Chapter Forty

2.9K 94 11
                                    

"I'm tired of hearing all your speculations. Guys I'm here not to entertain your ideas of our "illicit affair". We're not having an affair. Trixie broke up with Ivory before we got back together so please stop with the bullshit" Gigil na ang boses ni Natasha.

Kalahating oras na ang conference at sa unang mga minuto hinayaan nyang mag tanong ang mga reporters. Kalayaan naman nila iyon, pero ng mas maging invasive at lahat sila mag bigay na ng kanya kanyang opinyon na below the belt na nag simula naring ma inis si Natasha.

Nanatili ako dito sa likuran at kadiliman, di ko sinubukang maki sali sa usapan nila kahit pa isinama nya ako rito. Gusto kong hayaan syang i-handle ang sitwasyon at mas alam nya naman ang gagawin.

"Alam kong aware din kayo sa naging side ni Ivory, hindi nya lang mailabas sa media ang break up nila noon dahil sa masyadong fresh at kailangan din nila ng panahon. Ngayon lahat kayo kina usap ko na para din tumigil na ang camping sa labas ng condo ko" Sinamaan nya ng tingin ang grupo ng reporters na natahimik. For once.

Sa pala ngiting attitude at pagiging modest nya sa lahat ng TV appearance nya. Lahat siguro ng mga ito iniisip na angel sya. Walang nakaka alam ng kahit isa sa kanila kung paano sya magalit.

Free preview palang naman ito, dahil napaka haba naman talaga ng pasensya ni Natasha. Gaya ng sinasabi ng matatanda nakakatakot magalit ang taong mababait.

"Ngayon sana naman naliwanagan na kayong lahat. God! Nasasawa nakong mag explain at please lang wala ng magtatanong dahil pinaliwanag ko naman na" Nakita ko syang nag hilot ng sentido.

"Ms. Natasha gusto lang namin malaman kung engagement ring ang nasa daliri mo" Lakas loob na tanong ng isang babaeng reporter.

"If you must know,yes we're engaged and planning the wedding but that's all I can say" Umugong ang bulungan sa karamihan. 

"With Trixie Fernandez?" Tanong naman ngayon ng reporter na mukhang di nakikinig sa mga pinahayag ni Natasha.

"Of course with Trixie. Kanino nyo ba inisip? Kay Ivory?" Nagkaroon nanaman ng nakabibinging katahimikan.

"Congratulations Ms. Natasha" Naka hinga ako ng marinig iyon.

Doon na natapos ang presscon kung meron mang naging katanungan di na iyon tungkol sa amin nila Ivory kundi sa future plans nya sa industry. Baka natakot nalang din silang mag tanong.

"Ms. Trixie, let's go mauna na tayo sa sasakyan" Tawag ni Dawn sya ang private security ni Natasha na pinadala nung isang araw lang ng dad nya.

"Si Natasha? Hindi natin hihintayin?" Tumayo ako, kasabay na tumayo sa tabi ko si Jewel. Dumating sya sa perfect time na naghahanap ako, sinabi nyang sa galit sa kanya ni Colleen tinanggalan sya ng trabaho kaya kaagad ko syang tinanggap para sa pagiging PA ni Natasha.

"Susunod ko syang dadalhin sa kotse. Tara na" Habang lahat ng media nasa kwarto pa di kami nahirapan na lumabas at walang humaharang samin.

Nag kwentuhan lang kami ni Jewel habang nasa loob ng kotse, kahit na mahinhin sya napakarami nyang kwentong nasasagap sa mga kasamahan nyang PA din at na aaliw na akong pakinggan sya.

"Ate di na nga namin matiis ang kamalditahan ni Ms. Brianna parang nawawala na sa katinuan" Napunta kami sa tsismiss nya tungkol sa ex ni Natasha.

"Ano nanamang ginawa?" Mas inayos nya ang pagkaka harap, naka upo sya sa passenger seat ng kotse.

"Pang ma maltrato, ako lang ngayon ang di nya magalaw dahil kay ate Nat nako. Nakakatawa nga na takot na takot sya kay ate eh." Diko napigilang mapa ngiti.

"Basta mag sabi kalang kay Natasha,lalo kapag may umaaway sayo sa trabaho. Dika pababayaan non" Balik ko.

"Alam ko naman ate kaya nga sobrang thankful ako na ikaw ang tinawagan ko."

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now