81. The Beginning of War

20 1 0
                                    

        Metfy P. O. V
~💦>>°○❄○°<<💦~

Tahimik kaming namamahinga. Hindi pa rin gumigising si Cyrus. Sabi ng manggagamot na Esmera ay nagrerecover pa daw yung katawan niya sa bagong taglay niyang kapangyarihan.

"Nilalamig ka" sabay balot sa akin ng kumot ni Jake. Nginitian ko lang siya at humigop ulit ng tsaa. Ilang saglit lang ay mas lalong lumamig ang paligid. Rinig sa kaitaasan ang whistle ng hangin.

"Lets go inside" yaya ko kay Jake. Inaantok na din ako tsaka nagpapalala pa ng antok ko yung huni ng mga insekto sa paligid.

"Metfy!" Tawag sa akin ni Jake kasabay nun ang malalakas na tunog ng trumpeta at ng gong.

"Sunog" Nasusunog ang mga halamang bakod na gawa ni Shena. Agad na nagsilabasan ang mga kasamahan namin.

"Hindi maganda ito" bulong ni Mang Tanyo. Pagkalabas ni Fharia Jesya sa kanyang silid ay agad siyang nagpalabas ng tubig para patayin ito. Mahinahon lang siya sa paghagis ng tubig. Natataranta naman na tumulong ang mga Saperya  sa kanila. Tinabig ako ni Shena na inuutusan niya akong tumulong.

"Hehe sorry" saad ko sa kanya. Unti-unting natupok yung apoy at bumungad sa amin sa di kalayuan yung dalawang kalalakihan. Hindi namin sila mamukhan dahil sa kapal pa rin ng usok.

"Saver!" Gigil na sambit ni Shena. Tama si kuya nga iyon. Nagliliyab siya sa kulay asul na apoy. Siya lang naman ang Alefire na maykakayahan ng iba't ibang klase ng apoy.

Pinagaspas nung katabi niya yung pakpak niya at mabilisang nawala yung usok na pumapalibot sa kanila.

"X-Xygen!" Gulat na reaksyon ng karamihan. T-Tama ba yung nakikita ko?

"X-Xygen?" Tangin nasambit ko. Sila nga iyon pero ang pinagtataka ko ay kung bakit napakaitim ng pakpak niya.

"Napalitan ng itim na mahika ang ugakpak niya" saad ni Mang Tanyo.

"Mga rebelding mamamayan ng Elementia. Sumuko na kayo habang maaga pa!" Sigaw ni kuya. Kakaiba yung awra nilang dalawa.

"Bibigyan namin kayo hanggang sa paglubog ng araw bukas para mag-isip at kung napili niyo pa rin na kalabanan kami." Sambit ni Xygen.

"Isang malaking digmaan ang muling magaganap sa buong Elementia" dagdag ni kuya. Pagkasabi niyang yun ay unti-unting nagkakaroon ng saglitang liwanag sa buong kaligid. Dahil sa bahagyang pagkulog ng kalangitan. Mas lalo pa itong lumiwanag ng may lumabas na malalaking kiglat sa paligid. May pagkakataon pa na tinatamaan sila kuya pero hindi sila tinatablan.

"Mag handa kayo" mahinaong utos ni Fharia Jesya sa amin.

"Mukhang kasama nila si Emerton" singit ng Hari ng Smaragdus. Kaya naghanda kami kung sakaling mapapalaban kami.

Ilang saglit lang isang malakas na kiglat ang tumama kila kuya. Agad naman silang tumalon para makaiwas.

"Ikararangal naming lumaban para sa kalayan ng mundong ito" May tapang at dignidad ang narinig namin pagkawala ng ilaw ay tumayo si Cyrus.

Nabuhayan kami sa kanyang sinabi. Agaran naman siyang sinugod ni Xygen pero tumalsik lang ito. Pinagaspas niya yung pakpak niya at nagtataliman na feather ang paparating kay Cyrus. Ngumisi lang si Cyrus at nag pause yung mga pakpak sa kanya. Halos makapigil hininga yung nasaksihan namin. Unti-unting humarap yung mga pakpak kay Xygen at mabilisan itong patungo sa kanya. Mabuti nalang at natigilan ito ni kuya dahil naging abo lahat ng pakpak.

"Ngayon tayo magtapatan Xygen....Ngayong kasing lakas na kita" matapang na sambit ni Cyrus. Bakas kay kuya ang pagkagulat.

Nababalutan ngayon ng kiglat si Cyrus.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now