Chapter Forty-one

2.4K 88 5
                                    

Napa pikit ako ng buksan ni señorita Rose ang champagne, napansin kong umabot ang cork sa dingding ng veranda na nag iwan ng marka.

Ilang beses man akong umiling inabutan nya parin akong pilit ng champagne flute, kaagad kong nilibot ang tingin para mag hanap ng paso na pwede kong pag tapunan nito.

Sa gabing ito wala akong planong mag lasing mas nanaisin ko pang bantayan si Natasha na namumula na sa di kalayuan. Mahigit dalawang oras na yata syang niyayaya ni señorita Jade para uminom ng uminom.

"Maayo Trixie" Malaki akong ngumiti ng makita si señorita Iris.

"Magandang gabi señorita" Naupo sya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Pinag masdan ko sya ng ilang minuto at katulad ng dati napaka ganda nya parin sa mga paningin ko. Di nalang bumibilis ang tibok ng puso ko. Si Natasha nalang ang mga kapangyarihang gawin yon.

"Masaya ako para sayo, alam mo bang ilang beses kong ipinagdasal na mahanap mo ang tunay na kaligayahan dito sa mundo" Ganoon kabilis nag init ang mga mata ko.

"Maraming salamat señorita, ngayon po hindi lang ako masaya. Wala ng puwang sa puso ko" Ngumiti sya pati na ang mga mata nya.

"Dimo na kailangan pang sabihin ang bagay na iyon." Hinaplos nya ang buhok ko, nanatili naman ako doon at mas lumawak pa ang ngiti.

"Hey love, let's dance" Biglang pag sulpot ni señorita Rose, tumango lang naman ako ng tumingin sakin ang señorita ko.

Pinanood ko ang ilang mga tao sa dance floor, ang ganda sa mata dahil napaka kinang ng hardin ng mga future biyenan ko at napaka raming nag liliwanag na ilaw.

Dahil all white ang theme di nakakapag takang mas naging maliwanag ang lahat. Katatapos lang ng game na pictionary at habang nire-ready ng bestfriend ko ang next game nagkaroon ng pagkakataong sumayaw ang mga bisita.

"Great party" Naka upo na ngayon si señoritta Princess sa iniwang upuan ni señorita Iris.

"Maraming salamat po sa pag punta. Ang alam ko po nasa business trip kayo" Sumimsim sya sa kopitang dala.

"Yeah,Dom throw a fit and said she'll never talk to me again if I decided not to attend. Imagine that" Mahina akong natawa, kahit na nasa late thirties na si tita Dom mukha parin naman syang nasa twenties lang kaya sa palagay ko magiging cute sya.

"Nag pout po ba sya?" Lumaki ang mga mata nya at tumango tango.

"Yes, iyon ang secret weapon nya para mapa sunod ako" Lihim akong napa ngiti, kahit di bulgarang sabihin lahat kami batid na useless ang señorita sa mga whims ng asawa.

"Kahit po ako mahihirapang hindian sya" Ang naging balik ko.

"Baka nasa genes nila yon. Parang maliit na puppy ang ina away ko kapag nalulungkot na sya eh" Ang pout ni Natasha ang syang pumuno sa utak ko ng sabihin nya yon.

"Trixie come" Nagulat ako ng bigla nalang akong hatakin ni Sofia, tumango lang naman si señorita Princess.

"Okay as you all know, ganito palang kaliit si Trixie kilala ko na sya." Turan ni señorita Jade habang ang tinutukoy ay ang beywang nya. "So dahil sa ikakasal na sya three weeks from now, naisip ko ang game na ito. Who knows her best?" Naka upo na sa dalawang bangkuan na matatagpuan sa kalagitnaan ng hardin si Natasha at Jane.

Kumunot noo ako, di ako aware na meron palang game na ni-ready ang señorita. Akala ko rin lasing na lasing na sya pero mukhang mas malinaw pa sakin ngayon ang utak nya.

Itinulak ako ni Sofia sa bangkuan sa kalagitnaan ng dalawa na nag papalitan ng matalim na tingin. Sa palagay ko naka inom narin si Jane sa mga sandaling ito.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now