57. Revelation

36 5 0
                                    

🌱Shena P.O.V🐃
   ○°~🍃🌹🍃~°○

"Nasan ako?!" Sigaw ni Metfy gising na siya. "Pashnea Shena ano to?"

"Alam kong magwawala ka kaya itinali ko ang mga kamay at paa mo sa mga ugat"

"Pashnea! Pakawalan mo ako. Papatayin ko si Cyrus!"

"Tsst"

"Metfy hindi si Cy ang pumatay kay Jake" pagpapaliwanag ni Xygen

"Tsaka wag ka ngang magdrama diyan masyado ka ng OA" pagtataray ko "Chan pakita mo nga sa kanya"

"Metfy tumingin ka sa mga mata ko" nagkatinginan sila. Pinapakita ngayon ni Chan lahat ng nangyari sa Boyfriend niya.

"Hindi maaari!... Tulungan niyo akong iligtas si Jake"

"Hindi pa sa ngayon Metfy" -Xygen

"Bakit hindi?"

"Mapanganib Metfy tsaka sugatan ngayon si Fharia Jesya at si Cyrus at hindi natin kakayanin ang paglusob sa Elementia ngayon" pagpapaliwanag ko.

"Tama siya Metfy ngayon nalaman na namin na hindi si Tresha si Fharia Oxmenthy" -Xygen

"Ano?"

"Kinakailangan natin hanapin ang tunay na Oxmenthy" si Fharia Jesya magaling na siya "kinakailangan natin maghanda dahil nalalapit na ang ating pagbabalik sa Elementia"

"Opo mahal na Fharia" -Xygen

"Kung mamarapatin niyo Fharia ay manatiling naka tali si Metfy baka siya pa ang dahilan ng pagkasira ng mga plano natin" sabay tingin ako sa kanya inirapan niya lang ako.

"Ah Fharia may itatanong lang po ako"

"Ano iyon Shena?"

"Kasi kagabi narinig kong tinawag ni Fharia Cehily na 'hadia' si Saver"

"Hadia? ang pagkakaalam ko si Apwe Emerton lang ang may anak sa amin si Fhario Denio.... nagkaanak na ba si Mesno?" Pagtataka ni Fharia habang naglalakad "Paumanhin Shena pero wala akong alam na may isa pa pala akong Hadia"

"Si kuya?"

"Oo Metfy" sagot ko

"Diba tinatawag mong kuya si Saver Metfy?" Paglilinaw ni Xygen "at alam namin na magpinsan kayo"

"Ang pinagtataka ko lang Metfy papaano kayo naming magkamag-anak?" Paglilinaw ko sa kanya "because we knew the fact na bawal ang magkaroon ng ugnayan ang hindi magkalahi"

"Ah eh I don't want to talk about it ayaw kasi ni kuya na may nakakaalam about sa life niya"

"Metfy bilang punong guro ng akademyang ito maaari ko bang malaman ang tungkol sa buhay ni Saver" pakikiusap ni Fharia sa kanya.

"You know I don't want to tell something about it kasi he don't want to talk about his life. Hopefully hindi sana makarating kay kuya to... hindi ko talaga blood related si kuya. Kinupkop lang siya nila tito tita nung may nag-iwan sa harap ng bahay namin."

"Wala ka bang alam kung sino ang mga magulang niya?" -Fharia Jesya

"Bukod dun wala na po akong alam"

"Avisala Eshma Metfy... kung ganun isa sa mga kapatid kong lalaki ama niya"

     Patricia POV

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now