PROLOGUE

724 23 1
                                    

Third Person's POV
    ~*''~¤>👤<¤~''*~

"Bumabagsak na ang hilaga't kanluran ng Adamas...."

"Kalas na kailangan pa natin itakas ang mga ibang kasapi..."

"Si Fharia Oxmenthy kailangan ng tulong!"

"Hindi natin kaya ang mga Maleficus!"

"Sundin nalang natin ang utos ni Fharia Jesya"

Mga sigawan ng mga Diamas sa labas ng kaharian ng Adamas habang nagkakagulo ang buong palasyo dahil nilulusob na ito ng mga Ecapala. Walang magawa ang mga kawal o mga Diamas sa kapangyarihan ng Maleficus.

"Ngayon Oxmenthy sabihin mo ikaw ba...ikaw ba ang tinakdang tatapos sa Maleficus NA GAYA MO!" diniinan talaga niya sa pagsabi ng Maleficus

"Sabihin mo" habang hawakhawak ang buhok nito at iniharap sa masalimot na tanawin ng buong Elementia "..ano akala mo matatalo mo kami basta basta mahina ka oxmenthy MAHINA KA... nakikita mo lahat yan... yang pinakamamahal mong mamamayan ng Elementia.." hawak hawak niya parin ang buhok nito habang nakaluhod sila sa beranda ng palasyo at nakadungaw sa ibaba ng elementia.

Sa bandang punong bulwagan nagising ang isang elemento na matagal ng nakahimbing si Nunong Damou ang mensahero ng elementia tungkol sa hinaharap na dilubyo.. siya'y nagigising kung may dilubyong darating at nagigising kung may dilubyo.

"Oh mahabaging Bathalang Medhu dinggin ang hinagpis ng Elementia sa kamay ng mga Ecapala at ng mga Maleficus tulungan mo si Fharia Oxmenthy na siyang magliligtas sa hinaharap ng elementia sa mga kamay nila..." naghihinagpis na dalangin nito. Sa di kalayuan lumalapit si Fhario Emerton na hinihila si Fharia oxmenthy sa buhok

"Bitiwan mo si Fharia oxmenty" maotoridad na utos ni nunong Damou kay Fhario Emerton

"Ito ba ang sinasabi mong magiging bathala mula sa Maleficus... ang kaawaawang duguang Fharia hahaha" tumawa ito ng malademonyo.

"Kapag natutunan..." bago pa matapos ang sinasabi ni nuno itinuloy na ito ni Emerton

"Na ano na magamit ang kapangyarihan niya ng lubusan upang maging bathaluman siya!.. na sayang di mangyayari dahil mamatay na siya gaya ng bathalang sinasamba niyo sa Devas!"

"Anong ginawa nila bathalang Vertimin at Desna sa kanya?"

"Ayon nakatakdang mamatay kasabay nitong babae na to!" nagawang nilang matalo ang pinakatanyag na kaharian dahil na din sa tulong ng dalawang taksil na bathala sa Devas.

"Mga pashnea bitiwan mo si oxmenthy!"

"At bakit ko naman susundin ang kasing laki lang ng palad ko ha!" habang nakatutok ang espadang kuryente sa leeg ni oxmenthy "tama na ang satsatan paalam kapatid kong Maleficus.."

"Itigil mo yan" sigaw ni Nunong Damou

"Ah" hiyaw ni oxmenthy sa sakit dahil sinaksak siya nito sa puso.... nagulat nalang lahat ng lumiwanag ang Elementia na nababalutan ng kadiliman.

Agad na nagtungo sa bulwagan ang iba pang Maleficus habang gulat sila sa pangyayari.

"Anong liwanag to Emerton?" Gulat na tanong ni Fhario Mesno.

"Damou anong kababalaghan ito? Bakit buhay parin ang warkang ito? .... ikaw diba pinatigil ko na ang tibok ng iyong puso bakit buhay ka pa? Damou sagutin mo ang katanungan ko bakit buhay pa to?"

"Aba iwan ko di ba matalino ka?" Pabirong sambit ni nuno habang nakangisi ito.

