Chapter Twenty

2.8K 93 3
                                    

Nag ikot ako ng mata habang pina panood kung paano mag harutan itong dalawang taong kasama ko ngayon. Itinatanong ko rin sa sarili kung bakit pa ako sumama para maging third wheel lang. Meron naman akong sariling jowa.

Speaking of jowa, kanina parin kami magka chat ni Natasha na meron lang kailangang asikasuhin ngayon. Kanina pa pout nya lang ang sine send nyang photo sakin para daw malaman ko kung gaano sya kalungkot na di ako kasama.

"Sabi sayo na masarap dito" Bulong ni Jane ng sandali nyang ilipat sakin ang atensyon.

"Kasi nuknukan ng mahal" Muntik na nga akong lagnatin ng malaman kanina ang halaga ng isang slice ng cake at iced coffee na order ko.

"Sulit naman eh best. Minsan lang ito" May gigil kong sinipsip ang straw.

"Baby say ahh" Nag ipit pa ng buhok ang bestfriend ko bago mahinhing ibuka ang bibig sa papalapit na tinidor ni Inigo.

Parang mas gusto kong mag wala sa nakikita, nag libot nalang muna ako ng mata ng may pumasok na magandang pulis sa coffee shop.  Kasabay noon yung kaba. 

Sa nangyari kay papa, mula ng makulong sya at maka kausap ako ng mga pulis kahit na wala naman akong ginagawa kinakabahan ako.

Na intriga ako ng lumapit ito sa maganda ring babaeng nasa kaha. Humalik sya sa labi nito na akala mo'y silang dalawa lang ang nasa kwarto. May pagmamalaki kong pinanood ang sweet interaction.

Habang mas natititigan ang babaeng nasa kaha napa kunot noo ako dahil parang pamilyar hindi kolang matandaan kung saan ko sya nakita. Sandali akong tumitig sa kisame para mahanap sya sa utak ko pero sadyang pointless.

"Trixie after nito manood tayo ng sine?" Maya maya bumalik nanaman sakin ang atensyon ni Jane.

"Parang sumama bigla ang pakiramdam ko" Totoong turan ko habang tinitignan yung kamay ni Iñigo na yumakap sa kanya.

Kahit na magka edad lang kami ni Jane sa utak ko tinuturing ko sya bilang nakababatang kapatid at habang pinapanood lahat ng ito. Ang nakikita ko ay yung pag te take advantage ni Iñigo kahit na sabihin mag jowa na sila.

"Sabi na kasing ako na ang magbabayad ng pagkain mo. Nilalagnat kapa naman kapag nababawasan ang laman ng wallet mo" Natawa ako.

"Kayo nalang ang manood, may dadaanan parin kasi ako" Nakita ko yung pag guhit ng relief sa mukha ni Iñigo.

Since malaman ko na sinagot na sya ni Jane at mag simula syang sumama sa break at uwi namin. Hinarap ko sya at sinabing subukan nya lang na saktan si Jane, well malalaman namin ang gagawin ko sa kanya kapag sinubukan nya.

Kaya tuwing magkakasama madalas ko syang samaan ng tingin at hindi nawawala yung takot sa mukha nya kapag magkakasama na kami. Sa totoo lang parang lagi rin syang stiff kapag nakikipag usap na sakin.

"Best bakit kasi dimo pa yayain din si Heart na lumabas? Para double date" Ngumisi pa si Jane.

"Busy sya ngayon baka next time" Tanggi ko.

"Haist lagi namang busy yang jowa mo. Tama ba yon? Wala na syang time para sayo" Napa buntong hininga naman ako bago humigop. Kung pwede kolang talagang sabihin at ipakilala si Natasha sa kanya ginawa kona.

"Hindi naman, saka baka bukas sa graduation dumating sya" Pag sisinungaling ko.

"O sige, dina ko makapag hintay" Humarap ito kay Iñigo.

Napasok nanaman ang dalawa sa sarili nilang bubble. Ako naman naiwan sa sarili kong mundo, inubos ko ang iced coffee dahil malamang na di ako maka tulog kung diko gagawin iyon sa mahal nito.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now