72. You Can't Delude Me

17 1 0
                                    

     Tresha P.O.V
~🍃°○>👭<○°🍃~

"T-Teka Tresta saan mo ako dadalhin?"

"Ma pa ito po si Avytia kaibigan ko po"

"Oh hija nice to meet you!" Bati ni Mama.

"Ah hehe nice meeting niyo po t-tita"

"Avisala hija ako nga pala si tito Johny"

"Avisala din po tito"

"Avisala sa kabutihang ginawa mo sa aming anak at dahil diyan pwede mo akong tawaging papa"

"Po?"

"At ako naman mama... haha naalala ko tuloy papa si Patricia" ika ni mama kay papa. Natutuwa ako sa reaksyon ni Avytia para siyang nahihiya na kinakabahan haha "iha mama na din tawag mo sa akin"

"Ah hahe sige po timama"

"Oh ang sarap sa pakiramdam" niyakap siya ni mama at nakakatuwang pagmasdan para talaga silang mag-ina. Hinimas ni papa yung buhok ni Avytia.

"Alam mo anak ang gaan ng loob ko sayo" sambit ni papa na mas lalong ikinalaki ng mata ni Avytia.

"Oh talaga pa parehas pala tayo" ika ni mama

"Maaari ba anak na dito ka na manggabihan? Magloto kasi ako ng paboritong ulam ni Tresha gusto ko lang na ipatikim din ito sa iyo....maaari ba?"

"Po? Ah sige po m-mama"

"Aba sige maupo muna kayo sa sala at magloloto muna kami"

"Sige po papa manonood muna kami sa tv" ika ko.

"Oh tsaka nga pala anak. Maligo ka muna" utos ni mama

"Huh? Malinis pa naman po ako"

"Darating kasi mamaya sila kumare galing sa EA's mall ayoko namang makita ka nilang madungis"

"Kumaree?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya

"Oo si kumaring Bel. Maligo ka na baka dumating na sila naku nakakahiya kay Ace kapag nakita ka niyang ganyan"

"Ma!" Ano ba yan ako pa napahamak.

"Haha maligo ka nalang baka hilain ka ulit ni mama sa cr" natigilan ako sa sinabi ni Avytia "ah haha ang ibig kong sabihin baka ganun ang gawin niya mukha kasing botong-boto siya kay Ace haha" inirapan ko siya at naglakad na papuntang cr habang nagdadabog maglakad.

"Go bessy kaya mo yan aayusan kita pagkatapos" saad niya.

...

"Oh hello darling!" Bungad ni tita Bel sabay beso-beso sa akin.

"H-Hi Tresha"

"H-Hello Ace" inirapan ko ulit si Avytia. Akalain mo nga naman tinulak ako kay Ace pero good job best. Napayakap ako kay Ace. Ah ang bango niya.

"Oh what a lovely couple" biro ni tita Bel kaya agad akong napatayo.

"Oh hello Bel.." bati ni Mama

"Guys dinner is ready!" Sambit ni papa kaya agad kaming nagtungo sa dinning room.

"Ang ganda mo" bulong ni Ace sa akin tsaka ako inunahan sa paglalakad.

"Seems someone's cheek is blushing" biro sa akin ni Avytia. Umupo na ako sa tabi ni mama....oops okay fine inunahan ako ni Avytia at halatang ang available seat lang ay sa tabi ni Ace.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now