65. Big Announcement

17 5 0
                                    

~°○🍃》Medyo short lang ang chapter na ito hehe. I love to hear your reaction guys hehe kahit kunting comment at vote naman diyan oh hehe thanks《🍃○°~

Metfy P. O. V
~💦>>°○❄○°<<💦~

7 o'clock palang may nareceive na kaming Message mula kay Headmistress tungkol ito sa announcement na magaganap mamayang 8 o'clock. Mabuti at nagising na rin si Shena kaninang madaling araw kaya agad naman siyang pumunta dito sa dorm pag sapit ng alasais kanina.

Mabilis kaming nagprepare sa morning routine naming tattlo. Kinakailangan talaga na exact 8:00 nasa loob na kami ng Arena kung hindi may nag-aabang na punishment ang management ng EA huhu. Ang hirap kayang maglinis ng kubeta o kahit anong ipapalinis nila. Masisira lang ang beauty ko kaya naman gumising na ako ng maaga para mag bihis hehe.

...

Nauuna na kami dito sa Arena. Medyo madami na ding student ang nandito. Umupo na kami dito sa kanang taas. Tumabi naman sila Ron at Ace sa akin. Takot sila kay Shena eh tsaka dumating na din sila Chan at umupo sila sa likuran namin. Buti nalang at hindi per college ang arrangement.

Limang minuto nalang at mag-uumpisa na ang anunsyo. Nandito na din lahat mg faculty nakaupo sila sa harapan ng stage. Madami din sila hindi kinukulang 120 faculties.

Hindi pa rin maalis ang mga bulong-bulungan ng mga kapwa naming mag-aaral. Kaya ang lakas tuloy ng ingay dito sa loob tumahimik nalang ang lahat ng nasa harapan na si Fharia Jesya.

"Avisala mga guro. Avisala mga minamahal kong mag-aaral. Marahil nagtataka kayo sa biglaang anunsyong ito... isinagawa ko ito upang ipaalam sa inyo lahat ng nangyayari sa ating paaralan. Uunahin ko muna ang mga kaaway na nakapasok dito sa Elementia Academy. Una ang aking kapatid na si Cehily. Nagpanggap siya bilang ako ng matagal na panahon at pangalawa ay naging kasabwat niya ang aking hadia na si Saver...." parang natabunan ako ng kahihiyan dito sa kinauupuan ko dahil nagulat sila sa sinabi ni Fharia tungkol sa pinsan ko "Oo tama ang narinig niyo. Si Saver ay aking Hadia na kamakailan ko lang natuklasan. Isa siya sa naging espiya sa paaralang ito ngunit patawarin niyo siya..." muli ako napatingin sa narinig ko totoo ba ang narinig ko?

"Likas na mabait at mapagkumbaba si Fharia Jesya" trivia sa akin ni Ron.

"Alam ko na may kadahilanan ang aking hadia kung bakit niya nagawa iyon. Nakatitiyak ako na mabuti ang kanyang puso dahil isa siya sa pinili ng ating mga Bathala. Marahil nagtataka din kayo kung bakit naibalik na ang mga kanpangyarihan ng mga elementong na nakawan ni Mystery killer? Nang mga nakalipas na araw lumapit sa akin si Tresha ang totoong Tresha.... Oo tama ang narinig niyo ang totoong Tresha dahil matagal na panahong inagaw sa kanya ang kanyang katawan ng namayapa niyang kakambal at nung araw na nakabalik siya ay agad niya itong isinumbong sa akin at ibinalik ang batong Hilat sa akin. Si Patricia ang kambal nito ay isa sa mga naging kasabwat ng aking Apwe sa pag-espiya dito. Ginamit nila si Patricia para magpanggap bilang reinkarnasyon ni Fharia Oxmenthy" mas lalong lumakas ang mga bulong-bulungan dito. Kaya naman tumayo si Ace.

"San ka pupunta Ace?" Tanong ni Ron

"Hahanapin si Tresha" sagot niya. Nag-aaalala siguro siya kay Tresha baka binabash na siya ng mga iba.

"Kung itatanong niyo kung sino talaga ang tunay na reinkarnasyon ng aking kapatid ay paumanhin dahil ayaw niya sa ngayon ipaalam kung sino siya ganoon na rin ang Chosen ng Earth..." nakakabingi na talaga ang mga nasa palibot namin. Itinaas ni Fharia ang kanyang kamay. "Ganun pa man magalak kayo dahil natagpuan na natin ang dalawang hinihintay natin." Lahat nagpalakpakan. Napatingin ako sa dalawang bessy ko si Avytia napangiti pero si Shena ayon naka serious mode.

