90. The End

30 2 0
                                    

        Metfy P. O. V
~💦>>°○❄○°<<💦~

Pagkawala ng masamang Bathaluman ay ikinumpas ni Avytia ang kanyang kamay.

Tumigil na din ang masamang panahon. Anag lahat ng nasira ay binago. Muling nagliwanag ang buong Elementia na parang walang nangyari.

Hindi ko namalayan na kaming napili. Si Cyrus, Xygen, Shena at ako ay lumutang papunta sa kanya.

"Kayong mga napili. Labis akong natutuwa sa inyong pinakitang lakas ng loob at pagkakaisa. Kung hindi dahil sa inyo hindi tayo mag tatagumpay."

"At dahil sa inyo nagtagumpay ang mga napili"

Nandito rin sila Florian, Hans at "Chan?" Bakit wala si Chan.

"Wala na si Chan. Siya ang napili ng kapangyarihan namin na itapon sa panahon ng kawalan" yumuko sila na lumuluha at napaluha din ako sa nabalitaan ko.

"Huwag na kayong malungkot. Chan tinatawag kita muli kang magbalik. Inaalisan ko ng kapangyarihan ang parusa sayo." Ika ni Avytia.

"Chan" napayakap kami sa kanya.

"Papaano po si kuya?" Singit ko.

"Hindi ko siya mahanap" sagot ni Avytia na bakas sa mukha niya ang pagkalungkot.

"Maraming salamat Avytia este Bathaluman" sambit ni Hans

"Haha ako parin ito kayo...kayong lahat ayoko na tinatawag niyo akong Bathaluman dahil mga kaibigan ko kayo. Ang awkward eh" natigilan kami at sabay-sabay na tumawa.

"Bessy!" Yakap ko sa kanya at ginantihan niya din ako.

"Sumama kayo sa akin" sabi niya at lahat kami ay naglaho. Dinala niya kami sa Inang puno.

"Papaanong nasa ayos na ang lahat pero patay ang Inang puno?" Tanong ni Shena

"Dahil nandito ako ngayon pero sa oras namawala ako, mawawala rin ang buong Elementia" natigilan kami sa sinabi niya "haha wag nga kayong magseryoso." Sita niya. "Pinagkakaubaya ko sa punong ito ang replika ng aking kapangyarihan. Sa oras na magtungo ako sa Devas kayong lahat ay inaatasan kong protektahan ang punong ito laban sa masasama." Habilin niya sa amin. Lumikha siya ng isang malaking brilyante at inilapag niya ito sa kawan na nilikha din niya. Pagkalapag nito ay muling nabuhay ang inang puno.

Nagbigay ito ng lintik-lintik na bunga at unti-unti itong nnaglakas ng kapangyarihan upang balutin ang buong Kapaligiran nito.

*Unga!* Lahat kami ay napatingin sa iyak ng sanggol

"Avytia..." Kalong ni Bathalang Medhu ang sanggol na umiiyak. Lumapit si Avytia at kinuha niya ito kay Bathala.

"Saver? Anak?"

"Siyang tunay. Di bat hiniling mong magkaroon ka ng panahong makasama siya at maalagaan? Kaya tinupad ko ang iyong hiling."

"Avisala Eshma Bathala"

"K-Kuya?"

"Unga" sagot nito. Nagtawanan naman kami. Binilatan ni Hans ang sanggol na si kuya pero tumigil din ito ng napaso ang dila niya.

"Haha si kuya talaga kahit sanggol na"

"Paumanhin ngunit kailangan na naming umalis ni Bathaluman. Avytia kanina pa naghihintay si Amang Bathala. Kailangan natin magtungo sa Devas upang maideklara na sayo ang pormal na pagiging Bathaluman"

Niyakap namin si Avytia at hinalikan ko si kuya bago sila umalis.

     Chan P.O.V
~°○🌘⏱☀️○°~

CHOSEN: The Goddess' ReturnDove le storie prendono vita. Scoprilo ora