Chapter Six

3.5K 150 11
                                    

"Dito ako pumupunta kapag gusto kong tumakas" Sandali kong inalis ang tingin sa liwanag ng syudad.

"Tumakas saan?" Sumubo sya ng french fries na medyo makunat na sa layo nitong tinutukoy nyang lugar.

"Sa kahit saan, sa pressure ng trabaho or kapag nag away kami ni Seb. Sa pressure ng mundo" Tumango ako.

"Naiintindihan ko, may lugar din akong pinu puntahan kapag naghahanap ako ng kapayapaan" Kinagatan ko naman ang burger ko matapos sumagot.

"Ikaw lang ang naka intindi sakin. Dinala ko one time dito yung kaibigan ko at sinabi nyang nag i emo lang ako" Umihip ang hangin at dahil sa nasa kalagitnaan kami ng disyertong matatawag nilamig ako.

"Hindi kita huhusgahan dahil lahat naman tayo kailangang tumakas paminsan minsan" Medyo mataas ang kalupaan dito sa kinalalagyan namin kayat napaka ganda ng tanawin.

Mula dito makikita ang iba't ibang kulay ng mga ilaw ng syudad na parang nabubuhay sa ibang paraan. May parte ko ang di maka paniwala na naka tagpo si Natasha ng ganitong lugar.

"So anong kwento mo Trixie? Mag share ka naman" Natawa ako sa narinig.

"Ilang taon kana muna?" Nanliit ang mata nya.

"Bakit? Mas matanda ako sayo, okay na? "Umiling ako.

"Sabihin mo na, diko mahulaan eh" Tinungga muna nya yung soft drink nya.

"Twenty five nako next week,ikaw ba?" Akala ko mas matanda lang sya sakin ng isa o dalawang taon.

"18 ilang months pa bago ako mag 19"

"Oh at least pwede na" Tumaas baba pa ang isang kilay nya.

"Pwedeng ano?" Turn ko naman ngayon para panliitan sya ng mata.

"Pwedeng uminom, sa birthday ko punta ka" Natatawang sagot naman nya. 

"Kailan ba? Baka busy ako"

"Next friday, sama kayo ni Taba" Hinampas ko ang braso nya.

"Wag mo ngang tawaging ganoon si Jane" Ngumuso sya at hinaplos ang braso.

"Term of endearment ko sa kanya iyon. Narinig mo naba yung tawag nya sakin?" Umiling ako.

"Natasha lang ang madalas na itawag nya sayo" Sagot ko.

"Well baka para saming dalawa lang yon. Hintayin mo nalang madudulas din naman sya" Hindi ko na sya pinilit mag salita.

Ngayong kasama sya , may parte ko ang masaya na hindi pa ako umuwi kapag pala di kamanyakan ang nasa utak nya magkaka sundo kaming dalawa ni Natasha. Kasi diko ine expect na magiging enjoyable ang pag uusap namin.

Kung ma aabutang lasing o nag aaway lang sila papa sa bahay mas gugustuhin ko ng mag palipas ng gabi dito sa hood ng kotse nya kaysa ang umuwi pa sa bahay namin na puro murahan at sigawan lang ang maririnig ko.

"Ano ng kwento mo?" Pangungulit nya ilang minutong matahimik kami.

"Wala, kailangan ba palaging may kwento?" hinubad nya yung leather jacket na suot nya at nagulat ako ng iabot nya sakin.

"You can borrow it for a while. Nakita kong nilalamig kana" Dina ko nag reklamo dahil nangangatog na talaga ko.

"Salamat" Bumuntong hininga sya maya maya.

"Okay kung ayaw mo mag simula ako na para mawala ang hiya mo" Sa kanya ko itinutok ang mga mata.

Habang pinagmamasdan sya parang nag i-slow motion ang paligid ko, yung pag ihip ng hangin yung pag patay sindi ng ilaw na nasa back round pati na ang pag galaw nya bumagal.

Devilishly Gorgeous (wlw)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant