Chapter Twenty-seven

2.1K 89 8
                                    

Nag drive ako sa kahabaan ng highway bago ko narating ang elementary school nila Nathan at Tony. Ilang minuto lang naman akong nag hintay dahil nag tutulakan pa silang pumasok sa loob ng kotse namin ni Jane. Sa lahat ng bagay ngayon pinag hahatian na namin ng bestfriend ko.

"Hello ate!" Sumugod at humalik sa pisngi ko si Tony na nakakatuwang kahit malaki na napaka sweet parin.

"Hello te" Bati ni Nathan na puro piyok pa, dahil nga nagbibinata.

"Mag seatbelt na kayo at dadaanan na natin si Ate Roxanne nyo" Ginawa nila ang sinabi ko ng walang reklamo.

Maya maya lang ng magka ingay sila, tuwing naiiwan silang mag kasama sa iisang kwarto di naiiwasan ang pag aaway sa kanila. Na aalala ko na kaming dalawa ni Roxanne close na kahit pa noong bata, pero sila kung kailan mga naging lalaki syang puro talak ang naririnig ko.

"Ang ingay ingay kasi tuloy dina pinayagan ni mama na magpa punta ng kaibigan sa bahay" Nang iinis na sagot ni Tony sa naunang pang aalaska ni Natha.

"At least ako maraming kaibigan. Di katulad mo nag iisa na nga babae pa. Bakla kaba ha?" Sumakit ang ulo ko.

"Nathan! Ano ba yang lumalabas sa bibig mo? Iyan ba ang natututunan mo sa school? Iyan ba yung natututunan mo sa napakarami mong kaibigan?" Nagbaba sya ng tingin.

"Eh papano si Tony kasi palaging nang iinis" Mahinang balik nya.

"Sinabi ng pag pasensyahan mo,ikaw ang kuya sa inyong dalawa. Saka wag mong ina away si Tony dahil sa iisa ang kaibigan nya. Dapat ikaw ang nagtatanggol sa kanya,tapos sayo ko pa maririnig yan?" Pansin ko naman na medyo may kalambutan si Tony dahil din siguro puro babae ang kasama nya sa bahay.

Pero kung dumating man ang panahon na mag decide sya na hindi babae ang magustuhan, sino ba naman ako para husgahan sya? At the end of the day ang mahalaga ay ang maging masaya sya.

"Nakakahiya naman kasi sya eh ate! Hindi nya iayos ang kilos nya" May inis sa boses ni Nathan, binata na ang kapatid ko pero mukhang dipa sya tapos sa pag ta tantrums.

"Nathan ano bang problema mo kay Tony? Nahihiya ka sa mga kaibigan mo? Matatanggap ba ng mga yon kapag nalaman nila na di kapa tuli?" Namula ang mukha nya habang tumawa ng malakas si Tony.

"Masakit daw yon eh anong magagawa ko" Naka iwas ang matang balik nya.

"Sus ikaw yata ang bakla satin eh. Naunahan pa kitang magpa tuli" Mayabang naman ngayon na komento ni Tony.

"Tony wag ka ng mang inis. Unang una Nathan meron tayong kahinaan pero di ibig sabihin non dapat na nating i point out palagi yon para mang inis o iparamdam sa iba na mas mababa sila. Dapat mahalin nyo iyon at intidihan nyo ang isa't isa" Naka nguso sila at sabay na yumuko.

"Okay ate"

"Opo te"

"Wala ng mag sasabi ng bakla sa inyo, offensive para sa iba iyon. Malalaki na kayo at matatalino naman kayo" Naka hinga ako ng matigil na sila sa pagtatalo.

Pagdating sa harap ng academy naka salubong na ang malaking ngiti ng matangkad na kapatid ko. Mukhang gumana yung mga vitamins at pag tulog nya sa hapon. Dahil ngayon pwede ng mag model si Roxanne.

"Ate! Tingnan mo to!" Pinilit nyang pag pagkasyahin ang kahong buhat nya.

"Ano yan?" Sandali akong sumilip sa laman noon at ibat ibang laki ng itlog ang nakita ko.

Bumalik ako sa pagmamaneho habang maya't mayang kung anu anong kine kwento tungkol sa science project raw nila ng grupo nya. Masaya nalang akong makinig at tumawa sa mga kalokohang sine share nya.

Devilishly Gorgeous (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon