Chapter Twenty-six

2.1K 81 13
                                    

A few years later


Nahinto ang mabilis na pag tipa ko sa keyboard ng computer ng mapansin ko ang itim na itim na buhok ng isang batang gumagawa ng ingay sa maliit na opisina ko.

Ilang sandali lang ng lumitaw sya at humahagikgik na lumusot sa ilalim ng lamesa ko. Yumuko ako at sinilip sya, naka tagpo ng mata ko ang abong mga mata nya. Idinikit nya ang hintuturo sa labi para sabihing wag akong mag iingay.

Bago kopa sya maka usap o matanong may katok na akong narinig sa labas ng pintuan na naka awang naman. Tuluyang bumukas ang pintuan at pumasok si señorita Rose na ilang beses ng sinabi saking pangalan nya nalang ang itawag ko sa kanya. But old habits die hard, ika nga.

"Trixie nadaan ba dito si Sel?" Tukoy nya sa tatlong taong anak na nagtatago ngayon sa ilalim ng mesa ko.

"Ah eh diko po napansin señorita" Umakto syang nag iisip.

"Nasan na kaya ang anak ko? Sigurado na mapapagalitan ako ng mommy nya kapag nawala ko iyon" Nagka titigan kami ng may malakas na tawa ang mag mula sa ilalim ng mesa.

"Baka po doon sa cubicle sa labas sya nag tago" Ipinarinig nya samin ni Selene ang pag awang ng pintuan para isipin ng tatlong taong tuluyan na syang aalis.

"O sige aalis nako, hahanapin ko nalang si Astrid at sasabihin kong nilayasan na kami ni Sel" Isinarado ni señorita ang pintuan ngunit di sya lumabas ng opisina.

Pinanood kong gumapang sa ilalim ng mesa ang tatlong taong anak nito at kapusin ng hininga sa pag tawa. Kahit na bata palang magkasabay na lumitaw dito ang katalinuhan at kapilyahan. Hilig nya ng hiluhin ang mama nya tuwing isinasama sya rito sa kompanya.

"Tita Trixie fenk you."Yumuko ako ng kaunti para maabot nya ang pisngi ko. Dahil sa tulo laway sya nabasa ang pisngi ko sa paghalik nya.

"Welcome princess Sel" Niyakap ko pa sya ng mahigpit bago nya makita ang mama nyang nanliliit ang mata.

"Uh oh...." Ako naman ang natawa sa naging reaksyon nya ng makita si señorita na naka krus ang braso.

"Uh oh is right. What did we agree on Sel? Nag promise ka na dika kung saan saan magsu susuot" Sa uri ng pag kausap nito sa anak malamang na maisip ng makakarinig na matanda na si Sel.

"Mama I just wanna see tita Twixie" Turo pa sakin ng maliit na daliri nya.

"You can do that without running away from me. ako ang mapapagalitan ng mommy mo kapag nawala ka nanaman" Patakbong tinungo ni Selene ang mama nya na naka bukas na ang mga braso.

"Boriiiiing...." Pinisil ni señorita ang chubby na cheek ng anak.

"Hindi kona alam kung kanino ka nagmana. Maagang magkaka puti si mama sayo" Gaya ng hilig nitong gawin ,humagikgik lang ang tatlong taong napaka cute sa mga sandaling ito.

"Sayo po" Matapang na sagot ni Selene.

"Nope well behaved ako baby palang. Baka mana ka sa mommy mo" Bulong nya.

Physically ang mukha lalo na ang kulay ng mata ay masasabing namana nya kay señorita Iris,namana nya lahat dito kaya mini Iris ito kung ituring ni señorita. Kahit ako minsan di rin maka paniwala sa labis na pagkaka hawig nila.

Samantalang mukha man ni señorita Iris ang dala, kasta at kilos ni señorita Rose ang nakikita naming lahat sa tatlong taon. Totoo namang maloko rin si señorita Rose. Kaya nakakapagtaka na palagi syang tuma tanggi na di sa kanya nagmana ng kapilyahan ang anak.

"Tita Twixie bye" Nag wave sya sakin.

"Bye princess" Naka ngiting balik ko.

"Trix I don't wanna hear from Ursula na dito ka nanaman nag overnight. Can you please have fun naman?" Diko napigilang matawa sa pag guhit ng frustration sa mukha nya.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now