"Natagpuan na lahat ng Chosen pati na ang aking apwe. Kahit na hindi natin kapanalig si Saver ngayon nakakasigurado ako lahat ng pinili ay susunod ayon sa pagkatawag sa kanila. Ngayon akin naman ibabalita ang nangyaring lindol kahapon." Ngayon tahimik naman ang lahat. Bakas sa mukha nilang lahat na gustong malaman ang puno't dulo ng nangyaring iyon.

"Hindi naman na siguro lingid sa inyong kaalaman ang kalagayan ng protective barrier tama ba?... Ayoko mang sabihin pero dapat niyong malaman ito. Tatagal na lamang ang barrier ng isang buwan at masisira na ito... malungkot mang sabihin ay kasama nitong magugunaw ang buong akademya" lahat nagulat sa sinabi niya halos hindi sila makapaniwala sa mangyayari.

"Ang protective barrier ay hindi lang nilikha para pangproteka mula sa mga Vedalje (kalaban/kaaway) kung hindi nilikha din ito para pangunahing pundasyon ng lugar na ito. Kung wala ang barrier hindi na muling sisikatan ng araw ang lugar na ito. Hindi na rin magkakaroon ng enerhiya, tubig, hangin at mawawala na din ang lupa sa maikling salita ay katapusan na ng paaralang ito.... kung nag-aalala kayo kung may makakapasok na namang kalaban dito kung bumibigay na ang barrier...huwag kayong mag-aalala dahil nakagawa si Tanyo ng barrier na makakapagpawala ng kapangyarihan nila. Avisala eshma sa tulong ng mga chosen at ng mga student president sa pagkuha ng kinakailangang sangkap..... Dahil nalalabi na ang oras natin ay napagplanuhan ko na madaliin na ang pag-eensayo niyong lahat para sa nalalapit nating pagbabalik sa ating mundo. Kung sinuman ang hindi sang-ayon maaari na kayong umuwi sa mundo mg mga tao at kung sino naman ang matitira ay Avisala eshma. Simula kahapon ay nagpadala na ako ng sulat sa inyong mga magulang at lahat ng ating kaanib na naninirahan sa mundo ng mga tao tungkol sa aking plano. Titipunin sila ng iba nating mga guro para muli silang mag-ensayo sa pakikipaglaban. Darating sila pagkatapos ng dalawang linggo sa oras ng ating akademya." Para akong naexcite sa plano ni Fharia makakasama ko na rin sila Mama at papa yahoo.

"Inuulit ko nakahanda na ang school bus sa mga uuwi na. Maari na kayong lumabas" ika ni Fharia Jesya. Tatlong minuto na wala pa ring lumalabas. Nagulat nalang ako ng biglang tumayo si Cyrus na nakaupo kaliwang side ng arena. Nakatutuk kasi yung camera sa kanya kaya nakaproject yung mukha niya sa bigscreen.

"Lalaban ako para sa kapayapaan!" Sigaw niya. Sunod din tumayo si Xygen

"Lalaban din ako para sa kapayapaan!" tumayo din si Avytia

"Ako din!"

"Kami din!" Sigaw din nila Hans kaya lahat kami nagsitayuan at sinisigaw ang paglaban sa kapayapaan.

Wow ito ba ang sinasabing unity?

"Muste maste Elementia! (Kapayapaan sa Elementia)" sigaw ni Fharia Jesya. Lahat kami nagpalakpakan.... muling itinaas ni Fharia Jesya ang kanyang kanang kamay.

"Natutuwa ako sa inyong desisyon kaya naman ibibigay ko ang araw na ito para sulitin ang kapahingan dahil simula bukas ng madaling araw magsisimula na ang pag-eensayo" ika niya "kaya tinatapos ko na ang anunsyong ito. Lumabas na kayo at mag PARTY!" utos niya sabay sign na alis sa amin haha may pagkacorny si Fharia sa ginawa niyang yun ah haha.

Itutuloy...

~°🍃○《Abangan》○🍃°~

"Mga bata ang inihanda ko ngayong warm-up ay tatakbo kayo ng limang bisis sa palibot ng oval. Pagpindot ko ng Red button na ito ang gravity ay mahahati. 35 pursento ay mapupunta sa lupa at ang natitirang pursento naman ay sa taas. Kung sinuman ang mahigop ng gravity sa taas. Haha syempre makukuryente..."

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now