Chapter Fifteen

3.3K 115 9
                                    

Gumising ako ng maaga ng araw na ito at diko napigilang isiping may bago sa araw na ito. Alas kwatro palang ng madaling araw at dahil wala si Roxanne mag isa akong kumilos.

Naging magaan ang gising at opening ng araw ko ng malamang ilang araw na mawawala si Tiago. Hindi ko na inalam pa ang rason basta masaya na ako ngayon palang na mawalan ng problema dito sa bahay.

Mahina akong nag hum habang ine enjoy ang paliligo, simula ng lumipat kami dito sa bahay nila tiyang never kong matandaan kung kailan ako naligo ng mahigit sa sampung minuto. Dahil sa kabang baka merong mata sakin.

Kaya panibagong record ito ng humigit kumulang twenty minutes ang itinagal ko. May ngiti akong namili ng isusuot, naisip kong mang hiram ng pabango ni Roxanne na ibinigay sa kanya ni sir Liam mula sa mga events na pinupunntahan nila. Ewan gusto kong maging mabango ngayon.

Humugot ako ng malalim na hininga ng lumabas, may sigla ang bawat tapak ko, sa panibagong lenses ko nakikita ang mundo sa sandaling ito. Sa totoo lang mas prefer kona ito, hindi naman kasi nakaka-ganda ang stress.

Kaligayahan siguro ang rason kung bakit hindi ko namalayang nasa tapat na ako ng mansion. Parang di nag re register yung mga trabahong kailangan kong gawin.

Buong duration ng paghahanda at pag aayos ko ng hapag kainan may tono akong nasa utak na hindi maalis sa balintawtaw ko. Isa iyon sa nagpagaan ng mood ko, well except sa pinaka main reason.

"What happened?" Pag tungo ko sa hardin na abutan ko si señorita Rose na may curiosity sa mga mata.

"Po?" Naka ngiting tanong ko.

"Anong nangyari at dina nawala yung ngiti dyan sa labi mo? Greatful ako na makitang masaya ka pero gusto kong malaman ang dahilan" Nag hanap ng ibang bagay na tititigan ang mata ko.

"Wala naman po, parang may kakaiba lang sa umagang ito" Kinuha nya ang hose sakin at ginawa na ang trabaho ko.

"Come on Trixie. Gusto kong malaman kung sino ang may kagagawan at parang naka plaster na ang ngiti mo" Ngumuso pa sya sakin para siguro mag pa-awa na gumagana.

Narinig yung mahinang pagtama ng tubig sa mga damo at bulaklak sa hardin. Sandali akong nag masid para makapag isip ng mabuti. Alam kong nagtataka lang sya pero diko parin alam kung tamang sabihin ko sa kanya ito.

"Meron po kasi akong, pwede po sigurong tawaging girlfriend." Nanlaki ang mata nya. "Wag nyo pong sasabihin kay tiyang" Mabilis namang dagdag ko.

"No No No, wala akong balak na sabihin kay Manang Nora. Wait anong meaning ng "pwede sigurong tawaging girlfriend?" hindi paba pwedeng tawaging girlfriend nalang? Period?" Nag quotation pa sya gamit ang dalawang daliri.

"It's complicated po eh"Mahina syang natawa.

"Sa school nyo rin nag aaral?" Umiling ako na masyadong naging mabilis para mabawi ko pa.

"Hindi po, nakilala ko sya through sa friend ko sa school" Sinuri nya ako gamit ang mata nya.

"Tell me about her? Mas matanda sayo?"

"Mga ilang taon po"

"Okay, tapos na ng college? Anong profession nya?"

"Sa ngayon po modelling ang pinag kaka abalahan nya" Sandaling natigilan si señorita.

"Ooooh one time nung college days pa nagkaroon din ako ng girlfriend na model. They're fun to be with because they know exactly how to have fun. Kaya lang medyo magulo" Hindi ko ina asahan ang maririnig.

Kapag naiisip ko sya si señorita Iris lang ang nakikita kong ka-date nya or ewan ko. Wala rin naman akong nakilalang ka relasyon nya. Aware kaming lahat dito na ma sikreto sya bata palang.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now