"Hindi ako nagbibiro" nagliwanag ang buong kalangitan sa pamamagitan ng kiglat dala ng galit ni Emerton "Sabihin mo kong ano ito o puwersahan kitang pasasagutin!" Ginawa nga ni Emerton ang sinabi niya ginamitan niya ng isip si nuno upang magsalita to ng sapilitan.

"Kinokontrol ko ang iyong isipan na magsalitan tungkol dito"

"Pashnea ka Emerton"

"Hahaha" dinig na tawa ni Mesno at ng iba pang Maleficus wala na ngang magawa si nuno at napasailalim na siya ng isipan ni Emerton

"Iyon ang una niyang puso na nagtataglay ng kapangyarihan nang limang elemento ang Kiglat, Hangin, Apoy, Tubig, at Lupa iyon ang nadurog ng iyong pananaksak sa kanya..." natigil sa papanalita si nuno ng tumayo at sinaksak ni oxmenthy si Emerton sa likod

"Tumakas ka na Nuno iligtas mo na ang iyong sarili...."

"Tumahimik ka oxmenthy" Tinamaan siya ng pana mula kay Mesno kaya napahiga siya.

"Ah pashnea ka oxmenthy di bale di ka na magtatagal ngayon Nuno ipagpatuloy mo ang pananalaysay hahaha"

"At ang isang puso niya ay..."

"Wala akong pakialam kong ano man taglay nito sabihin mo kung pano mamamatay ang warkang ito!"

"Mamamatay siya sa pamamagitan ng pag-ibig sapagkat...."

"Tama na isa lang tinatanong ko wag ka ng magsatsat diyan" tinignan lang niya ito ng matalim.. ginamitan siya ng enkantasyon para makatulog ulit.

"Cehily dalhin mo si Larem dito"

"Masusunod kapatid" agad umalis si Cehily na nakangisi pakaraan ng ilang minuto dumating na.... mag-isa ni Larem at wala na si Fharia Cehily

"Avisala Larem" bati ni Emerton sa kanya nanlaki naman ang mga tingin ni Oxmenthy sa nakita niya.

"Larem anong ibig sabihin nito?" Napatingin si Larem sa kanya at napatawa ito ng malakas na naririnig sa buong silid.

"hanggang ngayon mangmang ka parin Oxmenthy... Pinaikot lang kita at nalinlang ka nga sa panlilinlang ko sayo... Ngayon nakahandusay ka diyan kaya di ko na sasayangin ito" kinuha niya yung espada ni Emerton tsaka

"PASHNEA KA LAREM..!" Dahilan sa pagkasaksak sa kanyang pangalawang puso kaya di na natuloy ang nais niyang sinabi "Tandaan niyo ito Ako'y magbabalik at Ililigtas ang elementia sa mga kamay niyong mga Maleficus.." nagliwag ang buong elementia tsaka nabalot ng kadiliman.... Dulot ito ng pag-itim ng pangalawang puso niya o ang hiram na puso ng Inang puno ng Elementia.

'Iba talaga kapag pagmamahal kaya niyang duruin kahit na ang pinakamatibay na puso'

Unknown  POV    
~🍃¤>👤<¤🍃~

Nasalo ko ang Puso ng Inang Puno ngunit bakit nangitim ito.. di bale na kailangan ko ng sundin ang utos ng aking kapatid bago mamatay lahat ng nilalang sa elementia... "kailangan ko ng ibalik ang pusong ito sa tunay na nagmamay-ari ang Inang Puno ng elementia bago pa mahuli ang lahat.."

~°📖○《Word for this page》○📖°~

This is it! As inspired to ENCANTADIA, I have adapted some of its Words and here's below:

Pashnea: Hayop
Warka: Bruha
Ecapala: Kaaway
Avisala: Hello
Devas: Langit

--

Invented words are:

Maleficus: In English Maleficence. A person who tends to commit/manifest an evil manners.
Fharia- Princess
Fhario- Prince

~°🍃《Elementals Classification》🍃°~

From the Kingdom of Adamas: Diamas
From the Kingdom of Lapisazuli: Lazuli
From the Kingdom of Sapphirus: Saperyan
From the Kingdom of Alexanite: Alefire
From the Kingdom of Smaragdus: Esmera (Esmeralde from French language)

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now