61. 2nd Outside Mission

24 5 0
                                    

~°○🌺》Sorry guys kung masyadong mahaba itong Chapter na ito. Mas maganda kasi na iisang Chapter nalang itong mga point of view ng tatlong team para hindi paputol-putol《🌺○°~

Metfy P. O. V
~💦>>°○❄○°<<💦~

Ayon na nga tuloy ang plano. Papunta ako ngayon sa unit ng mga Student president para ipaalam kila Ace at Ron na may outside mission kami. Sinabihan ko na si Xygen at Cyrus na ako na magsasabi para kung sakaling umayaw sila na makasama ako ay makakatikim sila haha.

'Boys you have visitor' rinig kong salita ng door nila.

"Oh Metfy buti dumating ka na kakauwi lang ni Ron at Ace. Halika pasok ka" yaya ni Xygen "Ron..Ace may chicks na bisita niyo!" Sigaw ni Xygen binatukan ko naman siya.

"Ouch.. ganun dapat ang pagtawag para mabilis silang pumunta dito" ika niya

"San Xygen?" Sumbat agad ni Ron habang hila-hila niya si Ace na inaantok na.

"Avisala!" Bati ko sa kanya

"Chick ba yan di naman sexy" walang tono na sambit ni Ace kainis siya napahawak tuloy ako sa tiyan ko. Wala pa naman layer ha. Tinignan ko siya ng masama at akmang tatakpan ko ng yelo yung bunganga niya. "Wag mo ng ituloy dahil kaya yung lusawin yan haha" kainis makakahiganti din ako arrgh!

"Hello Metfy! Anong kailangan mo" maligayang bati ni Ron. Ngayon ko lang kasi sila nakita ulit mula nung naibalik yung powers nila.

"We have another outside mission and the two of you is my partner" pagpapaliwanag ko.

"What? Kami? Tayo?" Naguguluhang tanong ni Ron

"Oo, hindi lang tayo may mission din ang ibang mga chosen" dagdag ko at pinaliwanag ko na lahat sa kanila.

...

"Tapos na kayo?" Tanong ni Xygen na nakatingin ngayon sa Smarthwatch niya. Inabot pala ng dalawang oras yung pagkwento ko may halong kwentong buhay ko na rin kasi yung isinalaysay ko kaya bagot ma bagot si Ace. Namiss ko tuloy yung pagka abno niya yung suplado tapos mamayang bilang baliw haha.

"Oo" sagot ko sa kanya tapos tumingin ulit siya sa smartwatch niya. "Okay fine curfew na" sambit ko sa kanya na kinangiti naman niya "pero wala namang mawawala kung magstay muna ako dito kahit 30 minutes pa diba?" nagkibit balikat lang si Ace tsaka tumayo pabalik sa kwarto niya.

"Hindi na pwede Metfy 10pm na oh..." nginitian niya ako ng nakakapikon

"Ano ka ba Xygen ngayon lang kami nagkita ni Metfy" ika ni Ron na nag thumbs up ako sa kanya

"Okay... wala naman akong magagawa at wala din kayong magagawa...." hindi na natapos magsalita si Xygen dahil unti-unti akong naglaho at nakikita ko na nagwawave siya. Kainis ayaw ko pang umuwi eh tsaka ngayon lang ako nakapasok sa unit nila kaso kapag curfew na kasi kusa kaming maglalaho at babalik sa kanikaniyang unit.

...

Nauna na kamin ni Shena dito sa EA's lake sabi kasi ni Avytia na magmemeet pa sila ni Cyrus para ihanda daw yung mga gagamitin nila kaya yun nagpaiwan muna sa sa dorm. Nandito na din si Fharia Jesya at Mang Tanyo. For a thousand hours waiting dumating na din sila Xygen at...

"Why are you guys wearing beach outfit?" Tanong ko kay Ace at Ron na nag momodeling pa sa harapan namin.

"Diba sa Batis ng katotohanan tayo?" Tanong ni Ron na nakataas ang kaliwang kilay. Okay gets.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now