51. Avytia 2.0

43 7 0
                                    

Metfy P. O. V
~💦>>°○❄○°<<💦~

Nandito kami ngayon sa parlor ng EA's mall.

"So ito na yung sinasabi mo Metfy?" -Shena

"Yes... Avytia kailangan meron kang bagong looks. Yung looks na already move on as well as palaban" with hang gesture pa yung pag-explain ko.

"Anong looks naman yun ha?" Ito talaga si Shena di makapaghintay. Hinila ko nalang si Avytia at pinaupo. Pagkalapit ng barbera binulungan ko siya.

"Sure ka madam baka maglit si Ms. Beautiful"

"Hindi yan tignan mo kausapin ko... Avytia okay lang ba na gawin natin itong new looks na sinasabi ko?" Tumango lang siya. Kinuha ko yung gunting sabi niya okay eh.

"Uy anong gagawin mo si ate na bahala diya..." hindi na na tuloy si Shena sa sinasabi niya. Dahil ginupitan ko yung ibang parte ng buhok ni Avytia ng sobrang ikli. "Gosh!" Ang harsh nung ginawa ko haha di bali friend naman kami ni Avytia. Ngumiti lang siya at nag like sign.

Umupo na ako at hinintay si ate barbera sa pag tapos nung gupit.

~°○🌺an hour

"Wow"

"Maganda ba mga bessy?"

"Sabi ko sayo Shena bagay ni bessy yan" mukha na siyang masungit haha hindi na yung maamong mukha. Siya na ngayon si Avytia 2.0 a fierceness beauty.

Bumagay sa kanya yung maikling buhok hanggang leeg tapos pinacurl ko ng malalaki.


Avytia P.O.V
~>○⚡|💨|🔥|💦|🌱○<~

This time around paglabas ko ng parlor na ito. Makikita na ng karamihan ang aking pagbabago.

Pagslide ng door. Lahat napatingin sa aming tatlo specifically sakin. Naka chin up ako habang naglalakad habang yung dalawa sumusunod sa akin.

Meron pa yung may couple tapos yung guy nakatingin sa akin sinapak lang siya ng syota niya haha.

Napag-isipan kong bumili ng bag. Total nandito na rin kami sa mall. Ayon bet ko yung royal blue na bag na nakadisplay sa entrance.

Pagdampot ko may nakasabay akong humawak.

"This is mine"

"Excuse me" binitiwan ko yung bag tapos humingi ako ng alcohol kay Metfy. Inispray ko din siya. Pagtapos nun binalik ko na yung alcohol tapos hinablot ko yung bag "Sorry this is mine! Bakit ang hilig mong mang-agaw?"

"Me?..."

"Oo"

"Haha may inagaw ba ako sayo? Duh! For your information wala akong inaagaw sayo"

"So kung ganun bitiwan mo tong bag" haha di siya nakapagsalita nalogic ko siya dun. "Next time show your words" inirapan ko siya at naglakad na sa counter.

"Oh Tresha akala ko ba gusto mo yung bag" rinig kong tanong ni Beatrice. I know it lalapit yan for sure.

"Miss"

"Bitiwan mo yung kamay ko kung ayaw mong mabraso" pagtataray ko nasindak naman siya.

"Avytia is that you?!"

"No this is Avytia 2.0" pagpapaliwanag ko. "Kaya bitiwan mo ako" seryoso kong sambit. Nakita ko na dumating na din si Cyrus may dala-dala niya yung mga shinopping nila. Haha nakakatawa naman ang pagkakataon napatingin siya sa akin.

"Oh Metfy..Shena kayo pala may bago pala kayong kasama hi miss" ganun na ba kalaki ng pagbabago ng anyo ko pati sila Hans di ako makilala.

"Wow Goddess" biro ni Florian

"Pinsan mo Shena?"

"Nasan pala si Avytia?" -Hans, napatawa nalang ako grabi naman silla joke ba to?

"Ah hehe bakit ka tumatawa miss" tinapik ko nalang yung balikat ni Hans tsaka nag lakad "ako to si Avytia" sumusunod lang sila sa akin. "Ikaw yan?!" Gulat nilang sambit

"Is this true wow ang ganda-ganda mo talaga Avytia" biro ni Florian. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa likod kung saan nakapila pa sila Tresha sa counter. Inalis ko yung Shade ko

"I know right" sabay tawanan. Pumunta kami ng resto ililibre ko sila. Di ko talaga maintindihan kung sinusundan kami ng warkang to. Hindi nalang namin pinansin umupo sila doon sa di kalayo kasama niya yung mga warka niya friend at si Cyrus.

Habang nagkwekwentuhan kaming magkakabarkada may guy na lumapit sa akin

"Hi miss pwedeng magpapicture" nahihiyang sabi niya. Si Hans na yung nakipagshake hands sa kanya. Kainis to uunahan pa ako.

"Don't touch our Goddess. Alis!"

"Halla ang bad mo Hans" -Metfy

"Haha syempre gusto ako lang haha" biro ulit nito. Halos hindi na makakain si Hans sa paninita sa bawat lalapit sa akin. Hinayaan ko nalang. Kinakarer niya eh.

...

Nandito ako ngayon sa veranda ng unit namin. Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang saya pala ng pakiramdam ng move on na ako... napatingin nalang ako sa alapaap. Payapa ang gabing ito.

Something catch may attention. May kumakaloskos doon sa harden ng dorm namin. Hindi na ako nagbakasakali tumalon ako mula sa mataas na veranda namin upang silipin yun. Matagal ko na kasi itong napapansin na parang may naninilit sa akin sa tuwing nandito ako.

Hinanda ko ang aking weapon baka mapasabak ako.

Agad akong lumusob doon sa masukal na halaman.

"Bote"

Unknown POV
~🍃¤>👤<¤🍃~

"Avisala aking Hadia"

"Nagagalak akong makita ka muli aking ashti"

"Ngayon ko na gagawin ang ating huling alas"

"Ano po ito ashti?"

"malalaman mo rin kung ano ang aking gagawin hadia. Kapag naalinsunod ang aking plano kailangan niyo ng makuha lahat ng kapangyarihan ni Oxmenthy maliwanag" tumango nalang ako at naglaho na siya sa aking paningin.

Kung anuman yun nagtitiwala ako sa aking ashti.

Itutuloy...

~°🍃○《Abangan》○🍃°~

"Yes, we checked if that is edited or not... sad to say that is not edited. The person captured on that cam ay si Cyrus" pagpapaliwanag ni Xygen.

Hindi parin kami makapaniwala. Nananaginip ba ako?

"I can't believe it. Anong pakay ni Cyrus?"

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now