempted rape and violence...

---

Napa hagalpak ako sa itsura ngayon ng kaibigan ko, medyo makapal ang make up nya para sa photo shoot namin. Lumapit ako habang naka nguso parin sya, inayos ko ang tali sa cap nya dahil nasa maling direksyon ito.

"Sigurado ako na di ako maganda doon" Reklamo nya bago ako dumukot ng chocolate.

"Sigurado akong maganda ka, medyo makapal lang ang make up mo" Binalatan kona ang chocolate pag abot sa kanya.

"Hindi eh best nakita ko yung picture ko, para akong multo" Napa hagalpak ako.

"Edi magandang multo. Wag mo ng isipin yon" Komento ko bago namin hubarin ang toga dahil wala naman na kaming klase ngayon lumabas nalang kami ng academy.

Parang naka kawala na sa kural ang ibang estudyante na katulad naming graduating na, bumilis ang tibok ng puso ko habang iniisip na sa loob ng dalawang linggo lang matatapos na kami sa wakas.

"Nagutom ako baka maka ubos ako ng dalawang buong footlong ngayon" Napa iling ako sa narinig bago manginig ang cellphone na nasa bag ko.

Sandali ko itong dinukot at kaagad na napa ngiti ng makita ang mukha ni Natasha. Kaya laking panghihinayang ko na diko sya pwedeng sagutin ngayong kasama ko si Jane.

"Sino yan?" Kaagad kong iniwas ang cellphone ng subukang silipin ni Jane.

"Si tiyang lang, baka itatanong kung anong oras akong uuwi" Binalik ko ang cellphone sa bag.

"May dika ba sinasabi sakin?" Natakot ako sa paghihinala sa mga mata nya.

"A-anong diko sasabihin s-sayo?" Parang isinalang ako sa ilalim ng microscope sa panunuri nya sakin.

"Hindi ko rin alam" Bumuntong hininga ang kaibigan ko.

"Haist m-may di nga ako sinasabi s-sayo" Pumasok kami sa loob ng burger shop at naupo.

"Sabi ko na eh! Napapansin ko yon" Kinutkot ng daliri ko yung sira ng upuan sa tabi ng hita ko.

"Meron akong matatawag na g-girlfriend ngayon" Malakas syang suminghap na ikina samid nya pa.

"Anong girlfriend?! Trixie wala ka namang na kwe kwento ah!" Humalukipkip sya at kaagad namula ang mukha sa pagka inis.

"Sorry! Hindi ko lang kasi alam kung paano sasabihin" Wala akong lakas na salubungin ang nag-aapoy na tingin nya sa segundong ito.

"Sino?" Kinagat ko ang loob ng pisngi.

"Y-yung babaeng model noong fashion show? Yung tinulungan kong mag spray ng langis?" Nag liwanag ang mata nya sa recognition.

"Paano kayo nagkita ulit?" Nag simulang humabi ng kasinungalingan ang utak ko.

"Noong mag pasama si señorita Iris sa mall nag kita ulit kami at diko alam kung paano nangyari Jane. Nag simula kaming maging textmate hanggang sa madalas na kaming maging magka usap" Sa pandinig di kasinungalingan iyon. Nag iiwan lang ako ng ibang detalye para di pag simulan ng pagtatalo.

"Oh pano naman naging kayo?" Pina pawisan nako sa pressure ng titig nya.

"Last last week lang naging official. Mula din noon ilang beses na kaming nag date. Sorry Jane kung diko sinabi kaagad" Naluluhang turan ko. Kung sabihin nyang lumuhod ako ngayon din sa harapan nya gagawin ko.

"Okay I guess kailangan ko naring umamin" Umangat ang mata ko sa kanya, sya naman ngayon ang di maka tingin sakin.

"Ano?" Ako naman ngayon ang nanunuring tumingin sa kanya.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now