83. The War

14 2 0
                                    

        Metfy P. O. V
~💦>>°○❄○°<<💦~

Palabog na itong araw at hindi pa dumadating sila Shena. Nagsimula na ang digmaan. Nag-umpisa na silang magpaputok at magpasabog sa amin. Hindi ko na kayang protektahan ang barrier na ginawa ko. Nanghihina na ako sa pagkontrol.

"Ah!" Hinawakan ako nila mommy.

"Don't worry mom. I can still manage it"

"Hindi pwedeng manatili tayo dito. Hindi na natin mahihintay sila Cyrus!" Sigaw ng isang kasamahan namin

"Kung ganoon tayo'y maghanda na!" Utos ni Fharia Jesya

"P-Pero wala pa po sila" nag-aalangan na komento ng iba.

"Paparating na sila" mahinang sambit nito tsaka ngumisi.

Isang malaking bulang apoy ang tumupok sa pananggala ko. "Kuya" nanggigil kong sambit.

Umihip ang malakas na hangin tila may tornado na bumaba sa langit. Pagkalapag nito sa lupa. Bumungad sa amin si Xygen at si Kuya.

Sila ang nasa unahan ng mga kawal nila. Nag-uumpisa ng dumilim. Nandito kami ngayon sa ibabang bahagi ng lupain ng Lapisazuli.

"Nasaan si Emerton?!" Tanong ni Fharia Jesya. Sa mga oras na ito ay seryoso na si Fharia.

"Hah! pinapasabi ng aking ama na hindi kayo karapat-dapat na makaharap niya... kaya kami nandito upang makatuos niyo at kung makalagpas man kayo doon kayo magkakaroon ng pagkakataong makaharap siya mahal kong Ashti" angas ni kuya. Naman mag-isa ko lang Chosen dito. Di bale nandito naman si Fharia Jesya.

"Kung ganon magpakitang gilas ka Hadia. Sugod!" Sigaw ni Fharia Jesya. Nagsisitakbuhan ang lahat papunta sa kalaban. Kanya-kanya kaming katuos.

Ako ang humarap kay Xygen dahil alam ni Fharia Jesya na hindi ko kayang labanan si kuya. Iniwasan niya si Fharia Jesya at sinugod niya si Cyrus, nagulat nalang ito ng kusang naglaho ito.

"Takti!" Reklamo nito.

"Sinabing ako ang kaharapin mo Hadia" pang-iinis ni Fharia sa kanya.

"Hello, Cutie babe" biro sa akin ni Xygen. Papatulan sana siya ni Jake kaso pinigilan ko siya.

"Ako na bahala dito babe maghanap ka ng iba" saad ko sa kanya.

Xygen style. Magpapagaspas yan ng pakpak niya para magpakawala ng feathers niya. Lumuhod ako at nagpalabas ng tubig at hinulma ko ito ng matatalim na Ice spike. Itinapat ko sa kanyang mga pakpak.

"Oh fantastic!" Puri niya sa akin.

"Want more?" Tanong ko sa kanya. Itinaas ko ang aking kamay at may mga malalaking drop ng tubig ang lumabas. I formed it again to an Ice spike at nakalutang sila ngayon sa palibot ko. Umikot ako ng mabilis at mabilisang humarorot sa kanya pero hinarangan niya lang ito ng pakpak niya.

Tumayo ito at lumipad sa akin. Lahat ng nakapalibot sa amin ay tinitira niya ng kanyang matatalim na pakpak. Itatama niya sana sa akin ito pero nagmala anyong tubig ako kaya lumusot lang ito sa akin.

"Huwag sila. May kanya-kanya tayong kalaban. Ako kaharapin mo" sambit ko sa kanya. Hinawakan ko yung pakpak niya at hinagis siya palayo sa iba. Agad ko siyang sinundan at minadali ko siyang ikulong sa bilog na barrier na nilikha ko. "Maligo ka na Xygen para maging gold ulit pakpak mo haha" biro ko sa kanya at pinuno ko ng tubig yung barrier.

"Ah!" Pashnea may nangsugat pa sa likod ko.

"Avisala binibini ako naman" bati sa akin ni Denio.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now