77. The Cursed to forget

20 0 0
                                    

     Chan P.O.V
~°○🌘⏱☀️○°~

Naglalakad ako patungong CA's. Pagtapat ko sa main gate ng CA's biglang lumindol ng napakalakas. Nagsitumbahan lahat ng puno at pati na ang ilang bahagi ng pader. Mabilis ang pangyayari may narinig lang akong patumbang posti malapit sa akin athuli ko ng napansin na yung posti ng gate yung natutumba pabagsak sa akin. Nakatakbo ako kundi pero nahagip yung kaliwang paa ko.

Pili kong binuhat ito pero ang bigat at napaklaki nito. Sinubukan ko ng magpakawala ng malaking kiglat pero hindi ito sapat magpagayumpaman hindi ako tumigil na sirain ito gamit ang kiglat.

Ilang sandali lamang ay sunod-sunod ang malalakas na lindol, sinabayan pa ito ng pagbagsak ng barrier. May halo itong apoy at yelo, nagwiwhistle na din ang hangin. Sa lakas pa ba naman nito.

Kahit na nanghihina na ako dahil sa madaming nalabas na dugo sa sugat ng paa ko pili ko pa rin itong inaalis. Ilang minuto lamang. Isang malakas na alon ang naririnig kong mabilis na umaagos patungo sa kinaroroonan ko.

"Ah!" Nahampas ako ng umaagos na tubig pero hindi pa rin ako tuluyang natangay dahil nakadaan pa rin ang paa ko sa posti. Mabilis na napuno ng tubig ang buong paligid. Tumaas ng tumaas ang baha hanggang naabit nito ang tuktok ng building ng CA's.

Pinilipit kong hindi makainom ng tubig. Nagpumiglas akong makaalis. Kahit na humahalo na yung dugo ko sa tubig hindi ko iniintada ang sakit. Nagpalabas ako ng malakas na kiglat para sirain ang posti hindi ako tumigil.

"Hindi ko na kaya" nakainom ako ng maraming tubig yung iba pumasok na sa ilong ko ng hindi ko mapigilang himinga. Papikit na ako ng marinig ko ang boses niya. "C-Cy" mahina kong tawag.

"Chan!....Chan!...wag kang gagalaw" utos niya sa akin gamit ang isip niya. Pilit niyang kinontrol ang posti para maalis ito sa paa ko.

"Cy" hindi na ako makapagsalita dahil na rin nasa loob kami ng tubig baha. Pilit ko siyang tinawag dahil mabilis na babagsak yung isang posti sa amin.

"Oh!" Pagkaalis ng posti sa paa ko. Tinulak ko siya. Nasama ang katawan ko. Sa lakas nun nauntod ko yung ulo niya sa bato at nawalan siya ng malay. Bukod sa dugo ng galing sa paa ko may dugong unting-unting humahalo sa tubig.

"Shit! Cy!" Pero walang tinig ang lumabas sa bunganga ko kundi bula. Napailing ako. Nakita ko na nakabulsa yung susi ng lagusan sa kanya.

Hinawakan ko siya at lumangoy ako pataas. Nakainga ako ng maluwag. Medyo malaswa man ang gagawin ko pero hinalikan ko siya at hinigop ang hininga niya para mapalabas yung tubig na nainim niya. Umubo siya pero wala pa rin siyang malay.

Nalatingin ako sa paligid. Bukod sa liwanag sa kulog at kiglat nakikita ko ang siang liwanag na unti-unting tumutunaw sa buong akademya.

"Wala na kaming oras... nabubura na ang Elementia academy" pinunit ko yung damit ko at ginawa ko jtong tali. Itinali ko yung mga kamay niya sa leeg ko at lumangoy ulit ako para hanapin yung lagusan.

Para akong lumulusang sa yelo. Naniningas ang buong katawan ko sa lamig perro nagpatuloy lang ako sa paglusong. "Ayon ang lagusan"

Itinapat ko ang susi sa lagusan at binigkas ang magical word para mabuksan ito "Asnamon voyanazar!" Isang nakakasilaw na liwanag ang nagbukas...

~>○》🌺 Elementia

Pagkagising ko hindi ko alam kung nasaan kami pero agad kung kinalas ang tali sa kamay ni Cyrus.

Wala pa rin siyang malay. Medyo kaunti na lamang ang dugo na lumalabas sa ulo niya ganoon din sa paa ko. Tumayo ako at nag-umpisang maghanap ng dahon na panglunas.

CHOSEN: The Goddess' ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon