73. Avytia met Uhdem in Balaak

20 2 0
                                    

Avytia P.O.V
~>○⚡|💨|🔥|💦|🌱○<~

Dinala ako ni Emerton sa napakataas ng bundok. Mabilis lang kaming nakarating dahil naglaho siya.

"Nasaan tayo? Akala ko ba dadalhin mo ako Balaak?!"

"Mukhang naiinip ka na yata binibini. Huwag kang mag-aalala nasa Bundok Kalangitan tayo" sambit niya.

"Bundok Kalangitan? Papaano ka nakarating kaagad dito kung hindi gumagana ang kapangyarihan nating mga elemento?" hindi na niya ako pinakingan pa. Parang may hinihintay siya sa lugar na ito.

Ilang minuto lang at may dumating. Napakaganda niya. Ang kagandahan niya ay hindi ko pa nakikita sa balat ng Earth at ng Elementia. Yumuko si Emerton sa kanya.

"Isang napakalaking pribiliheyong makaharap ka Bathaluman" so siya nga si Bathalumang Desna. Syempre siya lang naman ang Bathaluman.

"Hindi ako sanay na yukuan mo ako Vertimin" saad niya.

"V-Vertimin?"

"Tama ang narinig mo Avytia" napatingin siya sa akin. Papaano niya ako narinig eh bulong lang yun? Syempre sabi ko nga Bathaluman siya....at Vertimin...isa sa mga Bathala....wait nalilito na ako ah.

"Mabuti at dala mo siya" ika niya kay Emerton na tinatawag niyang Vertimin.

"Teka nalilito po ako bakit mo po siya tinawag na Vertimin?" Ang pagkakaalam ko ay isa yun sa mga Bathala.

"Tsst" Respond ni Bathalumang Desna. Ang suplada naman nito.

"Bathaluman kung ninanais mong itapon siya sa Balaak. Papaano mo iyon magagawa kung wala na sayo ang iyong sandata? Sandatang may kakayahang maglakabay sa iba't ibang mundo"

"Inutil! nakalimutan mo na bang taglay ko na ang kapangyarihan ni Medhu?" Sambit niya. Teka wait ulit. Taglay niya yung kapangyarihan ni Bathalang Medhu?

"Bathaluman ano po ang iyong sinasabi?" Tinignan niya lang ako at hindi siya kumibo.... naglakad-lakad siya. Ayon sigurado magkwekwento na siya. Ganito ang estilo ng mga kontra bida sa pelikola.

"Para malaman mo Avytia. Ako na ang namamahala sa Devas... at ang Bathalang sinasamba niyo ay isa na lamang mortal sapagkat nasa akin na ang kapangyarihan niya" saad niya.

"Kung mortal na po si Bathalang Medhu. Nasaan po siya?"

"Masyado ka ng maraming katanungan. Akin na siya upang maitapon ko na siya sa Balaak" kinalibutan ako kaagad sa narinig ko. Hindi na ako nakapagsalita dahil agad kaming naglaho at napunta sa ibang dimension. Napakadilim at napakainit. Mas lalong nagsitayuan ang mga balahibo ko ng makarinig ako ng mga nagsisigawan.

"Maligayang pagdating sa mundo ng balaak Avytia. Habang buhay ka na dito" sambit niya tsaka ako nilapag

"Teka! Warkang Bathaluman!" Sigaw ko naiinis yata siya sa pagtawag ko sa kanya

"Anong sabi mo?!"

"Warka!" Pang-aasar ko. Dadapuan niya sana ako ng kanyang kapangyarihan pero nagpigil siya.

"Ehm hindi na kita paparusahan dahil habang buhay ka lang naman magdudusa dito" ika niya.

"Pashnea! Bakit mo ako dinala dito?"

"Uhm whahaha... upang tuluyang hindi ka maging Bathaluman" saad niya tsaka naglaho.

Nanlumo ako nang totoong iniwa niya ako dito. Agad akong napatayo ng makita kong may nagsisitakbuhan mga halimaw. Naapakan ng malaking halimaw ang bote na kulungan ko at agad akong tumalsika papalayo sa kanila. Dumapo ako sa malaking bato na may isang lalaking nakaupo dito at tila nagtatago mula sa mga halimaw.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now