8. The Second Hearts

117 13 0
                                    

           Avytia P.O.V
~>○⚡|💨|🔥|💦|🌱○<~

We're waiting for our history subject, history lang ang subject namin ngayon dahil may emergency report ng mga student warriors of EA doon daw sa labas ng protective barrier ng Academy kaya nag-message si Sir na he wouldn't meet us, siya kasi ang Mentor ng WEA so kailangan nandun siya.

Medyo wala naman pagkaiba ng student dito sa normal student lang kasi they are throwing papers and gossiping so they looks like a normal student.

Dumating na din si Ms. Loof

"Good Morning" mukhang good mood siya ngayon bakit kaya? Kakalapag niya lang yung bag niya sa table ay nagring yung phone niya agad naman niyang kinuha.

"Hello sir" sos kinikilig si ma'am "Yeah, I have a vecant time this afternoon... Okay see you soon...b-bye" inend na niya ang arte ha pati pag-end one finger lang. Lahat kami nakatingin sa kanya "why are you looking at me? Is there a problem in my face?" Tanong niya agad na naman niyang kinuha yung salamin sa bag niya.. nagsmile lang ano siya GGSS "I thing I should start now and continue the history that I haven't continue yet" binalik na niya yung salamin mas maganda ngayon timbre ng boses niya hindi masyadong nakakaantok.

"The profecy of Nunong Damou was  befell..."

Third Person's POV
  ~🍃~¤>👤<¤~🍃~

Isang mapayapang pamumuhay sa buong elementia sa pamumuno ng mga Rama sa kanikanilang kaharian ngunit nagkaroon ng lamat ang samahan ng mga Rama dahil sa isang pagmamahalan ng dalawang Anak ng mga Rama si Fharia Isotina na Fharia ng Smaragdus at si Fhario Hokipiro na Fhario ng Alexanite. Ayon sa batas ay mahigpit na pinapatupad na bawal magkaroon ng relasyon sa ibang lahi kaya naman pilit na pinaghihiwalay ang dalawa ngunit sadyang mapilit sila kaya naman lingid sa kaalaman ng lahat silay lihim na nagkikita sa Inang Puno ng Elementia ang na nakatanim sa kaharian ng Smaragdus. Ang punong ito ay ang nagbibigay buhay sa buong Elementia kung mamamatay ito ang buong nilalang ng Elementia ay mamamatay kaya naman higit na pinagbabawal ang pagpunta sa punong ito. Kaya naman doon sila nagtatagpo dahil walang Elemento ang pumupunta doon. Sila'y nakakalusot sa mga bantay ng inang puno dahil may kakayahan silang maglaho na katangian ng isang dungong maharlika.

Saksi ang puno sa kanilang pagmamaalan. Pero di naglaon nalaman ng dalawang kaharian ang kanilang pagmamahalan kaya naman ipinapatay nila si Fhario Hokipiro at ipinakasal si Fharia Isotina sa isang maharlikang Esmera ngunit lingid sa kaalaman ng lahat pati na asawa niya ay nagbunga ang pagmamahal ni Fharia Isotina at Fhario Hokipiro pero ang alam ng lahat ay anak ito ng asawa niya. Walang sino man ang nakakaalam nito kundi si Fharia lamang pero nalaman ng lahat ang katotohanan ng nagising ulit si nunong Damou kaya ipapatay nila ang sanggol pag naisilang na ngunit bago pa nila nalaman na nanganak na ang Fharia ay naitakas na ng isang Dama ang anak ni Fharia kaya naabutan na lamang ng lahat ang malamig na bangkay ni Fharia Isotina namatay siya sa panganganak sa sanggol na lalaki.

Labis ang takot ng lahat dahil maisasakatuparan ang propesiya ni Nunong Damou lalo na ang Rama ng Lapisazuli kaya nagkaroon siya ng isang lihim na kasunduhan sa Rama ng Sapphirus. Ipinag-isang dibdib nila ang kanilang anak at upang magkaanak ng isang Maleficus na siyang lalaban sa anak ni Fharia Isotina.

Dahil sa hirap na panganganak ng Fharia ay namatay ito at isang babaeng sanggol ang bagong Fharia ng Sapphirus. Itinago nila ito na isang Maleficus ang bata at pinalaki nila ito na busilak ang puso at tinuruan nila ito ng dalawang Rama ng palihim doon sa batis ng katotohanan isang banal na lugar dahil nakakapaggaling ng sakit ang tubig niyon.

Isang araw habang naliligo ang Fharia si Ginbinila ang Fhariang Inaalagaan ng mga Rama habang nagpapahinga sa pag-iinsayo ay may napansin siyang sumisilip sa kanya kaya siya'y napatigil sa paglalangoy nakita niyang may isang binata na nagtatago sa isang puno.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now