85. Back in Time

15 1 0
                                    

     Chan P.O.V
~°○🌘⏱☀️○°~

"Kaya maghanda kayo tuturuan ko kayo kung papaano niyo mamanipulahin ang panahon" ika niya. "Ngunit bago natin ito simulan...Chan kainin mo ito" inabutan niya ako ng prutas.

"P-Prutas ng inang puno?"

"Oo kainin mo"

"Para saan?"

"Aish naaaliburahan ako sa pagmumukha mo kainin mo bilis"

"Tsst oo na Master" napipikon kong sabat.

"Master bakit mo siya tinatawag na Chan. Kilala mo ba siya" nabilaukan ako sa tanong ni Hans.

"Siya si Chan...kababata at pinsan niyo" sagot ni Master Yin sa kanya.

"Papaanong siya si Chan kung matagal na siyang patay noong mga bata palang kami" dagdag nito.

"Aish! Kahit ipaliwanag ko sayo mahihirapan kang intindihin ito"

"Isinumpa ako ni Bathaluman Desna at sinumpa niya akong maging panget" pagkatapos kong sabihin ang salitang 'Panget' nagliwanag ako at sumilaw ito sa buong bulwagan. Napatakip naman sila ng mata.

"Wow you looks great!" Manghang sambit ni Hans.

"Kahit na hindi ka namin maalala pwede ka na naman maging kaibigan" ika ni Florian.

"Dahil ba pogi na ako?"

"Tsst baliw" bulong nito kaya napatawa kami.

"Aba kailangan na natin lumikas para isagawa ang inkantasyon" sambit ni Mang Tanyo. Tumango naman kami. Dumating na din si Fharia Jesya at sinamahan niya kami sa pupuntahan namin.

...

Nandito kami sa sagradong lugar ng Adamas. Ang lugar na kinatitirikan ng 'Time  machine'.

Sabi nila dalawang beses lang ito nagamit at nung makapunta sa hinaharap ay hindi na nakabalik. Limang daan siglo na ang nakakalupas.

Bakas sa machine ang kalumaan nito. Nababalutan ito ng lumot. Hindi ito gawa sa anumang uri ng bakal kundi binubuo ito ng mga batong mahirap na mahanap sa kalupaan ng Elementia at napapagana lamang ito ng Ginintuang orasan.

"Master Yin nakakasigurado po ba kayo na gumagana ito?" Tanong ko sa kanya. Nakatikim naman ako ng malakas na hampas sa ulo ko gamit ang baston niya.

"Oo naman"

"Eh sa history namin yung pangalawa daw na gumamit dito di na nakabalik" singit ni Hans. Nakangisi lang si Master Yin habang tinuturo niya sarilu niya. Clueless naman kami na nakatingin sa kanya. Muli niya kaming pinalo sa pwetan.

"Ikaw ba yun Master Yin?" Biglang tanong ni Florian. Bigla kong naalala yung panahon na naglalaro kami nila Florian sa talahiban ng may matandang edad 40's ang nahulog sa talahiban. Si...M-Master yun.

"Hindi ako nakabalik sa kapanahunan ko dahil ngayon ko lang nahanap ang Ginintuang orasan. Sumama pala itong naglakbay sa akin patungo sa hinaharap kaya hindi ako magawang sunduin ng mga elementong may taglay na kapangyarihan na taglay niyo ngayon tatlo" kwento nito.

"Maaari ka ng makabalik ngayon Master Yin..tutulungan ka namin" saad ko ngunit umiling siya.

"Mas ninanais kong mabuhay ngayon sa hinaharap at iligtas ang mundo natin kaysa makabalik sa nakaraan....wala na tayong oras para magtuunan ako ng oras." Inilapag ni Master Yin Ginintuang orasan sa lalagyan nito pero walang anuman ang nangyari.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now