78. Reunited

26 1 0
                                    

🌱Shena P.O.V🌺
○°~🍃🌹🍃~°○

Sumunod kami kay Fharia Jesya. Naiwan sa labas ang nga magulang at mga kaklase namin. Natutuwa sila dahil nakabalik na kami sa Elementia.

Bakas sa mukha ng bawat sa kanila ang kaligayahan maliban sa akin.

"Shena..." mahinang tawag sa akin ni Fharia Jesya "tila may bumabagabag sayo" medyo natagalan ako bago makapagsalita.

"Ah I suddenly remember my parents" hinimas ni Metfy ang likuran ko at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Ilang saglit lang ay ngumiti si Fharia Jesya.

"Don't you worry. Matagal ko na siyang pinapahanap.... lingid sa kaalaman mo pinapahanap ko sila ngayon kay Tanyo, Aris at Mike"  I was stop looking at her at hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwa. Dahil hindi lang ako ang nag-iisang naghahanap sa mga magulang ko.

"Sa ngayon habang hinihintay natin sila Tanyo. Kailangan na natin magkaroon ng masusing pagpaplano kung papaano lulusubin ang kaharian ninyo pero kinakailangan natin ng malakas ng pwersa. Cyrus nais kong gamitin mo ang iyong telepathy. Hanapin mo at kausapin mo si Xygen, si Avytia at ang iba pang nawawalang estudyante" tumango naman si Cyrus bilang pagtugon sa utos ni Fharia Jesya.

"Nakasisigurado akong nakarating na ang balitang nakabalik na tayo dito sa Elementia kaya napaghandan ko na ito. Nagtalaga ako ng bantay sa bawat sulok ng kuta para anumang oras ay senyales tayo. Pangalawa, gusto kong marinig ang mga suggestion o plano niyo. Anyone who has?" Tanong ni Fharia.

"Fharia Jesya" nagtaas ng kamay si Cyrus.

"Ano yun Cyrus?"

"Nahanap ko na po kung saan nila tinatago si Xygen at ang iba pa pero..."

"Pero? What?" Tanong ni Metfy.

"Hindi ko mahanap si Avytia. Ang sabi ni Xygen ay hindi nila kasama si Avytia"

"Tsaka na natin hanapin ang aking apwe. Ang importante ngayon ang pagligtas kila Xygen upang masalakay na natin ang kaharian ng Smaragdus"

"Kung maaari mamaya na natin ililigtas sila Xygen Fharia."

"Gawin mo ang gusto mo Cyrus at sabihin mo lang kung ano ang kakailanganin mo para sa pagligtas sa kanila"

"Shena gusto ko sanang samahan mo ako"  ika niya sa akin. Nagulat naman ako at bakit ako lang pwede naman isama namin si Metfy.

"Eh ako? Hehe?"

"Ikaw Metfy pwedeng maiwan ka muna dito?"

"Bakit naman?" Nagpout siya. Tsst. Di yan eepekto sa mokong na 'to.

"I knew and Fharia Jesya too na kaya mong protektahan sila. Alam naman natin na bukod sa mga kalabang Esmera may mga Alefire din ang nakapaligid sa lugar na ito. Ang your powers can defeat them" saad nito kay Metfy. Nanlaki naman ang mata ni Metfy hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Cyrus.

"Tama si Cyrus Metfy kailangan kita dito at kailangan ni Cyrus ng makakasama sa pagligtas kila Xygen." Ika ni Fharia Jesya.

Natigilan kami sa pag-uusap nang may naghihiyawan at nagpapalakpakan sa labas. Agad naman kaming lumabas.

Nauna sila Fharia Jesya at sumunod ako. Nakita kong yumuko silang lahat. Nakapagtataka lang na pati ang isang Fharia ay napaluhod kung sinuman yung dumating. Pagtaas ko ng kurtina natuod ako sa elementong naglalakad patungo sa amin.

CHOSEN: The Goddess' ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon