43. The Come back

34 6 0
                                    

     Metfy P. O. V
~💦>>°○❄○°<<💦~

Well ang boring ngayon wala akong classes kaya nag decide nalang ako pumunta ng library namin pero nakapagtataka walang sinumang nandito pati yung librarian.

Kahit papano bookworm naman ako hehe di lang halata. Magreresearch ako about sa weapon ko. Alam ko may itinatago pa itong kakayahan.

Ang dami ko ng nabasang libro pero hindi ko parin nahahanap yung libro para sa weapon ko. Napatingin nalang ako sa taas "Ano yun?" Agad kong inabot yung librong yun. "Theory of The Goddess Pet" title ng libro ang cute ng pet na to para siyang malaking Persian cat. Kasing laki ng isang lobo at ang laki ng mata niya, ang kulay nito ay nag-iiba base sa kapangyarihan elementong gamit niya. Sobrang napakaamo ng mukha niya ah. Agad kong binuksan at nakasaad dito na tanging nagmamay-ari nito ay ang nakatakdang Bathaluman. Ibig sabihin si Fharia Oxmenthy at nakasaad dito na maipapanganak siya sa pamamagitan ng limang elemento. Kapag lubos ng ganap na ang mga kapangyarihan ng mga napiling elemento. Ibig sabihin kami. Mabubuo lang siya kapag nagsama-sama kami sa iisang lugar. Natatagi ang Pashneang ito dahil may taglay itong lakas, bilis, liksi, at kaya niyang lumipad, lumangoy at maglakad sa apoy at ang pinakamatindi kaya niyang mag invisible. Tanging ang may katangi-tanging kapangyarihan lang ang makakakita nito o ang nais niyang pagpakitaan. Wow ang galing naman totoo ba to? Theory palang kasi pero bakit nakakaintiresado. Bumalik ako sa 1st page sino kaya ang nagsulat ng librong ito?

"Florian!" Kung si Florian nga ang nagsulat nito ibig sabihin totoo ito dahil may kakayahan siyang makita ang hinaharap. Mabilis na bumalik ang ulirat ko nung may narinig akong nagbukas na pintuan. Teka wala namang pintuan doon sa sulok ng library tsaka puro kabinet ng libro yung naroroon. Agad akong nagtungo doon.

"Fharia Jesya?" Teka may naalala ako nakita ko na siya dito noon pero hindi ako sigurado noon. Agad akong nagtago dahil nagmamatiyag siya da bawat sulok. Nakapagtataka ngayon ang mga kinukilos niya para siyang may tinatago.

Agad siyang pumasok doon sa pintuan. Ngayon ko lang alam na may secret door dito. Hinintay ko munang lumipas ng sampung segundo para pumasok doon.

May underground pala dito nagdahan-dahan lang ako sa paghakbang. Bakit ibang elemento na ang nakikita ko? Eh kanina si Fharia Jesya lang pumasok dito pero same sila ng suot.

"Naku baka may ginawa siyang masama kay Fharia Jesya!" Nagtago lang ako at pinagmasdan ang mga hakbang niya. Tumatawa siya pero wala naman siyang kausap at kahit boses ni Fharia Jesya ay hindi ko marinig.

"Booghs!" No! May natabing ako at nakapalakas pa ng impak. Nabalik yung tingin niya sa kinaroroonan ko pero imbis na magtungo dito ay naglahi siya. Hinihintay ko munang magtatlong minuto bago lumabas. Wala na nga siya pero bakit hindi ko makita si Fharia Jesya. Nagtungo ako sa kinakatayuan nung babae kanina. Parang Familiar siya sa akin pero hindi ko maalala... pagkaharap ko sa direksyong tinatawanan niya kanina.

"Fharia Jesya!" Pagkasabing-pagkasabi ko agad na may elementong nasa likuran ko yung isang kamay niyang may kutsilyo na naka giit sa leeg ko.

"Pakialamira!" Sigaw niya. Ano to? Anong nangyayari? Si Fharia Jesya nakakulong sa diamond box. Mahimbing na mahimbing ang tulog niya.

"Anong ginawa mo kay Fharia Jesya?" Agad akong kumawala sa kanya hinawakan ko yung kamay niya para buhatin at ibagsak siya. Tinapatan niya ako ng Apoy pero agad ko itong tinapatan ng kapangyarihan ko. Halos pantay lang kami ng lakas. Tinudo ko na ng bungga pero bakit malakas siya. Isa ba siyang Maleficus? Hindi ko namamalayan na may gumagapang ng ugat sa mga paa ko at mabilis nitong inakyat ang buo kong katawan at ginapos.

"Cehily?!"

"Haha Tama ka haha dahil nakita mo na rin lang sasabihin ko na siya ang totoo" Lumiwanag siya at nang nawala na yung liwanag bumungad sa akin si Fharia Jesya.

CHOSEN: The Goddess' ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon